Juniors Ball

1.2K 9 0
                                    

**

Ginanap ang ball naming sa isang convention near our school. Mukhang pinaggastusan naman ng School ang kaganapan ngayon ah?

Agad naman nagtinginan ang mga estudyante. Pati professor. Teaching at Non-Teaching staff. Ultimong maintenance napanganga ng Makitang kasama ko si Tom.

Hay! Sabi ko na nga ba this will make a scene talaga! >_<

Agad naman lumapit sa amin sina Gladys, Kara at Neil.

“HI!!!!” sabay sabay silang nakatingin kay Tom.

“Hello,” matabang na sagot ni Tom.

“Gurl, tumupad ha? Don’t worry everything is settled.” Sabay kindat sa akin ni Gladys.

“What’s that?” napataas ng kilay si Tom.

Oh no! Gumagana nanaman ang Cyborg mind niya!! >O<

“Wala yun, tara?”  

Umupo na kami sa may bleachers. Mukhang kalmado si Tom. Ginugulo siya nila Gladys. Nagpapapicture at stuff, pero mukhang cool lang naman siya. May mga times lang talaga na bubulong siya sa akin ng “Love you”

Echos! Joke lang yun! Hindi ko marinig yung binubulong niya! Ang ingay kasi ng program eh. Wala akong marinig ng maayos.

Dumating na rin si Gerrick she is with Marie Claire. But they both look na they are not in good terms. Hindi sila nag-uusap. They sat near us. Mukhang wala sila sa mood. Hindi pa rin sila nag-aayos?

Nag-umpisa na yung program. Nagkaroon ng ibat-ibang presentation.  Nanuod na lang kami. Tom held my hands. Hindi niya ako pinapakawalan. Lalo akong naging uneasy. Jeez. What mess ba ang napuntahan ko?

Nakita kong lumapit si Gladys kay Gerrick. May binulong ito ditto. Tapos may inabot si Gerrick. Katapos nun ay umalis na siya.

Ano yun? Mukhang ang saya saya ni Gladys ah!

“At ngayon po ay inaabangan ng lahat ng mga estudyante.”

“WOAHHHHH!” sabay sabay na silang  nagsigawan.

“Oh siya oh siya!” katapos nun ay bigla na namatay ang ilaw. At bumukas ang disco balls. Nagkaroon na rin ng soft music! At lahat ng estudyante ay nagbabaan with their partners, Madami pa ring pakulo para sa mga nagyayaya ng sayaw.

NapakaHighschool ng dating. >_<

Nakita ko si Gerrick na tumayo. Lumuhod siya sa harap ni Pugita. Oh shocks! Ang sweet.

“Shall we dance?”tanong ni Gerrick.

“Gerrick…” nabasa ko lang na sabi ni Pugita.

“Please?” with that tumayo na rin si Pugita. Inalalayan siya ni Gerrick. They head it off sa dance floor. Sweet music started playing, naiwan lang kami ni Tom sa bleachers.

“Shall we?” tanong sa akin ni Tom tumayo na siya sa harap ko.

“Huwag na Mr. Hizon. Okay lang ako ditto.” Hinila ko siya pabalik pero hindi siya natinag.

“Come on…” hinila na niya ako pababa ng dance floor.

Nagtinginan lahat ng mga tao sa amin. Tom doesn’t care. He puts his arms wrap in my waist. So I put mine into his neck.

We just dance after that. Magkatitigan. We both look at each other’s face.

“Hindi bagay sayo ang song.” Sabi ni Tom.

“Eh bakit naman?!”

“Dapat sayo yung…” *ahem* “ Lovely, don’t you ever change. Keep that breathless charm, won’t you please arrange it cos I love you…Just the way you look tonight..”

“Eh! Ikaw talaga!” nagsmile na lang ako after nun. Biglang nagchange of music at nagkaroon ng change of partners. Saktong si Gerrick at Pugita yung nasa tabi namin. So napunta ako sa tabi ni Gerrick.

“Baby.. You’re beautiful.” Bulong sa akin ni Gerrick habang sinasayaw ako. He smiled weakly. Mukhang hindi ata sila ayos.

“Gerrick…”

“It’s okay baby, let’s enjoy the dance.” And so we did. We just dance and talked about other things then..

“WOOOOOOOOAHHHHH!” sigawan ng mga tao.

Napalingon na lang kami ng makitang…..

Marie Claire is kissing Tom…

**

THE MARRIAGE PROPOSAL (COMPLETED)Where stories live. Discover now