🔸Sana Tanggapin Mo

20 4 0
                                    

Sana tanggapin mo
Title by: Dwight Dela Cerna

Mahirap malayo sa taong
minsan naging parte ng buhay mo,
At alam kong napapaiyak
na kita't nasasaktan ng todo.

Sana tanggapin mo,
Na tinalikuran ko man
ang mga pangako kong
Masaya nating plinano

Hindi naman magbabago na minsan
Rin akong sumaya sa buhay mo
Naranasan kong tumawa at
Ikaw rin ang komempleto ng bawat araw ko.

Pero iyon ay ala-ala na lamang na nabuo
Sana'y tanggapin mo
Na hindi talaga tayo at alam kong
May taong darating din sa buhay mo

Patawad sa aking paglisan
Wala man akong sapat na dahilan
Minahal kita ng lubusan
Pero sa ngayon muna ay paalam.

dj

Enrapture (Poems)Where stories live. Discover now