Chapter Eight

Magsimula sa umpisa
                                    

Habang loading na loading yung utak ko sa pag-iisip ng maisasagot ay..... ay laking gulat ko na lang nang bigla niya akong yakapin. Yung yakap na mahigpit na mahigpit. Anyari dito?

Dahil sa gulat ko, hindi ako kaagad-agad na nakapagsalita at patuloy na nagloload ang utak ko kung bakit kanina lang parang galit sya tas ngayon yayakap-yakapin niya ako. A big big question.

Pero ang lalo kong ikinapagtaka ay nang sabihin nya ito:

"Mahal kita... higit pa sa kaibigan..."

Pakiramdam ko nang sabihin nya ito ay para bang huminto sa pagtibok ang puso ko na para bang nasosoffocate ako dahil parang may bumara sa lalamunan ko at hindi na ako makahinga, para bang nasamid ako kahit na wala akong kinakain.... pero....

***

Dean's POV

"Magkunwari kang nasorpresa dahil kung hindi, ipapasalvage talaga kita." pananakot sa akin ni Jessa.

Nasa may pintuan na kami ng classroom namin.

Pano nga ba magkunwaring nasorpresa? Yun bang palalakihin yung mga mata na halos lumuwa na yung eyeball? Yun bang pipigilin ang paghinga habang ibinubuka ng pagkalaki-laki ang bibig tapos tatakpan mo nung kamay mo? O yun bang halos mangiyak-ngiyak na magpagpapasalamat at paulit-ulit na sasabihin ang ganito: "thank you, thank you, thank you! Hindi ko talaga inaasahang gagawin nyo ito para sa akin!". Ang bading naman non tignan. Pano kung sila na lang kaya ang isorpresa ko? Parang mas astig yon.

Pumasok na kami ni Jess sa classroom at pagpasok namin ay biglang natahimik silang lahat, kanina lang ang ingay nila.

Ilang sandali pa ay unti-unti ng tinatanggal ni Jessa ang piring ko. 

Pagkatanggal nung piring ay inilibot ko muna ang paningin ko sa paligid at saka ako sumimangot at nagkunwaring hindi ko nagustuhan ang mga nakita ko.

"Ano to?" kunwaring badtrip kong tanong.

Bumaling ako kay Ayen at seryosong-seryoso ko muna syang tinignan tsaka ko sya nilapitan. Tinitigan ko sya ng masama hanggang sa abot ng aking konsensya.

Nang gawin ko to ay naging kapansin-pansin agad yung pamumula nya. Itinungo nya na lang ang ulo nya na aakalain mong mahuhulog na.

"Ano 'to?" lalo ko pang ginalingan ang pagkukunwari ko.

Patuloy ko lang syang tinitigan nang masama. Medyo natutuwa ako sa ginagawa kong ito kahit na hindi ito magandang biro. Alam kong malakas na batok ang parusa ko ngayon. Pero nakakatuwa kasing pagmasdan si Ayen ng ganito. Nakakatuwa syang biruin. Lahat na lang yata ng bagay sineseryoso nya.

Pero.... hindi ko inaasahan, bigla-bigla ay wala sa sarili ko syang niyakap. Hindi ko alam kung bat ko nagawa yon bastat biglaan na lang. May sumapi yatang kung ano sa akin. 

Naramdaman ko tuloy yung kaba ni Ayen ng gawin ko ito. Bigla na lang syang nanigas at wala akong narinig na miski maliit na boses galing sa kanya.

"Mahal kita... higit pa sa kaibigan..."

Laking pagkagulat ko na lang nang marinig ko tong mga salitang ito na lumabas galing sa bibig ko. Kinabahan ako ng di oras. Bat ko nasabi to? Mali. Maling sabihin ko ito sa kanya ngayon. Hindi pa tama ang oras para aminin ko sa kanya. Hindi pa oras para umamin ako... pero-- biro lang. Walang nangyaring ganito. Bigla na lang kasing sumagi sa isip ko habang yakap-yakap sya. Kung kailan ko masasabi sa kanya itong nararamdaman ko only heaven knows.

Kahit naman sinasabi nilang mahal nga ako ni Ayen ng higit sa kaibigan ay di parin ako magkalakas-loob na aminin sa kanya ang totoo. Hindi ko alam kung san ako ipinaglihi at kung bakit ipinanganak akong torpe. Ang mabuting gawin na lang siguro ngayon ay wag muna akong magpadalos-dalos.

Unlucky I'm In Love With My TolbesprenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon