chapter 1

72 7 0
                                        

Sa madilim na bahagi ng kwarto may isang katawan ng bata na tila patay na, puno ng pasa, may dugo sa gilid ng pisngi nito

"Bakit?" Ang huling sinabi ng binata sa kanyang huling hininga

Sa pag lisan ng isang buhay, may isang buhay na darating

Muling dumilat ang mata ng isang bata na tila patay na

"Ahh"sabi ng bata habang sumasakit ang buong katawan niya

'Nasaan ako?' Tanong ng bata sakanyang isipan

Maslalong sumakit ang ulo ng bata dahil sa mga ala ala na pumasok sa isipan niya

Nasa katawan siya ngayon ng bata na ang pangalan ay yuri at ulila na ito, di nya kilala ang tunay na pangalan at mga mukha ng kanyang mga magulang, subalit ang alam nya ay tinapon lang sya ng mga ito, nagpalaboy laboy lang siya sa kung saan saang lugar hangang makilala niya ang umampon sakanya, isang gwapong lalaki na nakasuot na magarang puting kasuotan,ang pangalan ng umapon sakanya ay bai zhan. Alam niya na mayaman ang lalaki iyon at may nagiisang anak ito na pangalan ay bai luhan, katulad ito ng ama niya napaka gwapo nito subalit palagi ito malaming ang pakikitungo nito sakanya
Ang mundong ginagalawan nya ay mundo ng mga cultivator kung saan ang malakas ang palaging tama at ang mahina ang mali, isang talentadong cultivator ang umampon sakanya at ang kanyang anak ay ganon din, sword cultivator ang pamilya na umampon saknya, sa mundong ito may ibat ibang klasi ng cultivation, martial art, beast taming, alchemist, array master, craftsman, at scholar
At ang katawan na ito ay martial art ang cultivation na pinila nya dahil gusto nyang sundan ang yapak ng kuya nya na si bai luhan subalit tutol sa kanya ang kapalaran at napaka baba ng talent nya, meron syang 8 roots, water, fire, earth, air, metal, wood, light, dark, na ibig sabihin ay subrang mahihirapan syang maging isang cultivator dahil sa subrang dami ng root nito, ibig sabihin ay isa syang basura
Dahil din doon kaya sya binubully at ng nakapasok sya sa school ng cultivator ay doon nagsimula maging impyerno ang kanyang buhay, palagi syang binubugbug at inaalila ng mga magaaral doon, ginagawa syang katatawanan, at hindi sya pinapansin ng mga guro, subalit hindi parin sya lumaban dahil takot sya sa mga ito, dahil doon kaya mas binully pa nila sya at isang araw ng bitbit nya ang kanyang mga labahin ay natapon nya ito sa mga groupo dahil sa nagmamadali sya
Dahil sa dumi ng labahin at pagiging mayabang ng mga nagaaral sa school ay binugbug nila ito hangang mamatay at iniwan sa madilim nyang kwarto na nagiisa, at huli nyang binagit ay 'bakit?' Dahil nakita nya ang kuya nya na nakatayo lang habang binubugbug sya at di sya tinulungan
'Bakit ang lamig ng pakikitungo mo sakin, alam ko na ampon lang ako pero palagi kitang inaalala at pinagsisilbihan
-Bakit sumasakit ang puso ko pag may kasama kang iba, timingin ka naman sakin oh
-Bakit di mo ko tinulungan ng binubugbug ako, kahit ngayon lang masaya na ako
-Bakit hindi ko na sabi sayo ang nararamdaman ko, natatakot kasi ako baka pandirian mo ko,
-Bakit ba di ko kayang magalit sayo
-Bakit ba ang tanga tanga ko
-Bakit ba ang ang unfair ng mundo sakin
-Bakit ka lumalayo sakin
-Bakit ba wala akong pag asa na masilayan ka
-kung may pagkakataon na mabubuhay ako muli di na kita mamahalin...bai luhan

[Welcome host]

'Huh?' Pagkahilong sagot ng bata dahil sa mga alaala na naisalin sa isipan nya

[Ako nga pala ang system na gagabay sayo sa mundong ito host]

' ok , anong pangalan mo at silbi na mabibigay mo sakin?'

[Host, ako nga pala ang mage system na tutulong sayo sa paglalakbay mo sa mundong ito, ang silbi ko host ay magiging guide, magbigay ng mission at reward. Kada isang mission ay katumbas ay magic points na magagamit mo sa <shop> para bumili ng mga gamit na tutulong sayo sa paglalakbay upang maging malakas na mage sa mundong ito host]

'Mage? Eh wala namang mage dito ha puro cultivator lang'

[Host ang mundong ito ay puno ng cultivator na gumagamit ng spiritual engery na tinatawag nila dito, ito ang ginagamit nila sa cultivate pero ang mage ay mana ang ginagamit]

'Anong kaibahan ng mana sa spiritual energy?'

[Good question host, ang spiritual energy at mana ay magkaparehas lang ng gamit at pinagmulan, subalit ang spirit energy ay nahahati sa bawat roots at kailangan ng may dark roots ang dark energy, at ang light root ay kailangan ng light energy, ang mana naman ay pwede gamit kahit anong elements]

'So mas magandang gamitin ang mana kaysa sa spiritual engergy?'

[Tama host!]

'So ano ang pinaka goal ko dito?'

[Host kailangan mong maging arcana!]

'Arcana? Ano yung arcana?'

[Host ang arcana ang peak ng pagiging mage]

'Peak of mage, so meron pang kasunod doon? Ano yung kasunod?'

[Host, di ko masasagot iyan kailangan mo munang maging arcana para malaman ang susunod na realm]

'Ok, pero pano kung ayaw ko maging arcana?"

[Host, hindi naman kita pinipilit maging arcana, pero may reward kung makakarating ka sa realm ng arcana. Bibigyan kita ng isang wish na tutuparin ko host, kahit ano pa yun]

'Ok, susubukan ko maging arcana'

[Grabe host wala kang tiwala sa sarili mo]

Di sya nagsalita kagad dahil tama ang system wala syang tiwala sa sarili nya

[Host? Host...host!]

'Oh......ano yun?'

[Host tignan mo na ang character interface mo!]

'Ok...ahm pano?'

[Host isipin mo lang]

Ginawa nya nga ang sinabi ng system

[Host: yuri
State: dying
Roots:
Water(none)
Fire(none)
Air(none)
Earth(none)
Wood(none)
Metal(none)
Light(none)
Dark(none)
Class: cultivator( broken)
Realm: seedling(primary)
Weapon: none
Spell:none
Magic Points:0]

'First kailangan ko munang mabuhay! Ayaw ko uli mamatay!'

------------
[A/n]
Thank you po sa pagbabasa

elementalistWhere stories live. Discover now