C h a p t e r VII

8 2 0
                                        

One Step Closer
Chapter VII

Blinda'

"i give him the permission para ligawan ka" sabi ni Kuya. Napa-what-seriously?  look naman ako.

Nasa kotse parin kami at on the way sa bahay. "what? Permission? Eh hindi ko nga yun gusto kuya" sabi ko. Tiningnan lang ako ni Kuya at napangiti siya. "what's funny?" pagtataray ko sa kanya.

"you know what, ligaw lang naman eh. Nasa sayo parin kung sasagutin mo
At hindi mo man siya gusto ngayon, di natin masabi baka isang araw mahal mo na pala sya" sabi ni Kuya at ang taas ng ngiti. Anong meron. Inlove na naman ba kuya ko? Pero kanino?

Napa-what-ever look na lang ako at hindi na pinansin si Kuya. Napa-cross arms lang ako at itinuon ang tingin sa labas ng bintana nitong kotse.

Pagdating namin sa bahay ay sinalubong agad kami ni mama. Kumakain na si papa at nginigian niya ako ng mapatingin ako sa gawi niya. "bakit ang tagal nyo?" tanong ni mama habang bumebeso sa amin.

Napangiti naman si Kuya bago nagsalita. "eh nakausap ko yung manliligaw ni Blinda ma, kinausap ko lang" nanlaki naman ang mata ko ng diinan at sabihin ni Kuya yung manliligaw. Napapikit na lang ako sa inis. "kuya" saad ko at binigyan siya ng stop-na-kase look.

"Really Blinda?" tanong ni mama na ngayon ay nakangiti pa. Napailing naman ako. "next time papuntahin mo sya dito para makilala namin ng papa mo" sabi ni mama dahilan ng pagkagulat ko. "no way!" sagot ko. "at hindi ko yun manliligaw, eh wala mga akong gusto dun" sabi ko pa.

Napa-rolled eyes na lang ako ng tinatawanan ako lang ako ni Kuya. Loko talaga to, isa pa yung Ashton na yun. Nakakagigil. "umakyat na kayo at magbihis, bumaba na kayo pagkatapos para masabayan nyo kami ng papa nyo at pag-usapan natin yang manliligaw mo anak" sabi pa ni mama. Tinawanan lang ako ni Kuya. Tumakbo na siya paakyat dahil alam niyang makakatikim siya sakin. Nakakainis naman oh.

Umakyat na ako. At hanggang ngayon ay naiinis parin ako sa Ashton na yun dahil sa kanya eh inaasar na ako ni Kuya. Manliligaw? Siya manliligaw ko? Eh hindi nga nagpaalam! Kahit pa magpaalam, I wont give him permission, ayoko sa badboy. Mas okay na si Vendex.

Kakabihis ko lang, and I decided na i-text si Ashton dahil sa pinagsasabi niya kay kuya. Sinabi ko sa text na ang kapal ng mukha niyang sabihin na manliligaw ko siya, eh in the first place eh hindi nga siya nagpaalam sakin.

Nakatingin lang ako sa screen ng phone ko at hinihintay na magreply yung Ashton na yun. Grr. Maya maya pa ay tumunog na ang phone ko at dali dali kong binasa ang message ni Ashton. Napa-what-the-hell look na lang ako sa screen ng phone ko ng makita ang message niya sakin. He just texted me a laughing emoji. "seriously" saad ko sa sarili ko. "ang dami kong sinabi tapos tumatawang emoji lang ang reply niya?" sabi ko pa sa sarili ko. Napapikit na lang ako sa inis at inilapag ang phone ko sa bed. Maya maya lang ay tumunog na ang phone. "I bet naiinis ka na ngayon, Im sorry, bukas na lang kita kakausapin" binasa ko ang message niya. Napapikit ulit ako sa inis. Grr. Bukas? Kakausapin niya ako? For what? Hindi ko na lang siya nireplayan at bumaba na para makakain.




"ang tagal mo naman magbihis, oh baka tinagalan mo para dimo maabutan si papa para di natin mapag-usapan ang tungkol sa manliligaw mo" pag-uumpisa ni Kuya. Nakangiti pa siya ngayon. Kakaupo ko lang sa dati kong pwesto, sa harap ni Kuya at mama.

Binigyan ko naman siya ng what-the-hell -tumigil-ka look. Napatingin ako kay papa na ngayon ay nakangiti. Isa pa tong papa ko, nakikisali na din sa asaran.

Hindi ko iyon pinansin at nagsalin na lang ng kanin sa plato ko. "So who's this guy Blinda?" napatigil ako sa pagsalin ng magsalita si papa at tanungin iyon. Tumingin ako kay papa.

ONE STEP CLOSER [ON-GOING]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang