otso.

17 0 0
                                    

Warning: spg. This piece contains voilence.

Ngiting Tagumpay

--

Ngiting tagumpay.

Iyan ang nakita ko nang sinagot kita bilang aking nobyo. Ngiting tagumpay na nagbibigay kulay sa aking buhay. Ang ngiting akala ko'y habang buhay kong masasaksihan.

Galing ako sa trabaho noon at naglalakad pauwi nang nakita kita sa isang tagong lugar sa aming baranggay.

May kasama kang babae. Mula sa aking kina tatayuan ay kitang-kita ko kung paano mo siya hinalikan sa leeg at habang ginagawa mo iyo'y nakita ko ang paghimas mo sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan na dahilan upang mandilim ang aking paningin.

Natagpuan ko nalang ang aking sariling sinusugod ka at pinagsusuntok.

Paulit-ulit kong tinanong kung saan ako nagkulang.

Saan nga ba, Leo? Hindi ka pa ba nakuntento na ibinigay ko saiyo ang aking birhen? Hindi ka ba nasiyahan sa mga ginagawa natin habang tayo ay nagtatalik? HINDI BA, LEO?

Ngunit imbes na sagutin ako ay isang ngising aso ang iyong isinukli sa akin at ibinulong ang mga katagang sumira sa mundo ko, "Parte ka lang ng pustahan, putangina mo!" tumigil ka at tumawa ng malakas. "Iyang pagkababae mo lang ang habol ko, puta! Nakakabagot ka kasama, e. Paulit-ulit lang 'yung iyong ginagawa. Hindi masarap!" tumawa ka ng mapakla habang ako ay nanatiling tulala; iniintindi ang iyong mga sinabi.

Pustahan? Parte lamang akong ng pustahan? Kung ganoon ay totoo ang lahat ng pagmamahal na ipinakita mo sa'kin? Ibinigay ko sayo lahat, Leo. Pero b-bakit? Bakit?!

Namalayan ko nalang ang sarili kong sinasaksak ka ng bubog ng bintana na nakita ko sa isang tabi.

Hugot. Baon. Hugot. Baon.

Bigla ay napatawa ako ng malakas kasabay ng iyong sigaw.

Naaalala ko, Leo, sa ganoon paraan rin gumalaw ang iyong pagkalalake sa loob ko. Ganoon rin ang nangyari noong minsang sinubo ko ang iyang lalake.

Naghugot-baon ito sa aking bibig at kahit naduduwal ay pinigilan ko ang aking sarili dahil alam kong nasasarapan ka.

Nasasarapan ka din ba sa ginagawa ko ngayon, Leo? Naghuhugot-baon din ito, e. Kaya lang ay imbes dadalhin ka nito sa langit, palagay ko'y sa impyerno ang hantungan mo sa pagkakataong 'to.

Muli akong natawa ng malakas nang marinig ko ang iyong pakiusap mo na tigilan na ang ginagawa ko. Ngunit binalewala ko iyon at paulit-ulit kang sinaksak.

Sa likod, sa tyan, sa iyong mga paa, pati na rin ang iyong pagkalalake na minsan na akong dinala sa langit. Pagkatapos niyon ay pinuntirya ko ang iyong bandang puso. Ang iyong pusong 'di ako magawang mahalin. Ang iyong pusong masakim na ginulo ang nananahimik kong buhay. ANG IYONG PUSONG AKIN LANG DAPAT!

"SA AKIN KA LANG, LEO! SA AKIN!" Muli ay tumawa ako nang malakas. At sa kabila ng tawang iyon ay damang-dama ko ang luhang walang tigil sa pag-agos patungo sa aking mga pisnge.

Nang hindi makontento ay tuluyan ko nang hinati sa dalawa ang iyong dibdib at agad kong kinuha ang iyong puso mula roon.

Nahirapan pa akong gawin iyon pero nang makuha ko na iyong puso ay walang pasisidlan ang saya na aking nadarama.

Ako na, ako na ang may-ari ng iyong puso, Leo. AKIN KA NA! AKIN!

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

At sa huli ay na pa sa akin ang ngiting tagumpay.

--

I wrote this piece around 2017 and then, posted it on my dummy account. Sadly, 'di ko na maaccess iyong account na iyon so I copied and revised it para maipublish ko dito. Lol, skl.

The ArchivesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ