Kabanata 2

3 1 0
                                    

"Saan tayo maglalunch?" Tanong ni Aki sa akin after namin mailigpit ang gamit namin. It's our last period for the morning and mamayang 2pm pa ang next class ko while si Aki naman ay may 1pm class.

Tinignan ko sya and shrugged.

"Kahit saan." Sagot ko.

"Sa cafeteria nalang muna tayo since may klase ako maya agad." Nakabusangot niyang sagot na ikinatawa ko.

I combed my long curly hair and nodded. We were on our way to the cafeteria, masyadong matao sa hallway ngayon kaya medyo nahirapan kami kasi maypagka makipot rin ang daan.

"Ay wait lang magc-cr muna ako!" Biglang sambit ni Aki at agad agad na tinungo ang CR na nadaanan namin. Naglakad nalang ako sa may gilid sa hindi matao at sumandal sa pader habang hinihintay siya.

I was busy minding my own business when a loud cheer with claps and all caught my attention.

Ano na naman ba to?

My question were answered when I saw the university's basketball team and cheer squad walking down the hallway like they own the place. Akala ko ba sa high school lang may paganito? Ngayon ko lang ata nasaksihan ang mga ganitong eksena ah. Oh baka masyado lang akong wala sa sarili nung first year ako kaya ngayon ko lang napansin.

I was silently watching them from afar, mga babaeng naka uniporme nang pang cheer, mga lalakeng naka university jacket at syempre mga loyal fans. They were a group of loud bunch, full of laughter, na hindi naman masama. Pero nakalimutan ko yata na ang Captain nang Wolves ay si Uno Dela Fuego. At sa hindi ko na mabilang na pagkakataon, napatingin na naman kami but this time I wasn't about to tear my eyes off him first.

Uno is like a king. Hindi dahil sa masyado siyang maraming follower, o dahil sa sobrang karangyaan niya, o kahit ano pa. It's in his aura. He walk and act like a king. Para bang may nakabalot sa kanya na madilim na aura na kahit hindi mo tanungin ay parang isang tingin mo pa lang alam mo agad na superior siya.

"Captain!" Bati sakanya nang mga kasama niya. He smirked at them but said nothing nonetheless, a man of few words.

"Uno, ready ka na ba sa first game of the season?" Isang tanong sakanya nang cheerleader. They giggled, as if kilig na kilig sa sagot, eh wala pa namang sinasabi. Pinasadahan lang sila ni Uno nang tingin ang parang mangisay ngisay na sila agad, pero binalik rin niya ang tingin sa akin.

"Since when were the Wolves not ready?" He questioned back with his eyes taunting. Napa cheer naman agad ang mga tao sa paligid niya.

"Awoo!"

"Yvo!" Tawag ni Aki nakakalabas lang sa CR at hinatak na ako agad paalis.

"Bakit ba ang ingay dun?" Tanong niya.

"Andun ang varsity at cheer." Sagot ko na lamang.

"Ha?! Bat di mo sinabi baka andun ang dela Fuego!" Nanghihinayang niya na para bang gusto niya pang bumalik.

Hinatak ko na siya at pinaningkinitan.

"Ang tagal tagal mo na nga sa CR tapos gusto mo pang bumalik? Gutom na ako, tara na."

Wala nang nagawa si Aki at sumunod nalang sa akin papunta sa cafeteria. We were mindlessly looking for a table nang may kumaway sa amin.

"Sina Owen!" At nagsimula nang maglakad si Aki doon. Napaupo na siya sa tabi ni Mary na may pagkain narin.

"Anong sayo Aki? Ako nalang ang bibili." Pagprisenta ko since nakaupo narin siya nang maayos dun na walang balak tumayo. Tumingin siya sa akin na parang hulog ako nang langit sakanya which I rolled my eyes.

Breeze of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon