C h a p t e r III

15 2 0
                                        

One Step Closer
Chapter III

Blinda'

Nakahiga na ako ngayon, hindi ko alam kong bakit hindi ako tinatantanan ng number na nagtetxt saken. Eh hindi nga nagrereply sa hindi ko kilala, eh kung magpakilala na lang sana sya eh di nareplayan ko na.

"hi"

"hi"

"busy? "

"busy ka? "

"hi"

"kumain ka na? "

"ang kulit ko ba masyado? "

Grrrr. Nanggigil na talaga ako sa mokong na nagtetext na to. Itinapat ko ang selpon sa mukha ko. "kung sino ka man na nagtetext, pwede ba tantanan mo ako! Hindi kita rereplayan. I dont talk to strangers!" parang baliw na ako dahil kinakausap ko na ang selpon ko.  Hayst.

Tinatanong pa kung makulit, sobrang kulit na nga niya. Kanina pa hi ng hi. Kagigil. Hindi ko na lang yun pinansin at inilapag ang selpon sa tabi ng ulo ko. Tumingin ako sa kisame saka napangiti ng maalala ang mangyari sa locker room. Blinda! Stop! Stop it!  Bat mo ba sya iniisip!?

Sa kalagitnaan ng muni muni ko biglang tumunog ang selpon ko. Nagulat ako grabe. Nakakaindak pa naman ang ringtone ko.

'banana chacha
'banana chacha
'lalala chacha!

'banana chacha
'banana chacha
'lalala chacha

Sunagot ko iyon at tinapat ang selpon sa tenga ko. "hello, sino ba to? Kung pinagtritripan mo lang ako, pwede ba tumigil ka na" pero wala lang akong natanggap na tugon mula sa kabilang linya. "hello!" bulyaw ko sa kabilang linya. Pero wala pa ring nagsasalita kaya pinatay ko na. Naiinis ko namang inilapag ang selpon ko sa mesa na nasa gilid ng kama ko.

Napahinga lang ako ng malalim at tumingala sa kisame ng kwarto ko. Hindi ko namalayan na unti unti ko na palang naisasara ang mga mata ko.

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. 5:40 at mamaya pang 7:00 yung klase ko. Hindi muna ako bumangon at hinayaan ko muna ang katawan ko na i-absorb ang realidad na umaga na naman. Hayst. Kinuha ko ang phone ko sa lamesa at inopen ko ito. "fuvk" napamura na lang ako. 25 missed calls and 45 unread messages. "sino ba tong gago na to?" tanong ko sa sarili ko. Wala na, sira na naman ang araw ko, kabwisit lang. Hindi ko na binasa ang mga messages at agad kong dinelete ito. Napahilamos lang ako gamit ang mga palad ko.

6:30 na nang makaligo ako, nakabihis na ako pagbaba ko. Hindi pa din tumitigil ang hayuk na nagtetext. Hindi ko na lang yun pinapansin. Bumaba ako ng lukot ang mukha.

"Blinda, kumain ka na, sabayan mo na ang kuya mo, sumabay ka na rin sa kanya mamaya papaunta sa school, may pupuntahan sya kaya maihahatid ka nya." tumango tango lang ako at naupo sa tapat ni kuya.

"ah kuya, ma, mamaya po pala,mago-overnight dito si Abi, magre-review po kami.pwede po ba?" tanong ko kay mama, sabay kuha ng egg sandwich sa mesa. Nakalukot pa rin ang mukha ko, nagbwibwisit sa taong text ng text.

"sure, ako na tatawag sa mommy niya, im sure takot yun magpaalam," ani mama. Kilala na talaga ni mama si Abi. Well, shes like a sister to me kaya kung sila man ni kuya ang para sa isat isa, vote ko sila.

"are you okay Blinda?" tanong ni Kuya Athan. Tumingin lang ako sa kanya, without any expression."bat nakalukot mukha mo?" tanong pa niya sabay higop ng kape.

"nothing kuya, im fine" sagot ko.

"sure, parang hindi, c'mon tell me, kilala kita kahit matagal ako sa malaysia, i still know you"

ONE STEP CLOSER [ON-GOING]Where stories live. Discover now