Chapter 3: The Lightning Dragon

231 25 5
                                    

"Tumakas na kayo! Ako na bahala dito. Doon kayo magpunta sa bayan natin!" sabi ng lalaking kararating lang na agad bumaba mula sa ere upang ipagtanggol si Estella.

Siya si Rigel. Ang ama ni Estella. Siya ang magiging sunod na pinuno sa malaking bayan na kung tawagin ay Surion at nagbabantay sa lahat ng bagay sa bayang iyon.

"Panira kang matanda ka!" Nanlilisik ang mata ni Andromeda na nakatingin sa kanila.

Hindi nag atubili at agad tumakbo si Estella patungo sa kinaroroonan ni Stephen at agad hinila palayo upang tumakas.

"Ama! Ikaw na ang bahala. Mag iingat ka!" ani Estella habang papalayo ngunit bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.

Mabilis silang tumakbo ni Stephen patungo sa bayan ng Surion. Pareho silang hingal na hingal at parehong di parin makapaniwala sa nangyari.

Nang makalayo sila ay biglang napahinto ang binata.

"S-Sandali! Ikaw! Sino ka ba talaga?" hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya sa mga nangyayari.

Ngumiti naman ang dalaga, "Ako si Estella. Nandito ka sa aming daigdig. Kung natatandaan mo, ako ang aso na pinangalanan mong Sam. Napunta ako sa mundo nyo upang hanapin ang kwintas ng mga ninuno ko at hindi ko alam na kapag nasira pala yon ay kusang papasok sa daigdig namin ang sinumang malapit sa kwintas. " paliwanag niya.

"Pero di ko pa din maintindihan. Paano ako? Paano ako makakabalik sa mundo namin?" tanong ni Stephen.

"Yan ang hindi ko din alam. Sumama ka sa akin papunta sa bayan ng Surion upang sabihin kay ina ang lahat ng ito." wika ni Estella.

Hindi na nagtanong pa si Stephen at patuloy na silang naglakad patungo sa bayan nina Estella.
  
   
--
 

"Ikaw matandang Rigel! Ikaw ba ang hahadlang sa mga kagustuhan ko?" tanong ng babaeng nakalutang sa ere at walang ibang makikita kundi purong kasamaan.

"Hindi ka mag tatagumpay sa binabalak mo Andromeda! Dito palang papatayin na kita!"
sigaw ni Rigel at sumugod patungo sa kanya.

Nagpalabas ng kakaibang usok si Andromeda mula sa kanyang pakpak. Isang malaking paniki ang nabubuo dito na gawa ng napaka kapal na usok.

Itinaas ni Rigel ang kanyang Espada at itoy kumidlat ng napakalakas.

"Humanda ka!" sigaw ni Andromeda habang nag tatatalon papalapit kay Rigel.

Alam ni Andromeda na hindi tatalab kay Rigel ang kanyang mata dahil hindi nya kayang basahin ang utak ng lalaki. Kayat sinubukan ni Andromeda na lapitan ito.

"Tanggapin mo to!" Isang malaking paniki na purong lason ang sinugod ni Andromeda kay Rigel.

The man raised his sword habang unti-unti itong nababalot ng kidlat na mas lalong nagpaliwanag sa paligid.

"GUADARIC! LABAS!" he called.

Umilaw ang Espada nito at unti unting may lumabas na napakalaki at nakakamanghang nilalang; isang dragon na kulay asul at nababalutan ng kuryente. Maging ang mga mata nito ay umiilaw. Malalaki ang pakpak na kasing lakas ng buhawi ang nagagawang hangin kapag ito ay kumakampay. May malalaking pangil at sungay. Isang nakakatakot na nilalang, ngunit nakakamangha.

Siya si Guadaric. Ang dragon sa loob ng espada ni Rigel at ang katangi-tanging nilalang na tinuturing lamang na alamat sa mundo nila dahil sa angking lakas at kapangyarihan. He was once the God of Lightning who was sealed inside that sword na kung sino ang piniling mag mamay-ari nito ay siya ang susundin ng dragon.

The Master of the Lightning DragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon