"I am just worried, babe. Ako kasi ang kasama niya and then in just a split of seconds --she's gone!" sambit ko na lang at napasabunot sa buhok ko, hindi naman ako sa galit kay Leysa –I am just freaking worried, baka napaano na iyon. Shit lang! Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kaniyang masama.

"I know her. Minsan hindi lang talaga nag-iisip ng tama iyon bago gumalaw. But most of the time, tama naman ang mga nagiging desisyon niya sa buhay. Let's just wait a little longer, siguro nag-commute iyon kaya wala pa siya hanggang ngayon," kalmadong sambit din ni Eddy habang walang emosyong nakatingin sa direksyon ko.

Alam ko, may alam na tong gagong best friend kong ito. He will not be called as my best friend kung hindi niya alam ang mga galawan ko, ang pag-iisip ko. Anyway, I will deal with him next time, kapag naklaro na ang lahat between me and Leysa.

Ano nga ba ang plano? Wala... oo, wala pa akong plano pero isa lang ang sigurado, I can't just let go of my wife... not now.

DIANA'S POV

"What? Nagkita kayo?" Napangiti ako sa tinuran ng kausap ko sa kabilang linya.Andito ako ngayon sa loob ng kwarto namin ni Fred sa resort.

"Tama yan... chance mo na yan, para makuha ulit ang loob niya. Kailangan na nating magmadali, lalo pa ngayong nagkakasakit na si Daddy. I am sure, inaayos na niya ang last will, in case." Dugtong ko pa sa aking sinabi at pinatay ko na ang tawag.

******

Andito kaming lahat sa restaurant ng resort kung saan tanaw ang mga taong dumarating dito.

"Tumawag si Daniel..." panimulang sambit ko, kaya nagtinginan sila sa akin lahat.

"What? May connection pa rin kayo ng ex-fiancé ng kapatid mo?" turan ng asawa ko, alam ko hindi niya talaga gusto si Daniel para sa kapatid ko kahit noon pa man. Pero di siya kumikibo tungkol dito ngunit napapansin ko lang sa mga galaw niya noon.

"A-ah. Nagtatanong pa rin naman iyon sa whereabouts ni Leysa and he just informed me na kasama raw niya ang kapatid ko ngayon," sambit ko sa kanila.

"Seriously, Diana? You let my friend with that damn ex of hers?" Biglang pagsasalita ni Monica, kaibigan ni Leysa na asawa na ngayon ng isa pang kaibigan ni Fred na si David Falcon. Naiirita man sa patutsada ng babaeng ito, I stayed calm,and smiled.

"Of course, 'cause as far as I can remember, Daniel was a good guy... so kung ano man ang dahilan ni Leysa, bakit di siya sumipot sa kasal nila ay siguradong kasalanan na iyon ng kapatid ko, buti nga nagre-reach out pa rin 'yung tao para magkausap sila ng kapatid ko," sambit at pagtatanggol ko kay Daniel. Kaya binigyan niya lang ako ng masamang tingin at inismiran.

Bruha!

LEYSA'S POV

"So kumusta ka na Leys?" tanong ng katabi ko kaya I looked at him and smiled.

"I am fine..." sagot ko naman ng walang pag-aalinlangan at binalik ang tingin ko sa labas ng bus.

"A-ah. Anong nangyari, Leys?" tanong niya, out of nowhere.I looked at him again.

"Ano nga bang nangyari sa atin, Dan?"

Yes. I unexpectedly meet my ex-fiancé rito sa bus na sinasakyan ko.

How coincidental...

"Di ko rin alam, but why you left me hanging there?" sinagot din niya ng tanong ang tanong ko.I smirked.

"I just realized na hindi pala talaga kita mahal. That's it!" simpleng sagot ko lang, na nagpayuko naman sa kaniya.

"Hmm. Sorry..." he said, out of nowhere. Kaya napakunot-noo ako.

"Bakit ikaw ang nagso-sorry, ano ka ba!" sagot ko sabay tawa at hinampas ng 'di kalakasan ang balikat niya. Kaya napatingin siya sa akin.

"Ako dapat 'di ba, I should be the one saying that –I ditched you, Dan... so, I am sorry, really sorry," sambit ko na lang din.

"Can we start again, Leys?" tanong niya sabay ngiti.

And I remembered the first time –we meet. Dahil sa mga inosenteng ngiti niyang iyan ako napaibig noon. Sayang, naging tuta lang siya ng bitch kong kapatid.

"Sure... as friends maybe," sambit ko naman.

Ito naman ang gusto nila then I'll gave it to them.

"Thanks, Leys..." tugon niya sabay hawak sa kaliwang kamay ko.

Kung noon sa mga gestures niyang ganyan sobrang tumitibok na ang puso ko, pero ngayon wala... as in wala. But I am willing to be friends with him again... hmm.

Bibigyan ko ng magandang palabas si Ate Diana...

"So total friends naman na tayo. Come with me, nasa resort sina ate together with kuya and our friends..."

Paanyaya ko sa kaniya sabay ngiti ng matamis.

SISTER-IN-LAWWhere stories live. Discover now