CHAPTER 4 : Scared

2.9K 85 11
                                    

Xiumin’s POV

Wala lang talaga akong tiwala sa taong yon. Sabi nga di ba, yung mga mas mukhang mababait ang mas delikado. Even a cat can be a tiger. At ayoko yung kung paano niya titigan si Xyla. Tapos, halos magkadikit na sila kanina sa sofa. Buti nalang at nakiepal ‘tong si Baek. At ano daw? Larry? LAgaRRYin ko yung mukha niya eh. Tsk. Tsk. Tsk. Buenno… mag-agahan na tayo. Hahaha! Gets niyo?

 

 

Three weeks nang pumupunta dito yung Larry na yan para turuan si Xy-Xy at laging sa kwarto lang sila ni Xyla. Wala parin akong tiwala sa pagmumukha non. Kung pwede nga lang, babantayan ko hanggang kwarto si Xy-Xy para makasigurado, gagawin ko kaso… naaalibadbaran daw samin si Xy-Xy at hindi sila makapagfocus. Asus! FOCUS? Hocus Modus lang yan ng Larry na yon para masolo ang Xy-Xy ko. Sapakin ko yon eh.

 

 

“Xiumin, anong ginagawa mo diyan? Hindi ba naituro sa inyo na bawal mag eavesdropped?” Biglang sabi ni Belinda. Nagpout ako. Nag-aalala lang naman ako eh. Para kasing ang saya-saya nila sa loob. Nag-aaral ba sila o nagkakatuwaan?

 

 

“Naninigurado lang baka anong gawin ng lalaking yon kay Xy-Xy ko.” Tumaas ang kilay niya at ngumiti nang nakakaloko.

 

 

“Xy-Xy… MO?” Pinandiinan niya yung mo’t nakangiting mapang-asar sakin. Aish! Bakit ko ba nasabi yon? Napakamot nalang ako ng ulo.

 

 

“Oo… parang ikaw, ikaw ang Belinda ko at si Baekhyun ang Baekhyun ko.” Palusot ko nalang, sana nga lumusot. Wais pa man din ‘tong si Belinda. Inakbayan niya ako bigla at naglakad kami paalis sa kwarto ni Xy-Xy pero lumingon ako sa huling pagkakataon. Galawin niya lang talaga si Xy-Xy, kamao ko ang magpapatulog sa kanya.

 

 

“Wag kang mag-alala. Si Xy-Xy MO, alam niya ang tama sa mali at hindi siya ganon kaagad na nagbibigay buhos tiwala. Kaya Xiumin, relax ka lang, hindi maaagaw o mapapano si Xy-Xy MO, kung alam mong andito siya sa bahay at andyan kayo.” Sabi niya saka ngumiti. Ngumiti nalang din ako at tumango.

 

Xyla’s POV

Nasanay narin akong tinuturuan dito sa bahay. Halos mag-iisang buwan na nga eh. At buti naman at mukhang maayos na ang pakikitungo nila kay Larry.

 

“Uhh… CR lang muna ako sandali.” Sabi ko at ngumiti lang siya. Nilock ko yung CR at ginawa ang dapat kong gawin. Tumingin ako sa salamin. Ang laki na nang eyebags ko. Ang hirap pala kapag 4th year ka na. Mas madami yung mga major at nakikisali pa yung mga feeling major subjects. Naghilamos muna ako at pinunasan yung mukha ko. Nakakastress.

Pinihit ko na yung door knob at lalabas na sana pero nabigla ako nang halos matulak ako ulit papasok sa loob ng banyo kaya nabitawan ko yung door knob. Nagulat nalang ako nang makitang nasa loob narin si Larry. Kumunot ang noo ko at biglang kumabog ang puso ko nang ilock niya yon.

A Feeling So Strange 2 ✔Where stories live. Discover now