Chapter 4: Ang Propesiya

199 26 2
                                    

Halos magwala si Andromeda sa galit pagdating niya sa kanyang palasyo sa kaharian ng Gludio. Siya ang namumuno at nagsisilbing reyna dito.

"Bwisit na mag amang yan! Sila pa talaga ang hahadlang sa mga plano ko!"

Umupo sya sa kanyang trono at masamang tinitigan ang mga alagad niyang tahimik na nakatayo at naghihintay sa susunod niyang utos.

"Mahal na reyna nandito po ang inyong pagkain. Kumain po muna kayo at mukhang pagod kayo sa mahabang pag lalakbay." sabi ng isang tagapagsilbi ni Andromeda.

Lahat ng tagapagsilbi ni Andromeda sa kanyang kaharian wears a black hooded cloak na tanging mata lamang ang nakikita.

Sinamaan niya ng tingin ang tagapagsilbi at nanigas na lamang ito sa takot. "Umalis ka sa harapan ko!
Aoi! Dalhin mo ang babaeng mortal sa loob ng selda at wag na wag mong hahayaang makatakas naintindihan mo?"

Tahimik na sinunod ng binata ang utos ni Andromeda at dinala ang babae na galing sa mundo ng mga tao sa kulungan ng palasyo.

Muling napasigaw si Andromeda sa galit."Ahhhhh! Nakakainis ka talaga matandang Rigel! "

Tumayo sya at tumingin sa bintana.

"Aoooooi!" muling tawag niya sa lalaki.

Walang isang segundo ay agad nasa harapan na niya si Aoi. Parang kasing bilis at tahimik siya ng anino kung gumalaw. Ni presensya niya ay hindi agad mararamdaman sapagkat bihasa na siyang kontrolin ito. May kakayahan syang mawala at lumapit sa kalaban ng hindi namamalayan.

Hindi sya ordinaryong mandirigma sapagkat kaya niyang pagalawin at kontrolin ang walong espada niya ng sabay. Nasa likod lang niya ito at laging dala sa kung saan man siya magpunta. Hindi rin sya kumikilos hanggat walang nag uutos sa kanya.

Si Andromeda kasi ang nag ligtas sa kanya noon mula sa pagsabog na nangyare sa isang kweba. At siya din ang nag bigay sa kanya ng kapangyariyan kaya ganon lamang siya kung tumanaw ng utang na loob sa kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng inuutos nya.

"May ipapagawa akong misyon sayo. Hanapin mo ang bato ng reynang ahas at dalhin mo sa akin. Matatagpuan mo sya sa bundok ng Pongriong. Kailangan mong mapatay ang ahas na yon para lumitaw ang bato. Kumilos kana ngayon din." Utos ni Andromeda sa kanya.

"Sige." Maikling sambit nito at mabilis na naglaho.

Mapanganib ang bundok ng Pongriong dahil doon makikita ang mga malalaki at agresibong mga nilalang. Matataas ang mga puno at walang gaanong pumupunta dahil nga sa mga nilalang na nakatira doon.

Sa mismong oras na iyon ay agad nagtungo si Aoi papunta sa bundok ng Pongriong.


--


Akay akay pa din ni Rigel si Stephen habang nag lalakad sila papasok sa bayan ng Surion.

Bakas pa rin ang takot ni Stephen sa kanyang mga mata dahilan ng hindi niya alam ang nangyayari sa mundo kung saan siya ngayon. Nakayuko pa rin sya at nanginginig sa takot.

Napatingin sa kanila ang gwardya, napansin nito na kakaiba ang ikinikilos ni Stephen at ngayon lang din nya nakita ito.

"Mahal na ginoong Rigel magandang araw po. Sino po ba ang lalaking kasama nyo?" tanong ng gwardya.

Takot na takot pa rin si Stephen at hindi mapigilan ang panginginig na hanggang napapahawak na sya ng mahigpit sa kamay ni Rigel. Hindi nya magawang itaas ang kanyang ulo sa pag kakayuko.

Hinawakan sya ni Rigel sa ulo at ginulo ang kanyang buhok, "Ah sya ba? Nakita ko lang sya dyan sa labas, hinahabol sya ng mga hayup kaya't tinulungan ko. Wag ka mag alala ako bahala sa kanya sa loob." may kompyansang sabi ni Rigel.

The Master of the Lightning DragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon