Chapter 1: Sam

468 31 9
                                    

"Daddy daddy! Si Pawpaw! Manganganak na yata siya!" tawag ng isang batang babae mula sa kwarto niya.

"Ha? Ilabas mo siya dito sa bahay! Ayoko nang may aso dito matagal ko na sinasabi sayo!" sagot naman ng ama niya na abala sa pag pirma at pagsuri ng napakaraming papeles sa kanyang mesa.

"Pero daddy! Aso ko siya."

Binaba ng kanyang ama ang kanyang salamin at iritadong tumingin sa bata.

"Makinig ka sakin! Ayoko sa aso! ilayo mo siya at hayaan mo siya manganak doon sa malayo."

Walang magawa si Barbie kundi sundin ang utos ng kanyang ama na ilayo si Pawpaw at iwan na lang para doon manganak sa malayo. Ayaw kasi ng ama nya sa aso noon pa.

Dinala ni Barbie si Pawpaw sa ilalim ng tulay at doon nya ito iniwan kahit labag sa loob niya. Takot rin kasi siyang magalit ang kanyang ama.

"Sorry Pawpaw. Pero wala ako magawa ayaw kasi sayo no daddy eh." malungkot niyang saad habang tinitignan ang aso na walang malay na iiwan na pala siya.

Naiwan si Pawpaw sa ilalim ng tulay at palubog na ang araw.

Sa oras na iyon, isang liwanag ang biglang lumapit sa tabi ng aso. Isang bilog na bato na kung titignan ay parang jolen na umiilaw.

Lumapit ito ng lumapit. Lumilipad papunta sa kinatatayuan ng aso na ngayon ay naghihingalo dahil manganganak na.

Sa isang iglap, bigla itong pumasok sa bibig ng aso. Nanginig ang katawan ni Pawpaw. Umuungol siya ng malakas na para bang sobrang sakit ng kanyang nararamdaman. Hindi lang dahil sa manganganak na siya kundi dahil sa kakaibang bagay na pumasok sa bibig niya.

"Ano yun? Aso?" May isang lalaki na napadaan sa tulay at nakuha ang atensyon dahil sa lakas na daing ng aso.

Dali daling bumaba ang lalaki at sinundan niya kung saan nangagaling ang pag ungol ng aso.

"Aso nga!"

Lumapit ang lalaki at tiningnan nya ang kalagayan ni Pawpaw. Nakahandusay na siya sa lupa habang may apat na tuta ang na nakapaligid sa kanya. Patay na pala ang aso maging ang tatlong anak nito nang kanyang hawakan. Ang isa ay malakas at umiiyak pa.

Kinuha niya ang natirang buhay na tuta at isinama sa kanyang pag lalakad.

Stephen ang pangalan ng lalaki na pumulot sa anak ni Pawpaw. Siya ay isang pulubi at walang permanenteng tahanan. Nabubuhay siya sa pangangalakal ng mga plastic at bote.
Wala din siyang napag aralan dahil maliit pa lang siya ay iniwan na siya ng kanyang mga magulang.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

.

"Mula ngayon ako na ang magiging amo mo." masayang sabi ni Stephen sa tuta habang pinagmamasdan ito.

The Master of the Lightning DragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon