EXTENSION: PART 2 (FINALE)

23.6K 284 89
                                    

            Dahan-dahan niya akong inihiga sa malaking kama na nababalutan ng mga puting kurtina kung saan isa-isa silang nililipad ng malakas na hangin mula sa dagat.

            Pagkahiga ko ay lumuhod siya sa kama at inalis ang suot niyang pangtaas.

            Napalunok ako ng bumungad sa akin ang katawan niya. Unti-unti akong napaupo at napaatras hanggang sa mapasandal ako sa header ng kama.

            “Bakit?” ang tanong niya sa akin. “Are you afraid?”

            Agad akong umiling, “Naninibago lang ako, ang laki na kasi ng pinagbago ng katawan mo, gumanda siya.” Hindi ako makapaniwalang ganon na develop ang katawan compare non na medyo payat pa siya.

            Tinignan niya ang katawan niya at ang abs niyang bago sa aking paningin, “Pinaghandaan ko talaga ito for this.”

            “T-talaga…” at napahawak ako sa leeg ko. Feeling ko ay medyo nagbablush ko sa kanya.

            “Because this will be our second time remember? After six years, we will do it again, imagine kung gaano ako katagal naghintay.”

            Siguro nga talagang ganon siya ka-excited, dahil nang muli kaming nagkita noon sa Isabela I obviously na gusto niya ng umpisahan yun kaya lang pagdating namin sa bahay ay nagulat ako nang makitang andoon pa pala ang mga kaanak namin at inaabangan kami. Naging busy na rin kaming dalawa sa preparations sa kasal kaya nagpadesisyon namin to make our real honeymoon more romantic by waiting for it.

            Naiintindihan ko siya ngayon, I understand all his longings…

            Lumapit siya sa akin at kahit gustuhin ko pang umatras pa ay wala na akong aatrasan dahil nakasandal na ako sa header. Ano ka ba naman Emy? Kung umasta ka daig mo pa ang virgin.

            Alam ko hindi ito ang una pero katulad nga ng sinabi ko kay Nathan ngayon feeling ko lahat ay first time. Dahil first time naman talagang maging ganito ka-romantic ang lahat compare non na naamoy ko pa ang espiritu ng alak sa katawan niya.

            Napansin niya ang kaba sa mukha ko kaya hinawakan niya ang pisngi ko, “Blushing? Scared? Do you want me to… stop?”

            Agad kong hinawakan ang kamay niya at umiling, “Huwag..”

            Ngumiti siya sa naging sagot ko at agad niya akong binigyan ng mahigpit na yakap at saka niya akong mariing hinagkan sa labi upang umpisahan ang mga bagay na kaytagal niya ng hinihintay.

NATHAN….

            Believe it or not… I marry a goddess. Sabihin niyo ng exaggerated ako but for me she’s more than a goddess. She has a beauty na hindi ko nakita sa ibang babae, its unique, its different and its special at alam kong sa paggising ko araw-araw ay hindi ko pagsasawaang titigan ang magandang mukha nay un. Maybe sasabihin niyo sa akin na para akong baliw na baliw kay Emy pero ito ang pag-ibig ko sa kanya. I really love her that’s why I wait for her. And waiting for her is all worth kahit matagal… at kahit walang kasiguraduhan, just holding the faith and love na meron kami sa isa’t isa. I now realized the beauty of waiting for the right time… its like waiting for the best. And this is the best… ang makasama ko siyang muli at makapiling ng ganito.

            Hindi ko na alam kung ilang oras ko nang tinitigan ang magandang mukha na iyon, (actually mukhang kanina pang madaling araw ko pa siya pinagmamasdan ng walang kapaguran hanggang sa ngayon na nagliliwanag na). Isang napakagandang mukha habang nakabalot ng puting kumot ang buo niyang katawan. Nararamdaman kaya niya ang pagtitig ko sa kanya or maybe she’s dreaming about it…

            “Nathan…”

            Katulad ng hula ko, she’s dreaming… and she’s dreaming about me… about our love.

            “Nathan…”

            Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at binulungan siya, “Im just here…”

            Unti-unti niyang binuksan ang magaganda niyang mga mata.

            “Hows your dream… about me?”

            Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang pisngi, “Napanaginipan ko si Angelo.”

            Angelo… our child and now an angel in our life.

            “Ngumiti siya sa atin, alam ko masayang-masaya siya para sa ating dalawa, para sa ating dalawa na mga magulang niya.”

            “That’s Good.” Ang sagot ko sa kanya, “Sinabi ba niyang gusto na niya ng kapatid?”

            Nagblush si Emy sa tinanong ko sa kanya at saka tumango.

            Inalis ko ang buhok na nakaharang sa mukha niya, itinaas ko ang kumot na nakabalot sa kanya at saka ako umibabaw at niyakap ang katawan niya. I reach for her neck and kissed her there repeatedly. Gumanti siya ng yakap sa akin, isang yakap na napakahigpit na parang ayaw niya na akong pakawalan pa. Malamang she is just being true to herself, ayaw niya ng pakawalan pa ang nararamdaman niya ngayon…

            “I love you.. Nathan.” Hindi niya mapigilan ang mga salitang yun na lumabas sa bibig niya. Bahagya kong tinignan ang mukha niya, “Say that again and I will not stop this. Im warning you..”

            Ngumiti siya at hinagkan ko muli ang leeg niya.

            “I love you Nathan… I love you Nathan… I love you Nathan… I love you Nathan… I love you Nathan…”

            Napangiti ko habang paulit-ulit niyang binabanggit ang mga salitang yun and as a consequence hindi ko siya tinantanan… I keep on kissing her all over and making love on her… hanggang sa di siya magsawang sabihing mahal niya ako, na sana ay wag na nga siyang huminto dahil hindi rin ako magsasawang mahalin siya.

            “I love you Emy… sobra…”

            Ang hindi ko rin iyon mapigilang sabihin sa kanya…

-end-

Thanks for reading!!! -B dhosme

PS

Hindi ko pa masabi if I can say "As of now ito and final ng Nine Months"

Ngayon po kasi ay pinag-iisapan ko pa yung Book 2

Ayoko po kasing madisappoint kayong mga masusugid na readers ng 9 months kaya kailangan ko siyang pag-usapan ng mabuti, i-analyze, i-reflect at ipagdasal

Kung magkakaroon po ng Book 2 ilalabas ko po agad ang teaser...

Sana po ma-enjoy niyo ang huling parte ng nobelang ito

Salamat po

NINE MONTHSWhere stories live. Discover now