CHAPTER 6

27.3K 245 19
                                    

            “From the power empowered in me, I may now pronounced you as husband and wife. You may now kiss the bride.”

            Nagpalakpakan ang mga tao nang binanggit iyon ng judge na nagkasal sa kina Emy at Nathan ilang linggo lang ang nakakaraan makatapos mag-yes ni Emy sa proposal sa kanya ni Nathan.

            Nilapitan ni Nathan ang kanyang asawa. Napabuntong hininga siya. Ito ang unang beses na hahalikan niya ang kabiyak na wala siyang espiritu ng alak. Napayuko rin si Emy, hindi niya alam ang kanyang gagawin, alam niyang ibang-iba ang sitwasyon na yun kumpara sa una niyang paghagkan kay Nathan.

            Inilapit ni Nathan ang kanyang labi sa labi ng asawa at marahan itong hinalikan.

            Lumakas ang hiyawan ng mga tao nang masaksihan ang nakakakilig na tagpong iyon sa bagong kasal.

            Sinamahan ni Nathan si Emy sa bago nitong silid, ang kuwarto ni Nathan ang magiging kuwarto na nilang mag-asawa. Inalalayan ni Nathan si Emy sa paghiga nito sa kama, “Are you okey?”

            Ngumiti si Emy at tumango siya rito.

            “Teka magsashower lang ako.” At hinalikan niya sa noo ang si Emy, “Wait for me.”

            Dahil sa kapaguran ay unti-unti bumabagsak ang mata ni Emy habang sa loob ng banyo ay humuhuni pa si Nathan habang naliligo.

           

            “Uhhh…” napaungol si Emy nang maramdaman ang pamilyar na pakiramdam na iyon.

            “Emy…”

            Hindi na nakapagsalita si Emy naramdaman na lang naman niya na parang may mainit na bagay na nakadagan sa kanya at hinahaplos ang ilang bahagi ng kanyang katawan.

            “Nathan…”

            Naramdaman niya ang mainit na labi ng asawa na nasa kanyang tainga, masuyo nitong kinagat ang tainga niya na para siyang tinutukso.

            “Nathan please…”

            Dumako ang mainit na labi na yun sa kanyang leeg papanik sa kanyang pisngi hanggang maabot na nito ang kanyang labi.  Isang maikling halik sa labi ang iginawad nito sa kanya at nagbalik muli ito sa ilalim ng kanyang baba.

            “I want you now…” ang sabi sa kanya ni Nathan.

            Hindi nakasagot si Emy. Bumalik sa ala-ala ang una nilang pagniniig ni Nathan, kundi dahil sa unang iyon ay hindi siguro siya mabubuntis sa lalaking ito. Buntis ako!

            Agad minulat ni Emy ang kanyang mga mata nang maalalang nagdadalang tao siya. Natagpuan niyang nakaibabaw sa kanyang ang asawa at tila hinahanda na ang kanyang sarili sa muli nila ng pagniniig.

            Napasigaw si Emy, “Shet! Nathan ano ba yang ginagawa mo?!” agad niyang itinulak ang asawa palayo sa kanya hanggang sa tuluyang matumba ito at mapaupo sa sahig.

            Inayos ni Emy ang kanyang sarili. Itinuwid ang nakalislis niyang bestida at umupo sa kama.

            “Ano ba? Bagong kasal tayo and its our honeymoon!”

            “Honeymoon! Nathan buntis ako!”

            Tumayo si Nathan at nilapitan ang asawa, “Ano naman ngayon kung buntis ka? Kung sakali ba madadagdagan ba ang laman ng tiyan mo.” Hahalikan sana ni Nathan ang balikat ni Emy ngunit agad itong nasunggaban ng babae at inilayo sa kanya.

NINE MONTHSWhere stories live. Discover now