"Jian, tawagin mo na si Sir Keith. Pakisabi na kakain na tayo," sabi sakin ni Mama.

Umakyat naman ako sa taas. Kumatok ako sa kwarto niya at pagpasok ko eh naka-upo lang siya sa gilid ng kwarto. Nakabalot yung kamay niya sa binti niya at tulala.

"Keith, kakain na daw sabi ni Mama," sabi ko.

"Pakisabi susunod na ako," sabi niya.

"Sabay tayong bababa," sagot ko naman.

"Jian.."

Natigilan ako sa sinabi niya. Bibihira ko lang kasi siyang marinig na sabihin ang unang name ko. Madalas niya yung gawin nung bata pa kami.

"Thanks sa pag-intindi ng ugali ko," sabi niya.

"Di'ba sabi ko walang problema basta ikaw?" Sabi ko naman sabay tabi sa kanya.

"Di ako mapapagod na intindihin ka," sabi ko and I hugged him.

•••

"Ohayou Gozaimasu. Watashi no namae Iseri Jian Grey desu." Pakilala ko sa kapatid ni Tito Iñigo na tutuluyan ko sa Japan.

(Hello. My name is Jian Grey Iseri.) Kahit obvious naman. -Umepal si Author.

"Don't worry hijo, we can speak English or Filipino," nakangiting sabi sakin nung kapatid ni Tito Iñigo.

"I'm Jena Kun- Saeki. Bunso ako sa magkakapatid. Just call me Tita Jena. Hajimemashite," sabi niya.

(Nice to meet you.)

"Yoroshiku onegai shimasu," sagot ko naman agad.

(Nice to meet you too.)

Nasa airport ako nun at sinundo ako ni Tita Jena. Kakagaling ko pa lang nun sa Pilipinas.

"Sinabi sakin ni Kuya Iñigo na pupunta ka raw dito. Ayaw naman kasi ni Ivan na pumunta rito eh. Kaso nga sayang daw yung admission na in-offer ng isang school dito. Buti nga may nakuha siya," sabi niya sakin nung nasa kotse na kami.

"Panigurado mag-e-enjoy ka rito. May mga cherry blossoms ka pang maabutan dito. Pero sa December pa ang winter dito," sabi pa niya.

Nakatitig lang ako sa labas ng bintana. Maraming cherry blossoms ngayon. Kaso napaupo na lang ako ulit at huminga ng malalim. Sana nandito si Ivan..

"Magkaibigan kayo ni Ivan diba?" Tanong niya sakin.

"Opo," sagot ko naman.

"Parati ka nung nakukwento sakin kapag tumatawag ako sa kanila," sabi niya na nakangiti.

Magmula noon eh sa kanila na nga ako tumuloy. Mayron din siyang isa anak na babae, si Bianca. Almost ka-edad ko rin.

"Ohayou. I'm Jian Grey Iseri. Nice to meet you," pakilala ko sa kanya.

"I'm Bianca Saeki! Nice to meet you Iseri-kun!" Sabi niya.

Pa-epal ulit si Author: (Kun is used to address, commonly, a boy in Japan. Pero it sounds unique kaya ginawa ko siyang apelyido rin ni Keith.)

Si Bianca naman yung nakasama ko sa Japan. She's not that fluent in Tagalog but she can speak naman english.

Ang turing ko sa kanya eh more of a little sister. Kaso nung nagtagal na ako sa Japan eh umamin na rin siya sakin na gusto niya rin ako.

"I really like you Jian senpai.." Sabi niya.

Hindi ko naman alam ang magiging reaksyon ko. Ano nga ba? Wala akong nararamdaman sa kanya. She's just my "little sister" at yun lang.

"I'm sorry but I- I just see you as my- little sister," sabi ko naman.

Hayun, na little sister-zoned siya sakin.

"Is there someone you like?" Sabi niya.

Natigilan ako.. Dahil the moment na sinabi niya yun eh iisang tao lang ang naisip ko..

"P-probably. I don't know.. But we can be friends, right?" Sabi ko naman.

Hindi siya sumagot. Alam ko na nasaktan ko siya sa sinabi ko pero ayoko naman na maging unfair.

Sobrang busy ako nun sa pag-aaral sa Japan. Yung school kasi na pinasukan ko eh para na silang secondary school and at the same time eh parang nag-o-offer na rin sila ng courses. Kaya naman dun ako natuto ng pasikot-sikot sa all about publishing and editing.

Pero hindi ko naisip na sa sobrang busy ko eh may nakakalimutan na pala ako sa Pilipinas.

Until one day, narinig ko si Tita Jena na may kausap sa phone.

"I'm really sorry to hear that Kuya. Pero naghiwalay kayo ni Ate Karla, pa'no na si Keith?" Tanong niya.

"What?! KUYA!!! Can you expect Keith to live all by himself?!" Biglang sabog ni Tita Jena.

Si Keith..

Naghiwalay sina Tito and Tita? But why? At pano na ngayon si Keith? Ano ibig sabihin ni Tita Jena?

The week after that eh nagpaalam na ako kay Tito Iñigo na babalik ako sa Pilipinas.

Pero pagkabalik ko eh ibang Keith na pala ang haharap sakin. Hindi na yung dating Keith na masayahin at jolly. Ngunit isa nang Keith na broken at bagsak na bagsak..

•••

Magsabi na lang po kayo if may mali akong Japanese word na nagamit. Yun lang po kasi ang basic na alam ko about that language. Thanks!

Committed to Love You [Part 1]Where stories live. Discover now