5- An Opportunity

Comincia dall'inizio
                                    

Muli niyang itinuon ang pansin sa direksyon na tinatahak nila. Sa unahan ay makikita ang napakaganda at napakagrandeng castle na kulay light brown. A huge flag at the top of the battlements was waving in the air. It was white with the Order's emblem in the middle- a purple shield with a red dragon in the middle whose wings were wide open. Kahit Order of the Purple Lily ang pangalan ng Order ay walang makikitang lily sa emblem. Kinain siguro ng dragon.

"Nakapunta na ba kayo sa castle?" tanong ni Fenris sa tatlong nasa harapan n'ya na sa kanya pa rin nakatingin.

"Opo. Doon po kami pumapasok ng trabaho," sagot ng isa sa dalawang nurses.

Oh. So, official staff nga ng Grand Knight ang nga ito tapos binigay sa kanya? Ang sosyal nga niya naman.

Hindi nagtagal ay nakarating din sila sa castle na napapaligiran ng malalim na moat. Nakababa ang drawbridge at diretso ang sasakyan sa loob ng castle at unang bumungad sa kanila ay ang bailey na puno ng mga Knights na nakasuot ng kanilang itim na practice gear. As usual, nakataas ang malalaking hood ng mga ito kaya hindi kita ang mukha.

"Nagsusuot pa rin pala sila ng hood kahit na nandito sila sa castle?"

"Ngayon lang po kasi alam nilang may babaeng parating," sagot ni Blue, at literal na may blue hair ito.

Napatango naman siya. Dumeretso sila sa main na bulwagan ng castle kung saan naghihintay ang isang Knight, at isang dosenang apprentices. Kahit na nakatago ang mga mukha ng mga ito ay alam ni Fenris ang ranks ng mga lalaki dahil sa kulay ng mga suot ng mga ito.

Sino kaya sa mga ito si Kruz? Ang saya siguro nito.

"Ms. Paynes, I am Knight Blood. I will take you to the throne room," pormal sa salubong sa kanya ng isang Knight na sobrang tangkad. Mga 6'3" siguro ito. Nanliit naman siya sa 5'7" niyang height.

But his voice though...

His voice was so familiar. Pero hindi lang maalala ng dalaga kung saan 'yun narinig. It was very soothing. It was deep and...sexy.

"Ms. Paynes?"

"Ay, sexy!" gulat niyang sambit kaya napaatras ang Knight. Natawa naman ng mahina ang nurses at personal assistant. "Sorry, sorry. Feeling ko ang sexy ko rito sa mga benda ko."

Hindi sumagot ang Knight. Naeskandalo siguro ito sa sinabi niya.

Tumikhim si Fenris at hindi na muling nagsalita. Baka kasi ano pang kabaliwan ang masabi n'ya.

"Follow me," anang Knight saka tumalikod na. Ang formal naman nito.

Nahirapan siyang sundan ang Knight dahil sa laki ng mga hakbang nito. Pero hindi na lang siya nagreklamo dahil kasalukuyan naman siya nitong dinadala sa Grand Knight na magbibigay sa kanya ng reward.

He led Fenris to the grand staircase and then to a luxurious hallway.

"This way," pormal pa ring sabi ni Knight Blood.

"Ang layo," pagmamaktol ng isip ng dalaga.

Ipinilig n'ya ang ulo at muling nag-focus. Bawal magreklamo.

Finally, Knight Blood opened the double doors in front of them at sinalubong sila ng napakalawak na silid na may tatlong pabilog na columns sa bawat gilid. At sa dulo ay ang platform kung saan may gintong trono. Beside it was the Grand Knight in his gold cloak. He was just standing beside the grand throne, he probably couldn't fit kaya tamang tayo na lang sa tabi.

Fenris silently scolded herself for thinking like that.

"A sin! I committed a sin. Hihingi ako ng tawad mamaya," naisip niya.

Nakahilera naman sa gilid ang maraming mga Knights. Iilang Knights kaya meron ngayon? Marami rin siyang nakita sa baba kanina eh.

Nang lumingon si Fenris sa likuran niya ay saka niya lang napansin na hindi pala sumunod ang mga personal assistant at nurses n'ya.

"Fenris, my hero," lumapit sa kanya ang Grand Knight saka walang paalam siyang niyakap. Hindi naman siya maliit na babae, she was actually tall and sakto ang built ng katawan, hindi payat at hindi rin mabigat. Pero ngayon, nagmumukha siyang langgam sa loob ng mga braso ng lalaki. He was really...huge.

"S-Salamat po," sabi niya. Isang napakalaking karangalan ang mayakap ng Grand Knight. Hindi iyun basta-basta na lang ginagawa ng kanilang monarch. Hindi niya alam kung paano umakto sa harapan ng lalaki. Ito ang pangalawang idol n'ya. Una si St. Harfeld, of course, ang kanilang bayani.

"I owe you my life. I promised your family that I will grant you a wish. Now, now, I am not a genie so ask something possible. 'Yung hindi magic," he laughed kaya tumawa na rin si Fenris.

He was so funny, halos dreamy niyang sabi sa sarili.

"So, ano ang hihilingin mo? Bahay? Pera? Trabaho? Scholarship? Name it. Ibibigay ko anuman ang hihilingin mo," he said.

Pero wow lang, daming choices ha? Boyfriend kaya hilingin niya? Pwede kaya 'yun?

Muli siyang nag-focus. Kung anu-ano na lang naiisip n'ya sa sobrang excitement.

Ang totoo n'yan, may naisip na siyang wish.

Napansin n'ya na sa gilid ay may tatlong lalaking taga-media. Nakatutok sa kanila ang mga camera at mikropono.

"Oh, don't mind them. I just want to inform you that we are live right now at nanonood sa atin ang buong kontinente. You deserve to be seen, my hero."

Hindi mapigilan ni Fenris ang mamula.

Kung maka-my hero kasi ang Grand Knight...

And about the media...

Well, she didn't know that this was going to be televised. Hindi tuloy siya mapakali. Hindi sanay ang dalaga na may nakatutok na camera. Nakapagsuklay naman yata siya kanina bago umalis ng ospital. Yata.

"Don't be shy, girl. Sabihin mo sa akin ang gusto mo. I will make sure na makukuha mo 'yun."

Napalunok siya. Tama ba itong gagawin n'ya? She read the laws and rules of the Order of the Purple Lily. She even reread it a couple more times last night para makasiguro na hindi ilegal ang hihingiin n'ya.

She crossed her fingers behind her back, hoping that this wouldn't anger the Grand Knight. Hoping that he would give it to her.

Pinuno n'ya ng hangin ang kanyang baga. Pakiramdam n'ya kasi ay nawawalan siya ng ulirat sa sobrang kaba.

"St. Harfeld, please be with me. Please guide me," tahimik niyang dasal. "Help the Grand Knight make the right decision, three gods."

Napansin ng dalaga na nagtungo si Knight Blood na likuran ni Grand Knight. Hindi ito kumikilos. Kung titingnan ay mukhang mga estatwa ang lahat ng Knights.

"Well?" untag sa kanya ng Grand Knight kaya muntik pa siyang mapatalon.

"I only have one wish, Your Glorious Grand Knight," panimula n'ya.

"Tell me, girl. Don't be scared. You deserve this. You saved the most powerful man of the continent. There is no higher glory than this."

The Grand Knight's voice was a little bit higher now. Was he annoyed dahil ang tagal n'ya? No, he was a very patient person. A very kind man. Hindi ito naiirita sa kanya.

"Isa lang ang gusto ko, Grand Knight, mula pagkabata. Gusto kong maging isang Knight," deretso niyang sabi at narinig niya ang gulat nitong pagsinghap.

***

@immrsbryant

The Knights of St. HarfeldDove le storie prendono vita. Scoprilo ora