Opposite 10: Story.

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sus, kasama ka."  saad naman ni Diego.

"Duh, ang ganda ko kaya." Oh my ghad. Napa-aga ata ang bagyo ngayon.

"Saan banda?" hasik naman ni Wage. Awit. Hahaha.

"Sir! Ang ganda kaya ng taga-bantay mo!" depensa naman n'ya.

Tumawa na lamang kaming lahat. Mga ulol at abno talaga eh.

Syempre 'di ako kasama do'n. Walang aangal, sapakin ko kayo isa-isa. Tamo.

"Kwento nalang kayo, dali-dali." singit naman ni Raze na mukhang singit.

"Anong kwento?" sabat naman ni Kuya Serge.

"Childhood? Embarrassing moments? Fave moments? Lovelife? Etc. Basta kwento. Period."

Napatahimik naman kaming lahat. Nag-iisip kung ano bang kwento ang ikukwento. Oh diba ang gulo. Parang kayo.

"Tell us, kung paano kayo nagkakilala." Aux said to us. Napatango-tango na lamang kami. Good Idea. Pero limitado ang mga detalyeng ibabahagi.

"Ako, ako ang magkukwentooooo!" Masayang wika ni Ghionna at naka taas pa ang kamay.

Ang cute n'ya. Ang cute n'yang ihampas.

"Ok, ayusin mo ha. Yung maiintindihan." sabat naman ni Wage. Itong dalawang 'to talaga.

" 'di ako tanga tulad mo, Wage."

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko ang tanga mo."

"Ano?"

"Kailan ka pa naging bingi, Mr. Buenni?"

"Tss."

"Blehhh."

"Tama na nga 'yan, magkwento na kung magkukwento." singit ni Raze. Sabi sa inyo eh, singit talaga.

"Eh si Wage kase. Hmmp---"

"Wala akong ginagawa sayo babae. Magkwento ka nalang."

"Che. So ito na nga, Onceeeee upon a timeeee----"

"Ayusin mo nga. Sakit sa tenga ng tono." sabat naman ni Dellio. Aba, iba din. Nahahawa kay Raze.

"Tss. 'wag kang epal." hasik nito.

"Teka, kailan pa kayo naging informal sa mga subject n'yo?" sabat ko.

"Kanina lang nung may kachikahan ka." baliwalang wika naman ni Diego.

Napatango naman ako, "Hey, Aux." Naka-ngising diing tawag ko sa kan'ya. Na bahagyang ikinagulat naman n'ya.

"Tama na 'yan. May kwento pa ko eh. Hmp." Saad naman ni Ghionna habang naka-nguso.

"Pato ka, ghorl?" pang-aasar ni kuya Serge.

"Kuya naman ehh!"

"Hahaha, tama na nga. Magkwento ka na kung magkukwento ka."

"Eto na nga, sabi ko nga. Walang sisingit ah, kurutin ko mga singit n'yo. So ayun, Ako ang pinakamatagal sa amin sa ahensya. At si Xiena naman ang bago lamang, ngunit shit. Sana all. S'ya ang nangunguna sa aming lima, ang 'Youngest Leader'---"

"Talaga lang huh?"

"Sabing walang sisingit, Aux. Huhuhu."

"Oo na, tuloy na. Panget mo."

"Ang harshhhh---"

"Magkukwento ka o sasapakin kita."

"Subok---"

"Isa, magsi-tahimik kayo." nakakarindi sila. Tss.

"Eto na nga, sabi ko nga. Magkukwento na. Sa una, kaming lima ay hindi pa gaanong close. Idagdag mo pa na ang aming bunso ay napaka-tahimik at yelo. Meron kaming isang misyon no'n, unang misyon na magkakasama kami. Pero hindi siguridad ang patungkol, 'yun ay ang paghuli sa isang kriminal na sunod sunod ang pag-patay sa mga inosenteng tao. Nagka-isa kami no'n at doon din nag-simula ang pagiging malapit namin sa isa't-isa. Kilala kami sa tawag na 'Strongest five.' Ang grupo ng mataas ang ranggo at lamang at kakaiba ang lakas at kakayahan." napatigil na s'ya, and i guess tapos na ang kwento.

"Kaming lima naman, Parehas kami ng eskwelahang pinapasukan. As you can see naman. Nabuo kami dahil kay Aux. Isang araw noon ay kaming apat, 'di ko alam kung tadhana pero dinukot kami noon. Hindi namin kilala ang isa't-isa, at nasa isang madilim at magubat na lugar. Alam namin ang pakay nila, isa kami sa sikat na nagmamay-ari ng mga negosyo. Nanghihingi sila ng ilang milyon at dahil fresh men pa kami nun, takot na takot kami hanggang sa dumating si Aux. He beats them all. He saved us. Inalok n'ya kami sa isang grupo, at ayun ang 'The Brute.' Tinuruan n'ya kaming makipaglaban, at ngayon. Makikita mo naman na ibang-iba na kami sa dati. Iba na." kwento naman ni Wage.

Iba't-ibang kwento ang nakatago sa ilang pahina. Bago humusga, alamin at kilalanin ang bawat kataga.

Maaaring kwentong masama o mabuti, lahat at may dahilang naka-kubli.

Kailangan natin ang ibang tao sa buhay natin, dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakayanan nating lumaban at abutin ang ating bawat mithiin.

'No man is an island.'

OPPOSITE: We Are EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon