Umusog ako para sumandal sa headboard. Lumingon si Grey at agad silang lumapit sakin nung nakita nilang gising na ako.

"Okay ka lang? Wag ka nang gumalaw Keith, baka mapano ka pa," sabi niya.

"Okay lang ako," matigas ko namang sabi.

"How are you feeling Keith? Are you alright?" Tanong sakin ni Mommy.

"Thanks sa pag-aalala but I'm fine. Wala ka bang kinansela na meeting para lang makapunta rito?" Tanong ko.

Humigpit yung hawak sa akin Grey.

"Gusto ko lang po mapag-isa," sabi ko naman sabay takip ng kumot sa ulo ko.

Nakarinig ako ng mga paang papalabas ng kwarto ko. Nung nakarinig na ako ng pagsara ng pinto eh inalis ko na yung kumot na nakatakip sa katawan ko.

Pero nandun pa rin si Grey sa loob.

"Di mo ba ako narinig? Sabi ko gusto kong mapag-isa," sabi ko.

"You should never talk to your mother like that," sabi niya.

"Well, uulitin ko po ang dati ko nang explanation sayo Mr. Jian Grey Iseri, katulad mo, kasalanan din nila kung bakit ganun ang trato ko sa kanila," sabi ko.

"Pero nanay mo yun. Baliktarin mo man ang mundo, nanay mo siya at anak ka niya-"

"Siya na mismo ang nag-alis ng pagiging ina niya sakin nung araw na iniwan nila ako!!" Sabi ko at bigla akong napahawak sa dibdib ko. Nakaramdam kasi ako ng biglaang sakit.

"Keith.. Are you fine? Wag ka na kasing magagalit masyado," sabi niya sabay himas sa likod ko.

Tinabig ko yung kamay niya.

"Don't touch me," sabi ko at nagpunas ako ng luha ko.

"I won't press the situation to you right now. Magpahinga ka na," sabi niya sabay labas ng kwarto ko.

Tinitigan ko lang siya habang papalabas siya ng kwarto ko..

Gusto ko lang naman ng masasandalan ngayon.. Yung iintindi sakin kahit ganito ang ugali ko.. Ayokong ipamukha lang nila sakin kung gaano ako kasamang anak.. Gusto ko lang ng taong mabubuhusan ko ng lahat ng sama ng loob ko..

Nagpunas na naman ako ng luha ko. Alam ko cold ako sa kanila. Pero resulta to ng isang broken at bagsak na pagkatao ko.. Resulta to ng dalawang taon na hindi ako nakaramdam ng pagmamahal.. Nasan sila nung kailangan ko ng maiiyakan?

Na'san ka Grey nung pinakang-kailangan kita?

•••

Systolic Heart Failure

Naglalaro kami nun ni Grey sa labas ng bahay namin ng baril-barilan gamit ang water gun..

Umaga nun at wala kaming pasok sa school.

Hinahabol ko siya nung bigla na lang akong mapatigil sa pagtakbo ko..

"G-Grey!" Sigaw ko bago ako bumagsak sa damuhan na umiiyak. Nagsisikip ang dibdib ko at di ako makahinga..

"Keith! Gising! Keith!! Mama!! Tita!! Si Keith po!!" Naririnig kong sigaw ni Grey na umiiyak na rin habang niyuyugyog ako.

Then biglang nagdilim lahat..

Nagising ako sa ospital.. Pagtingin ko sa bed ko eh nakita ko si Grey na tulog at nakasandal sa hospital bed ko. Sina Tita Jessica naman at sina Mommy at Daddy eh kausap yung doktor. Narinig ko pa yung pinag-uusapan nila..

"We just found out na may symptoms siya ng Systolic Heart Failure. Mahina ang puso ni Keith. Hindi niya kinakaya ang matinding pressure, be it physical or emotional. All we can do is to limit his activities at mag-provide kayo ng atmosphere na friendly sa kanya," sabi nung doktor.

"Malala po ba yun Dok?" Tanong ni Mommy.

"He can live a lifetime kapag maingat naman kayo, pero isang maling sitwasyon lang ang makalagyan niya eh malalagay sa peligro ang buhay niya.. Unless na magpa-heart transplant siya. But a heart transplant is only our last option, mababa ang chance na gawin natin yun," sagot nung doktor.

"Sige po Dok, thank you," sabi nila.

Magmula nun eh halos ikulong na rin nila ako sa bahay namin. Ayaw na nila akong pagpalaruin masyado. Lumalabas lang ako para magpa-araw o pag pupunta sa school.

Dun naman pinakang-nasandalan ko si Grey. Siya naman ngayon yung nagpapangiti sakin kapag umiiyak ako. Siya naman ngayon ang nag-e-effort na mapasaya ako..

"Nag-promise ako sayo diba?" Yan ang parati niyang rason sa tuwing pinipilit ko siyang pauwiin na.

It was a memory of my past..

Nung kinagabihan na eh bumaba na ako sa sala. Naabutan ko dun si Grey na nagluluto.

"Wala si Mama at si Tita Karla, sinundo nila yung doktor na titingin sayo," sabi niya.

Di ako sumagot. Kailangan ko pang humawak sa kung ano para lang makapag-lakad ako. Nanghihina kasi ang katawan ko.

"Gusto mo ng tubig? Wait, ikukuha kita," sabi niya.

Inabutan niya ako ng isang basong tubig.

"Thanks," sabi ko naman na nakahawak pa rin sa silya. Pakiramdam ko kasi eh babagsak ako kapag bumitaw ako..

Biglang nagkasalubong ang mata namin ni Grey. I tried to decipher his emotions pero blanko lang ang mga mata niya.

Ako yung unang bumitaw  sa titigan namin.

"Aakyat na ko," sabi ko pero sa pag-ikot ko eh nawalan lang ako ng balanse at bumagsak ako sa sahig.

"Keith!" Sabi ni Grey bigla sabay alalay sakin makatayo.

"KAYA KO ANG SARILI KO KAHIT WALA KA!" Sabi ko sa basag na boses sabay punas ng luha na dumaloy sa pisngi ko.

Pero hindi siya bumitaw sa pagkakahawak sa braso ko. Bigla na lang niya akong hinaklit papunta sa kanya at dahil nanghihina ako eh sa kanya ako nakasandal at niyakap niya ako.

"I don't want to see you be hurt," sabi niya sakin.

Napahawak na lang ako sa braso niya. No. Ayoko na namang umasa. Ayokong masaktan na naman. Pero sa boses niya at sa paghawak  niya sakin, wala akong ibang nagawa kundi maisip ang nakaraan. Yung mga panahon na kaming dalawa lang.. Yung mga panahon na masaya na kami makasama lang ang isa't-isa..

•••

Ngayon pa lang po sabihan ko na kayo na walang heart transplant na mangyayari at hindi manggagaling kay Grey ang puso na ibibigay kay Keith. WALANG HEART TRANSPLANT. Okay?

Committed to Love You [Part 1]Where stories live. Discover now