"Gusto kita! Oo inaamin ko! Gusto kita Daniel-" Sabi ni Rose.
Biglang hinalikan ni Daniel si Rose.
"Gusto din kita." Sagot ni Daniel.
Niyakap ni Daniel si Rose at binuhat, sa sobrang saya ay nagpaikot-ikot sila.
"Rose, I love you, I really do." Dagdag ni Daniel habang nakangiti.
Tumigil ang dalawa at lumingon si Rose kay Maika, "Ganto ang gagawin mo sa scene na ito."
"Ah ok po direk Rose." Sagot ni Maika.
Bumitaw ng hawak sa bewang ni Rose si Daniel. "Gumagaling ka na humalik bestfriend." Sabi ni Daniel habang nakangisi.
"Pft, syempre, best actress toh noh!" Sagot ni Rose kay Daniel.
"Ulitin nga natin yung halik offset." Loko ni Daniel.
"Uy! Roniel! Roniel!" Sigaw ng mga crew.
Napahinto si Rose sa paglalakad at humarap. Naglakad siya papunta kay Daniel at binatukan ito.
"Aray! para san yun?" Tanong ni Daniel.
"Psh naiinis na ako sayo! Tumigil ka na nga!" Inis na sabi ni Rose.
"Ah kaya ka pala namumula." Natatawang sabi ni Daniel.
"Psh"
"Psh psh ka pa dyan Rose, muhka ka namang kamatis pag-galit!" Pang-inis ni Daniel.
Sinamaan lang ito ni Rose ng tingin at bumalik sa upuan niya.
"3, 2, 1, ACTION!"
.......
February 21, 2015
Rose's Pov:
John Daniel San Pedro, yan ang bestfriend ko simula pa nung highschool.
Isang lalake na mala-bakla pero di ko din maintindihan kung straight ba siya or hindi.
Si bestfriend? Gwapo yan, marami ngang mga babae ang nagkakagusto jan eh lalo na't yung iba ay magaganda pa. Sayang, binabalewala lang niya. Ewan ko ba pero, yun ang isa sa dahilan sa pagiging confused at curious ko sa sexuality niya.
"Dan....." Tanong ko habang nakatitig sa muhka niya, gwapo pala talaga tong bruha na to...
Napatingin siya at tinaas ang kilay.
"Um-"
"Nagagwapuhan ka talaga sakin nho?" Sabi niya.
So, nairita ako kaya nasabi ko ng malakas,
"Psh, bakla ka lang eh!"
Napatingin ang mga tao na nasa paligid. Napatingin din si Daniel.
Napahiya ata si Dalandan.
"Halikan kita jan eh!" Napataas boses niya.
Napasalubong ang kilay ko.
"Di ako bakla."
"Weh-"
Ang. Lambot.
2 words to describe his lips when touched to mine.
Hinalikan niya ako. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Nararamdaman ko ang pagkamula sa muhka ko. Unti-unti ring bumibilis tibok ng puso ko-
Bigla akong inatake ng kaba.
Tumigil siya at tinignan buong muhka ko. Napangiti siya.
"Gulat ka nho?"
Unti-unti akong lumayo ng tingin.
Nasaamin parin ang tingin ng mga tao pero di ko nalang yun pinansin.
Maya maya ay tumingin ako ng dahan-dahan kay Daniel at sinabi ng mahina.
"Bruha ka, that was my first kiss." -me
"Me too." -Daniel
Then he winked.
......
Dec. 30 2018
"Bestfriend....." -Daniel
"Ano?" -Rose
"Bakla ako" -Daniel
Napalaki ang mata ko at sinabing, "weh"
"Oo nga!"
And from then on, naging komportable na ako kapag may kissing scenes kaming gagawin ni Dalandan.
Mas ayos na din yun dahil alam kong ang mindset niya ay pangbabae, just like me.
Oo, sa collage, kinuha namin ang course na finearts at nagdecide na magkasamang magtrabaho bilang actor at actress.
Sa ngayon, ako ay isang magaling na direktor at siya naman, nanatili parin maging actor dahil mas hilig niya ang nasa eksena kaysa siya mismo ang gagawa ng pelikula.
To be continued.
YOU ARE READING
The Director is inlove with her actor
Romance"If life is a movie, you'll be my best part." Kinanta ko sakanya habang natutulog. Unti-unting namulat ang mata niya at napangiti, "So I'll be you're best part?"
