Chapter 5: Aoi Arimura

180 28 7
                                    

Lahat sila ay napatigil at di makapaniwala sa nabanggit ni Adra.
Napabitaw si Rigel sa kanyang espada at humawak sa balikat ng kanyang asawa.

"A-Anong sabi mo? Nakasulat? Aklat?" gulat na gulat na tanong ni Rigel.

Kahit si Estella ay hindi makapaniwala at napatitig na lang kay Stephen. Nag aalala siya dahil bago pa lamang si Stephen dito at wala pa gaanong alam sa mundo nila. Tapos ngayon ito pa ang nalaman niya.

"Pero asawa ko! Wala akong alam tungkol sa sinasabi mong aklat. At kung meron man, b-bakit sya na normal na tao lang?" nag aalalang tanong ni Rigel habang nakatingin kay Stephen.

Inalis ni Adra sa pag kakawahak ang kamay ni Rigel sa kanyang balikat at naupo sya sa isang upuan sa harap nilang tatlo.

Pumikit siya at nagsalita, "Mahirap man tanggapin, pero sa kamay ng isang ordinaryong tao muling mababalik ang sigla dito sa Oren. Ako lang sa lahat ng nilalang na nandito ang nakabasa sa aklat na sinasabi ko, kaya naging ganito ang aking mata."  napahawak si Adra sa kanyang kanang mata na may takip.

Nagtinginan ang mag ama na hindi makapaniwala dahil ngayon lang nila ito narinig kay Adra. 

"Hindi ko na siya nagawang basahin pa ng buo dahil baka mawalan na ako tuluyan ng paningin at kailan man ay hindi na makakita. Nasunog ang aklat na ito matapos ang ilang taon mula ng huli kong basahin." dagdag na paliwanag ni Adra. 

Napansin ng lahat na tahimik lang si Stephen na nakayuko at nananatiling nakatayo. Namumuo ang kanay nito at tulala sa sahig.

Nilapitan siya ni Adra at bumulong. "Sa iyo nakasalalay ang buhay ng bawat isa sa amin." 

Lumaki ang mata ni Stephen at pumatak ang luha, napaluhod sya sa sobrang bigat ng kanyang dinadala.

"B-Bakit? Bakit ako? Wala akong kakayahan at di ko nga kayang ipagtanggol ang sarili ko!" Tuluyan nang bumuhos ang luha ni Stephen dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman niya.

Kakarating niya lamang sa mundong 'to, ngunit sinalubong agad siya ng napakaraming pangyayari na hanggang ngayon ay di pa nya lahat lubos maintindihan.

Tumayo si Rigel sa harapan nito at ginulo ang buhok ng binata. Dahan-dahan niyang itinatayo si Stephen mula sa pagkakaluhod. 

"Wag kang umiyak dyan at ako ang bahala sayo. Lakasan mo ang loob mo at nandito kami upang tulungan ka." Nakangiting sambit nito upang pagaanin ang loob ni Stephen.
   

---

-Sa kaharian ng Gludio-

Dito ang kaharian ni Andromeda. Siya ang tinuturing nilang reyna sapagkat sya ang gumawa at nag tipon ng mga tauhan dito.

Makulimlim ang paligid ng kaharian ng Gludio at madaming makikitang bungo sa bawat sulok. Puno ng mga lason at gagamba. Mabaho at nakakasuka.  Mga halimaw na nakakulong at mga nakakatakot na nilalang.  Yan ang makikita sa loob ng kahariang ito. Gayon din sa palasyo kung saan nakatira si Andromeda. 

Sa pinaka itaas, doon makikita ang trono niya. Isang malaking upuan. Nag kukulay berde at tila ba umiilaw. May makapal na balahibo ng isang di kilalang nilalang at may malaking bungo ng isang hayop na may sungay. Nakalagay ito sa itaas na bahagi ng kanyang trono. Sa magkabilang gilid naman ng kanyang upuan ay may malaking ulo ng paniki.

Ang mga tauhan ni Andromeda ay nababalot ng itim na cloak at nakataklob ng kulay itim na tela ang kanilang ulo.

Isang tauhan nya ang lumapit. May dala siyang plato na umuusok na parang sinusunog na karne.

The Master of the Lightning DragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon