“Emy, andito na ang buyer ng restaurant mo.” ang sabi ni Nathan kasama ang isang businessman.

                “Mrs de Silva, I heard that you will going to sell your restaurant in Isabela.”

                Tumango si Emy.

                “Dinalaw ko ang place niyo, nice restaurant maliban na nga lang sa nasunog na kusina, pero maaayos din naman yun.”

                “Am… sir, gusto na po ba talaga niyong bilhin yung restaurant ko?”

                “Yes, with the price that you wanted to.” Ang sabi ng businessman nilabas ng businessman.

                “Am sige, ipaayos na po namin yung mga dokumento na kailangan para mailipat na po sa pangalan niyo yung restaurant ko.” ang sabi ni Emy, “Maraming salamat po. Malaking bagay din po ito.” Tumingin si Emy kay Nathan, “Sa aming pamilya at sa magiging anak namin.”

                “Masaya rin kami na nakipagdeal sa inyo.”

                “Sir, request lang po.”

                “Ano yun Emy?”

                “Alagaan niyo pong mabuti yung restaurant maslalo na po yung mga tauhan namin, importante po kasi sila sa akin eh. sila po talaga ang dahilan kung umasenso ang restaurant nay un.”

                “Sure, we will take care of that.”

                “Salamat po.” Hindi mapigilan ni Emy ang maiyak sa tuwing iisipin niyang mawawala na sa kanya ang restaurant nay un, “Sorry po, malaking bagay po kasi talaga sa akin yung restaurant nay un eh.”

                “Alam ko iha, don’t worry, hindi naman naming pababayaan ang restaurant mo eh.”

                Tumango si Emy, “Aasahan ko po yan. Salamat po.”

                “Nalulungkot ka pa rin ba?” ang tanong ni Nathan sa kanyang asawa habang inaabot dito ang gatas nito.

                Kinuha ni Emy ang baso ng gatas at ininom ito, “Makakamove on din ako Nathan. Nanghihinayang lang.” ang sabi ni Emy habang hinahaplos ang tiyan niya na may apat na buwan na, “Pero para sa baby natin wala akong dapat panghinayangan dib a?”

                “Oo naman.” At hinawakan ni Nathan ang tiyan ng kanyang asawa, “Lahat ng ito ginagawa natin para sa anak natin. Di ba sabi noon, napanaginipan mo si Baby Angelo at nagrerequest ng kapatid kaya dapat alagaan natin siya ng mabuti.”

                “For sure, masayang-masaya ngayon si Baby Angelo kasi nakikita niya kung paano natin alagaan ang kapatid niya.”

                Hinawakan ni Nathan ang cheeks ni Emy, “Maslalo siyang Masaya dahil sa nanay niya, dahil nakita niya kung gaano kalaki ang sinakripisyo ng nanay niya upang mabuhay ang kapatid niya.”

                Tumango si Emy.

                “Im still sorry Emy.”

                Tumango muli si Emy, “Naiintindihan kita kaya mo naman ginawa yun dahil mahal mo ako dib a? kaya ko rin naman kita sinunod dahil mahal kita. Sobrang mahal ko kayo ng baby natin.”

                “Alam mo anong gusto kong gawin ngayon?”

                Napakunot ng noo si Emy, “Hmmm… Nathan, ikaw talaga ha, alam mo naman kapag buntis ako hindi pwede yan.”

                Ngumiti si Nathan, “Hindi naman yun. Ang gusto ko lang naman ay… halikan sa sobrang tuwa. May I?”

                “Oh, yun pasado sa akin yun.” Ang sabi ni Emy, “Sige, kiss me as you all wanted.”

                Pumikit si Emy at agad namang niyakap ni Nathan ang asawa saka ito hinalikan sa labi nito.

                Emy answered him. Tinugunan niya ang bawat dampi ng labi ni Nathan sa kanya na parang silang nagsasagutan ng I love you at I love you too.

                Makalipas ang limang buwan…

                Napahawak sa tiyan niya si Emy nang maramdaman niya muli ang pamilya na pakiramdam nay un.

                “Nathan…”

                Nagising si Nathan at napaupo sa tabi ni Emy, “Anong nararamdaman mo?”

                “N-nathan, ang s-sakit…”

                “Oh my gosh, we have to go to the hospital right now.” Agad binuhat ni Nathan ang kanyang asawa upang isugod ito sa hospital.

                “Kuya relax, everything will be okey.” Ang sabi ni Myleen nang mapansin niyang lakad ng lakad ang kapatid niya sa Delivery Room.

                “Myleen, hindi mo maalis sa akin ang mag-alala, alam mo naman yung mga nangyari non dib a?”

                “I know kuya, just stay calm, magiging okey ang lahat because you take of her and the baby very well.”

                “Congressman de Silva.” Lumabas ng delivery an gang obgyne ni Emy.

                ‘Doctor anong nangyari? Kamusta na ang asawa ko ang baby naman, ayos naman ba siya?”

                Napabuntong hininga ang OB, “Honestly Congressman de Silva… youre baby is….”

NINE MONTHSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon