🔸Ala-Ala

25 4 0
                                    

Ala-ala
Title by: Yan Yan

Nakatayo sa burol kung saan dati nating tagpuan,
Tinitiis ang malamig na hangin at malakas na ulan.
Hinihintay ang iyong pagdating na tila ba'y nakalutang na lamang sa hangin,
Pilit binabalik ang mga bagay na akala koy muling maaangkin.

Ayaw kong aminin na ika'y lumisan na sa aking piling,
Mahirap mang aminin mga bagay na nanatiling nasa dilim
Ngunit ito'y tatanggapin na ikaw ay ala-ala na lang sa aking isipan,
Naiwan man akong luhaan sa lugar kung saan kita pinaglaban,

Aalis naman akong mag-isa't masaya na dala ang iyong ala-ala.

dj

Like my page - DJ Writes

Enrapture (Poems)Where stories live. Discover now