Chapter 21 Sembreak

Depuis le début
                                    

Nginudnod niya ang bibig ko sa kinakain kong ice cream sabay tawa.

“Oo nga pala…” sabi ko habang nagpupunas ng bibig. “Papayagan ka ba ng parents mo kung sumama ka sa amin sa Cebu? Kasama naman si Jaymee saka si Deo. Tumawag kasi si Mama and every sembreak, umuuwi ako sa amin. I’d like you to meet my mom.”

“Okey, sasama ako. Wala naman akong gagawin sa sembreak eh.”

“Papayagan ka ba?”

“Oo naman!”

“Thank you! Gusto talaga kitang ipakilala kay Mama and it’s the first time na may ipakikilala ako kay Mama na babae kaya matutuwa yun.” Hinawakan ko ang kamay niya. “I want you to meet the most important woman in my life and she’ll meet the most special girl in my universe.”

“Tumigil ka nga!”

“What?”

“Don’t stare and smile at me like that!”

“Nababaduyan ka na naman!”

“No, that would make me fall head over feet!”

Linakihan ko ang mga mata ko at tumitig sa kanya.

“Dukutin ko yang mata mo!” sabi niya.

I was really excited na makilala na ni Mama ang girlfriend ko. Over the weekend, we flew to Cebu with Jaymee, Deo, Dominic at sinama niya ang boyfriend niyang si Lance.

Sinabi ko kay Mama na 9am nasa airport na kami. It was supposed to be a surprise pero makulit si Mama at hindi tumigil sa kakatanong kung anong oras ang flight at kung anong oras ang dating namin. Kaya, paglapag naming sa airport, ayun at nakaabang na ang aking nanay at sinalubong ako ng isang bear hug at maraming halik.

“Ang baby ko!” sigaw ni Mama ng makita kami sa exit ng airport.

“Mama!” hindi ko matago ang pagiging mama’s boy  at pagkamiss ko sa kanya.

Hinalik halikan ako sa pisngi na parang isang baby.

“Anak! Ang laki mo na!”

“Ma, naman!” sabi ko. “Ma, this is Portia, girlfriend ko.”

“Oh…. Portia!” yinakap yakap niya rin at hinalik halikan katulad ng ginawa sa akin.

“Ma, tama na!” sabi ko sa kanya.

“Hello po Tita!” bati ni Jaymee na kung hindi pa nagsalita hindi niya papansinin ang kanyang pamangkin.

“Jaymee!” ganun din ang ginawa niya kay Jaymee.

“Ma, pwedeng umuwi na muna tayo!”

“Oo, nga pala! Sige, tara na!”

Pumasok na kami sa kotse at ipinakilala ko na sila Dominic habang papasok sila sa kotse kasi siguradong isa isa niya itong yayakapin at hahalikan. Si Mama ang nagdrive ng sasakyan.

Pagdating namin sa bahay, nakita ko si Papa na nagpapakain sa alaga niyang German shepherd na aso.

“Papa!” tawag ko sa kanya at yinakap ako.

“Welcome home son!”

“Pa, girlfriend ko si Portia.”

“Magandang hapon po Tito.” Bati ni Portia.

“Naks naman anak may girlfriend ka na!” sabi ni papa.

“Pa, alam mo ding yang naks ah! Ito nga pala si Dominic and Lance. And you know Jaymee and Deo.”

“Pasok na kayo.”

Nagsipasok na kami sa aming bahay na nirenovate nila. Dati hindi naman ganito kalawak ang bahay namin at ngayon biglang maraming nagbago.

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant