C h a p t e r II

14 3 0
                                        

One Step Closer
Chapter II

Blinda'

He just stole my first kiss! Blinda wala kang gagawin? Wait... ahh.. kinuha ko ang isang cup ng milktea sa harap ko at tumayo ako,"Ashton!" sigaw ko dahilan para mapaigil sya sa paglayo.

Napasigaw ang mga tao sa canteen ng ihagis ko sa kanya ang milktea na hawak ko. Unti-unti nyang iniikot ang ulo nya at tiningnan ako ng walang reaksyon. Basang basa sya ngayon shit.

"ang lakas ng loob!"

"kala mo naman kung sino"

"ang kapal!"

Rinig na rinig ko ang bulungan ng mga tao, pero deadma, wala akong pakialam, magnanakaw ng halik.

"Blinds, tama na" awat ni Abi. Humahakbang na ngayon papalapit sa pwesto namin si Ashton. "tara na" yaya ni Abi pero di ako nagpatinag. Nasa mukha parin ni Ashton ang tingin ko.

Nasa harap na namin si Ashton at ganun pa din, walang reaksyon ang mukha at nakapamulsa kahit pa basang basa na sya. "ano, anong gagawin mo?" tugon ko. Nakahawak lang sa braso ko si Abi.

"hindi ako pumapatol sa babae," sabi nya. Wala pading reaksyom ang mukha nya. "excu-" hindi ko na sya pinatapos. Akmang aalis na sya ng magsalita ako.

"ah duwag!" humarap ako sa kanya at nag-cross arms. "duwag ka, mag-uumpi--"diko na natapos ang sasabihin ko ng humakbang sya papalapit at hinpit ang bewang ko dahilan para magdikit ang mga katawan namin. Ramdam ko ang bulungan ng mga tao.

Time stands still
Beauty in all she is
I will be brave
I will not let anything, take away
What's standing in front of me
Every breath, every hour has come to this

One step closer 🎶

Inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko. "hindi kita papatulan" ramdam ko ang malamig nyang hininga at shit, bakit ganito tong maramdaman ko. Inilayo nya ang mukha nya at nagulat ako ng hilahin nya ako palabas ng canteen. "all of you, walang susunod!" banta nya.

Mahigpit ang pagakakahawak nya sa kamay ko kaya diko magawang makawala. "saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko at nagpupumiglas pa rin ako para makawala. "bitawan mo nga ako!" kitang kita ko naman ang tingin samin ng mga ibang estudyante lalo na ng mga babae.

"titigil at susunod ka sakin o hahalikan kita dito sa labas ng campus?" banta niya. Hindi na ako umimik at hinayaan ko na lang na hilain nya ako. "takot ka palang mahalikan ulit eh" nakita ko na napngiti sya ng bahagya.

Nanggigigil ako sa lalaking to. Saan ba nya ako dadalhin, buti sana kung si Vendex to, sasama talaga ako. Wahhh.

Napansin ko na papunta kami ngayon sa locker room ng mga lalaki, ano namang gagawin namin dun?  At tama ako, tumigil kami ng makapasok kami sa locker room nila.
Wala namang ibang tao bukod sa amin. Nagtataka lang ako kung bakit niya ako dinala dito.

"stay there," sabay turo sa tapat ng mga locker. Hindi na ako umimik at tumayo lang sa kung saan niya sunabi. Binuksan nya ang isang locker, i think sa kanya naman yun, maya maya pa ay, dahan dahan niyang tinanggal ang polo na suot niya. Nanlaki ang mata ko.

"anong gagawin mo?  Kung ano man ang balak mo huwag mo na ituloy, tulo-" sisigaw sana ako kaso nagsalita sya.

"i told you, hindi kita papatulan, we're here para magpalit ng damit, dahil nabuhusan ng milktea ang damit ko just because of you! " itinuro pa nya ako gamit ang hintuturo nya. "mukha ba akong rapist?" dagdag niya.

"medyo" sagot ko at tiningnan nya ako ng masama, "joke" sabi ko pa. 

Hindi ko maiwasang mapatingin sa katawan niya. Shet, shet, shet ang hot pala niya. May abs pa sya. Pwede kaya mahawakan yan?  Tssk.  Erase.

ONE STEP CLOSER [ON-GOING]Where stories live. Discover now