Promise? Promise.

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wag na! Akala ko ba nag-promise ka sakin? Di'ba ikaw pa nagsabi na walang iwanan?! Na parati ka lang na nasa tabi ko?! Akala ko ba kaibigan kita?!" Sigaw ko naman.

"Sorry," sagot niya na nakayuko.

"O wala lang sayo pagkakaibigan natin?" Tanong ko naman.

"Hindi naman ako ganun Keith. Mahalaga ka sakin! At ayaw ko rin na mahiwalay sayo! Pero malaki ang utang na loob namin ni Mama sa Daddy mo kaya naman di ako makatanggi. Sa ikabubuti naman ng kumpanya ang ginagawa ko," sabi niya.

Di ko siya pinansin. Pero lumapit siya sakin.

"Parati kitang tatawagan okay? Tsaka four years lang naman eh, pagbalik ko sabay tayong papasok sa college. Wag ka nang magtampo.." Sabi niya sabay titig sa mata ko.

"Promise?"

"Promise."

Dumating na yung araw na aalis na siya. Hindi ko maiwasan na hindi malungkot. Kaya naman habang nasa airport kami eh panay kwento sakin si Grey.. Ako naman eh hindi nagsasalita..

Tumititig sakin si Grey.. Saka niya ako dinala sa isang side ng airport..

"Huy. Smile ka na! Ayaw ko umalis na di ko man lang nakikita yung ngiti mo. Wag ka nang malungkot," sabi niya.

Ngumiti naman ako pero malamlam na ngiti lang ang naibigay ko.

"Babalik ako agad."

Then bigla niya akong hinalikan sa pisngi. It was a quick kiss, pero di maiwasan na kumabog ng malakas ng puso ko.. Hindi ko maiwasan na hindi mapahawak sa parte ng pisngi ko na hinalikan niya..

I looked at his face, seeing him smiling at me gave me hope and strength. Ngumiti na ako ng totoong ngiti.

"Mami-miss kita Grey." Sabi ko.

"Mami-miss din kita Keith."

•••

PROMISE. Big word di'ba? Okay na sana eh, maayos na sana yung pag-alis niya.. Pero sabi nga nila, promises are meant to be broken.. Kaya yung kinakatakutan kong mangyari eh nangyari nga nung nasa Japan na si Grey..

Kailangan kong isubsob ang mukha ko sa unan para hindi marinig ni Grey ang pag-iyak ko.

Hindi ko maiwasan na hindi masaktan kapag naaalala ko ang nakaraan namin. Yung mga panahon na kinakausap ko si Grey sa normal na boses.. Yung panahon na magkasundo pa kami.. Yung mga panahon na nagagawa ko pang makangiti sa kanya..

Napatitig ako sa labas ng bintana ng kwarto ko. Masyadong masakit yung nangyari sakin.. Dahil kung kelan umalis si Grey, saka naman dumating yung pinakamalaking pagsubok na dumating sa buhay ko..

•••

"He is again showing symptoms of heart failure," sabi nung doktor na tumingin sakin the next day.

Tumango naman ako sa sinabi nung doktor. Si Grey naman eh napatingin sakin bigla.

"To tell you frankly, the situation within the past three years is not healthy for his condition," sabi ng doktor at tumingin siya ng makahulugan kay Mommy.

Pinadaanan ko naman ng malamig na tingin si Grey.

"All that I can advise is to give him a less stressful environment and asikasuhin niyo naman ang anak niyo every now and then. Nung tinanong ko siya eh puro lang instant foods ang kinakain niya at mas lalong hindi yun makakatulong sa kanya," sabi pa ng doktor.

Nung nakaalis na yung doktor eh agad namang lumapit sakin si Mommy.

"Sasama ka sakin okay? Kahit magalit pa Daddy mo you have to come with me," sabi niya.

"Ayoko," matigas kong sabi.

"You have to. Kailangan kitang alagaan," sabi pa niya.

"G-gusto ko po kina.."

"Kanino?" Tanong ni Mommy.

Pero nahihirapan akong sabihin kung ano ba talaga yung gusto ko. Kung kanino ko gusto sumama. Nandun pa si Grey kaya medyo alangan pa ako..

"Gusto ko po kina G-Grey," sagot ko naman sabay yuko.

Bumaling si Mommy kina Tita Jessica.

"Gusto raw ni Keith na manatili sa inyo. Ayaw naman niyang sumama sakin. Pwede ba Jessica?" Tanong niya.

Napatingin sakin bigla si Grey. Hindi ko alam kung ano ang meaning ng titig niyang yun because his face remained blank. Namumula na ako sa hiya dahil sa sinabi ko.

"Sige po. Walang pong problema," sabi naman ni Tita Jessica.

"Papadalhan ko na lang kayo ng pera at groceries buwan-buwan. Thank you Jessica," sabi ni Mommy.

"Walang pong anuman. Basta po kayo wala pong problema kung ano hilingin niyo," sabi ni Tita Jessica.

Grey? Could you please stop looking at me?

Committed to Love You [Part 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon