3

7.2K 147 1
                                    

Sydney's POV

Parang isang oras na rin kaming naghihintay dito sa labas ng ER. At sa paghihintay namin ay hindi kaming mapakaling tato dito lalo na si Tita Beatrice. I know that she really loves her son so much, kasi nag-iisang anak lang nila si Bright.

"Hon, I already contacted Eunice. Pauwi na raw siya." sabi ni Tito Green.

Parang bigla namang nagbago ang timpla ng mukha ni Tita. "Bakit mo pa tinawagan iyon!? Anong klaseng asawa siya!"

Tito sighed. "Hon, calm down. Asawa pa rin siya ni Bright and she have the rights to know about the situation of her husband right now." pampakalma sa kanya ni Tito.

He's right, asawa niya pa rin siya Bright.

Pero bakit ba ganito na lang umasta si Tita sa asawa ni Bright?

"Are you okay, Tita? Is everything okay with you and Eunice?" tanong ko.

"Everything's complicated, Hija. She's always like this."

Tito Green came close to Tita. "Hon...you know Eunice naman especially her work."

She shake ber head. "No, Green... Sa simula pa lang talaga ayaw na ayaw ko na sa babaeng 'yan eh! Puro pagmomodel lang ang inaatupag niya. She doesn't have time for Bright anymore!"

Now, I understand Tita.

So, Eunice is a model. Ang alam ko lang noon ay ikinasal si Bright kay Eunice pero hindi ko pa nakikita ang asawa niya. Siguro ang ganda niya because she's a model.

"Intindihin mo na lang si Eunice, Hon." sabi naman ni Tito.

"Ano?! Palagi na lang niyang pinababayaan ang anak natin, Green! Anong gusto mong maging reaksyon ko?! Sususportahan ko pa iyon?!" she's really mad at her.

I sighed. Sa pagkakaalam ko kay Tita Beatrice, she's intimidating pero kapag makilala mo na ito ay mabait itong tao. "Tita, kalma lang po ha. Baka po kasi kayo ang susunod na dadalhin namin sa ER baka po tumaas ang blood pressure nito. Ipagdasal na lang po natin ngayon si Bright na maging maayos lang ang kalagayan niya."

Tinignan ako ni Tita at pilit na ngumiti. "Mabuti ka pa Sydney...S-sana...Sana ikaw na lang yung napangasawa ng anak ko." parang nanlambot naman 'yong puso ko.

Tita Beatrice has been so nice to me until now, I didn't expect that she would still act the same towards me after what happened. Parang itinuring niya pa rin akong isang tunay na anak. She's very supportive when it comes to me and Bright before same with Tito but mas close kami ni Tita Beatrice. We love to bond together before, she used to tell me na gustong-gusto niya rin noon magkaroon ng babaeng anak, pero hindi na biniyayaan kaya parang ganun nalang ang pag welcome niya sa akin noon nung ipinakilala ako ni Bright.

Nagtagal din kami ni Bright ng halos tatlong taon pero we broke up. Habang iniisip ko iyon ay parang nadudurog na naman ang puso ko, it won't happen kung naniwala lang sana siya sakin noon. Edi s-sana...

Damn! I don't want to cry here again.

I've been crying all these years kasi kahit ano'ng gawin ko ay mahal ko pa rin siya. Pero...parang madali lang ang lahat sa kaniya kasi ikinasal siya kaagad.

I composed myself. "Tita, matagal na po 'yon. At isa pa may asawa na si Bright ngayon." at pilit na ngumiti sa kaniya.

Natigil naman kami sa pag-uusap ng lumabas na 'yong doctor.

Agad kaming tumayo para salubungin ang ito. "Mr. And Mrs. Cabral?" tanong ni Doc. Hindi na ako magtataka kung kilala niya sina Tita. Sikat kasi yung kompanya nila kaya kilala sila.

"Yes...Doc. Kamusta na 'yong anak namin?" tanong ni Tito.

"We have bad and good news, Mr. And Mrs. Cabral."

I don't want to hear the bad news.

"Doc, just tell us what happened to Bright." Tito Green's tone sounds so serious.

"The accident was too much that it led to a head and neck injury."

"Doc..."

"What is the current situation of the patient now, Doc?" I asked.

"The good news is, the patient is safe now, hihintayin na lang po natin na magising siya. And we will just have to run more tests."

Parang agad naman kaming nabunutan ng tinik sa lalamunan sa balita ng doktor sa amin. "Salamat po, Doc!" sabi ni Tita.

I'm glad be survived!



A/N: Thank you for keeping on reading guys. Please vote and feel free to leave a comment.😘

The Blind Love (REVISING)Where stories live. Discover now