🔸Bakit Siya At Hindi Ako?

16 4 0
                                    

Bakit siya at Hindi ako
Title by: Charize Jo Braza

Ano bang meron sa kanya
Na sa akin ay di mo makita?
Tinatanong sa sarili kung bakit siya?
At parang sa kanya ka masaya

Bakit siya at hindi ako
Ang laging tinatanong ko
Pero ngayon alam ko na
Pagtingin koy hindi pala mahalaga

Palihim na nasasaktan itong damdamin
Katotohanang mahirap tanggapin
Pagtingin ay hindi pala sa akin
Malungkot mang isipin pero tatanggapin

Sana lumigaya ka sa kanya
Dahil alam kong liligaya din ako sa piling iba
At magkakaroon ng halaga.

dj

Enrapture (Poems)Where stories live. Discover now