nieve.

3 0 0
                                    


Kaya ko na

---

Napilit ako ng Auntie kong lumalabas ng bahay. Ayoko sana kasi tirik na tirik iyong araw at tinatamad ako pero noong nagbanta siyang tatawagan sina Terra ay napatayo na talaga ako. Busy ang mga 'yon, ayoko silang madamay dahil lang sa katigasan ng ulo ko. At saka naisip ko rin, siguro tama nga si Auntie. Kailangan ko nang lumabas ng bahay. Halos magdadalawang buwan ko nang kinukulong ang sarili ko roon, e.

Sabi ni Auntie, bumili raw ako ng ice cream sa 7/11. Pero alam ko namang hindi siya mahilig doon at ang pakay lang niya talaga ay ang palabasin ako sa bahay kaya imbes na sa 7/11 pumunta ay nagmaneho ako patungo sa Resort na pagmamay-ari ng pamilya ni Olivia.

Bahagya akong napangiti nang makarating na ako sa harap ng resort. Kasama ko si Olivia noong huli kong punta rito. Gaya ngayon ay iyong bisikleta ko ang gamit namin para makapunta rito. Hindi ako naging sang-ayon pero nagpumilit siyang umangkas sa likod ko para, ayon sakan'ya, maramdaman niya ang hangin sa kan'yang buong katawan. Naririnig ko pa ang malakas niyang tawa noong tinangay ng hangin ang suot niyang sombrero at paano niya isinigaw ang pangalan ko para tulungan siyang habulin iyon. Kung paano siya nakipaglaro sa mga alon at noong sabay naming isunulat ang aming mga pangalan sa buhangin.

Napatigil ako sa paglalakad nang maaninag ko ang isang pigurang nakatayo malapit sa dalampasigan. Nakatalikod ito sa akin at tinatangay ng hangin ang mahaba niyang buhok. Hindi pa man ako nakakalapit, kilala ko na agad kung sino ito. Si Odette.

Anong ginagawa ng isang 'to dito? Ang alam ko, lumipad ito pabalik sa Canada kasama ang magulang nila ni Olivia. Nagpaalam pa nga 'to sa'min sa bahay noong isang araw.

Tila nararamdaman nito ang presensya ko, Ibinaling nito ang ulo nito sa direksiyon ko at tipid akong nginitian. Wala akong nakitang gulat sa kanyang mukha nang makita ako. Parang inaasahan niyang pupunta ako dito.

Hindi ko magawang suklian ang ngiti niya. Nakita ko kung gaano karaming luha ang iniyak ni Odette sa araw ng libing ni Olivia at gaano siya nagsisi sa pangyayari pero hindi ko maalis ang galit na nararamdaman ko sa buong pamilya nila. Kasalanan nila kaya wala na ang matalik kong kaibigan ngayon.

"Morien. Hi,"

Tinanguan ko siya at hindi na nagsalita. Gaya ng sabi ko ay galit parin ako. Baka may masabi akong hindi maganda kapag binuksan ko iyong bibig ko. Isa pa, mukhang may sasabihin yata siya.

"Uhm... Nakita ko 'to sa loob ng isa sa mga kahon niya."

Kung nasa ibang sitwasyon kami, baka natawa pa ako sa tono ng pananalita niya. Halatang hindi sanay magtagalog. Hindi gaya ni Olivia. Sa sobrang galing n'on may tagalog ay 'di ko na naiintindihan ang mga sinasabi niya minsan sa sobrang lalim. Sa kaarawan lang yata sila magkapareho.

Napatingin ako sa kamay niya at nakita ang isang kulay dilaw nasobre roon. Nakatalikod ito kaya kita ko ang nakasulat kong pangalan dito. Sulat-kamay iyon ni Olivia.

Kunot-noo kong itinaas ang tingin ko kay Odette. Sobre yan. May pangalan ko kaya panigurang para sa akin. Pero bakit?

"It's a letter. Lahat kami meron. Mom and Dad. Kahit si Nana Sela and also, Auntie mo." Gumalaw ang kamay niya at muling inalok sa akin ang sobre.

Nakakunot parin ang noo ko nang ibalik ko ang tingin ko sa sobre. Bahagya pang nanlalamig at nanginginig ang kamay ko nang kunin ko iyon mula sa kamay niya.

Ang sabi niya ay sulat daw 'to. Saka ko lang din naaalalang mahilig si Olivia sa mga ganito. Naaalala ko nga dati kahit may facebook naman o kahit anong social media ay pinipilit niya parin na magpalitan kami ng sulat. Si Auntie iyong tagadala at tagabigay noon. Natigil lang iyon nang nalaman ni Auntie na wala naman palang kwenta iyong laman sulat. Minsan lyrics ng kanta, corny'ng pick up line tapos minsan pa emoji lang.

Napahigpit ang hawak ko sa sobre nang maramdaman ko ang pagkibot ng labi at ang paghapdi ng aking mga mata.

Olivia, ito lang yata ang sulat mong 'di ko kayang basahin. 'Pag binasa ko 'to, wala nang darating pang iba.

--

Mahilig makinig si Olivia ng mga klasikal na piyesa ng piano at iyon ang parati niyang pinapatugtog sa tuwing natutulog ako sa kanila dati. Hindi ko tipo ang ganoong klase ng mga musika pero natuto akong mahalin iyon lalo na noong wala na siya. Kapag pinapakinggan ko iyon tuwing gabi, pakiramdam ko kasama ko si Olivia. Unti-unti din ay pinapakinggan ko iyon sa kung ano man ang ginagawa ko. Gaya ngayon. Umaalingawngaw sa tenga ko ang 𝘔𝘰𝘰𝘯𝘭𝘪𝘨𝘩𝘵 𝘚𝘰𝘯𝘢𝘵𝘢 (1st Movement) ni Ludwig Van Beethoven.

Pigil ang hininga ko nang itigil ko ang bisikleta sa harap ng resort nina Olivia. Matapos ang halos isang taon ay heto na naman ako. Kaibahan nga lang ay wala ang ni isa sa kambal at mas handa na akong ngayon.

Ibinaon ko ang aking kamay sa loob ng bulsa ng hoddie na suot ko at dinama ang sulat roon. 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘬𝘰 𝘯𝘢, 𝘖𝘭𝘪𝘷𝘪𝘢

---

this was an entry sa isang contest sa school namin. wrote this in 2021.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The ArchivesWhere stories live. Discover now