uno.

20 0 0
                                    

Ngiti

--

" 'Di mapigilang gumuhit ng isang ngiti sa aking labi
Habang tinititigan ko ang kan'yang mukhang nakakabighani.
Ang ngiting nagbibigay kulay
Sa aking nakakabagot na buhay.
-
Mga mata niya'y napakaganda
Mga labi'y sobrang pula.
Sa t'wing kasama ko siya'y 'di ko mapigilang mabighani ng paulit-ulit.
Na para bang sa pusa niya ako'y nakasabit.
-
Ang masiglang ngiti at malalambing niyang mga mata'y nakaharap sa akin.
Ang mga bakas sa mukha na paniguradong iyong hahanapin.
Mga bakas na hinding-hindi ko makakalimutan
'Pagkat sa puso ko'y nakaukit ang kanyang mukha't pangalan.
-
Naramdaman ko ang unti-unting pagtulo ng ulan.
Tila ay nakikisabay ito sa pighating aking nararamdaman.
Samu't saring emosyong bumabalot sa aking dibdib.
Mga emosyong noon pa'y nakatago sa liblib.
-
Ngunit... Aanhin pa nga ba ang pagsisisi?
Kung wala din naman siya sa aking tabi
Upang pakinggan ang mga katagang noon ko pa sana sinabi.
Mga katagang pilit kong isinasantabi.
-
Sunod-sunod na pumatak ang mga luha mula sa akong mga mata
Habang hinihimas ang kan'yang litrato't lapida
Kailan ko kaya siya muling makakasama?
'Mama, miss na kita.' "

--

The ArchivesWhere stories live. Discover now