2.10

15.7K 177 35
                                    

“Hindi pwede Emy, hindi ako makakapayag sa gusto mo. magpapakapagod ka sa restaurant na yan eh buntis ka. Pwede ba Emy ayoko nang magpalibing ng isa pang anak!” ang matigas na sabi ni Nathan nang dumating sa bahay si Emy.

                “Nathan, anim na taon ko rin kasing pinag-ipunan at plinano yung restaurant.”

                “Restaurant. Restaurant na naman. Ano yun Emy, sa restaurant may plano ka pero sa akin wala, sa pamilya natin wala!”

                Umiling si Emy, “Hindi naman sa ganon Nathan.”

                “Tutal hindi mo naman na magagamit yang restaurant na yan, mas mabuti pa g isarado mo nay an.”

                “Nathan, hindi naman pwede yun.”

                “Makakasama sa kondisyon mo kung iintindihin mo pa yang restaurant nay an.”

                “Nathan ano ba! Unfair ka naman eh, all the way sinuportahan kita sa pagpasok sa pulitika tapos ako, tapos ako gusto mong ipasara yung restaurant na pinangarap ko.”

                Nagbuntong hininga si Nathan, “Emy kung hindi ka naman delikado ang lagay mo pababayaan kita eh pero hindi ngayon, buntis ka Emy at kung pamimiliin mo kung yung pangarap mong restaurant o yung baby natin, pipiliin ko yung baby natin. Kayo ng baby natin. Sabihin mo na akung unfair ako, pero kung unfair man para sayo yung intindihin ko ang kalagayan niyo ng anak natin, okey fine, ako na ang pinakaunfair na tao sa mundo.” At lumabas si Nathan sa bahay nila.

                “Inang, unfair naman yun di ba. Bakit siya pwede niyang tuparin ang mga pangarap niya tapos ako hindi…” ang sabi ni Emy sa telepono habang kausap ang Inang Rosa niya.

                “Anak, katulad ng sinabi ng asawa mo, kapakanan niya lang ang iniisip mo.” ang sabi ni Inang Rosa.

                “Nang paano yung restaurant ko?”

                “Anak, kung ako sayo, susundin ko na lang yung asawa ko. Anak tayong mga maybahay ipinartner tayo sa mga asawa natin upang ibigay natin ang ating buhay sa kanila. Saka tama naman ang asawa mo Emy, kahit naman ako inaalala ko ang kapakanan niyo ng magiging apo ko. ayoko na rin kasing maulit yung nangyari sa una niyong anak. Emy, sumunod ka na lang sa asawa mo, obligasyon mo yun bilang asawa niya saka wala talaga akong nakikitang mali sa gusto niyang mangyari.”

                Tumango si Emy sa telepono, “Sige po Nay, salamat po.” At ibinaba niya na ang phone.

                Napayuko habang nakaupong umiiyak sa kama nang pumasok don si Nathan.

                Tumabi sa kanya si Nathan at inabutan siya nito ng tissue.

                Kinuha ni Emy ang tissue at ipinahid niyo sa mga mata niya.

                “Sorry.” Ang sabi ni Nathan sa kanya, “Sorry kung feeling mo unfair ako sayo.”

                Nanatiling umiiyak si Emy.

                “Pero sana maintindihan mo… nasabi ko lang naman kasi yun dahil sa isang simpleng dahilan.”

                Napatingin sa kanya si Emy.

                “Emy mahal kita, yun lang yun.”

                Napaiyak si Emy sinabi ni Nathan at binigyan siya nito ng mahigpit na yakap, “Im sorry Nathan.

NINE MONTHSWhere stories live. Discover now