dos.

17 0 0
                                    

Hulog na naman

---

Ito na naman.

Nauulit na naman ang nakaraan.

Ang pangyayaring ayaw ko nang balikan.

Ang pangyayaring pinipilit na iwasan.

-

Natatakot akong ito'y aking muling maramdaman.

Ang magkagusto sa taong hindi ko pa nakikita ng harap-harapan.

Ang mahulog sa bitag na mahirap iwasan.

Ang mahulog sa taong 'di ko inaasahan.

-

Pilit kong inaahon ang aking sarili.

Kahit ang n'yan ako'y nawiwili.

Ngunit aminin ko man o hindi, ako'y tuloyan nang nahulog

Ginising mo ang aking pusong natutulog.

----

The ArchivesWhere stories live. Discover now