CHAPTER 1

22 2 0
                                    

"Oh late ka na naman" naka ngising sabi ni ate Guard na sobrang higpit na akala mo ay Principal, school mo?  SCHOOL MOOO?.

Hindi ko lang pinansin ang pang-asar na si ate guard, halos araw-araw na niya akong inaasar, dahil halos araw-araw rin akong late,  Sanay na Sanay na kami pareho. 

Naka-yuko akong nilampasan ang naka ngising gwardya habang tumitingin-tingin sa aking likuran kung meron mang kaklase ako na nalate din, Mag hahanap lang ako ng kadamay, nakakapagod ding mapagalitan ni ma'am Elena.

Si ma'am Elena ang adviser namin, Kapitbahay namin sya,  kaya naman ehhh,  suki na ang bahay namin ng pagbibisita niya.

Mula sa pagiging late hangang sa pag ka late din nang pag pasa ng projects and requirements,  ay sinasadya niya sa bahay namin.

Siguro ko kung may bayad ang pagiging late,  eh di sana mas mayaman na ako kay Henry Sy,
Tapos sa Harvard na ako nag-aaral, Ano ba naman yan,  did I just use a giant funnel when ka-leytan rains. 

Pag dating ko sa room ko ay naka Yuko parin akong pumasok,  sa pag aakalang may teacher nanamang magagalit sa akin dahil sa araw-araw niyang naririnig na dahilan kong...

"Natanghalian po ng gising ma'am" ani ko habang patungo sa aking upuan sa kanang bahagi ng room, sa may likuran.

"Ayan na lang ba  lagi ang maririning ko?  ha Lawrence?"
Saad ng guro kong Nag liliyab na sa galit.

Ngunit itong araw na Ito ay walang teacher na magagalit sa pagiging late ko. Tumungo ako sa aking upuan.

"Nasaan si ma'am Elena?"
Tanong ko sa aking kaklasi na selpon ang inaatupag.

"Hindi daw sya makakapasok ngayon,  dahil nagkasakit ang anak niya,  at walang magbabantay dito" sagot ni Hiro na nakatitig parin sa kanyang phone.

Oo,  malapit nga ang bahay ni Maam Elena sa akin,  pero never akong umusisa sa bahay niya,  siya lang naman ang palaging pumupunta ng bahay ko.

"Bakit Renz,  miss mo bang mapagalitan ulit,  late ka nanaman ehh." Sandaling ibinaling nito ang kanyang tingin sa akin.

Nabigla naman ako ng biglang sumolpot si Maia at mas nagulat ako sa seryosong tanong ng dalaga.

"Uy Renz,  anong nangyari sa inyo ni Sabby?" Seyosong tanong ni Maia na tinutokoy ang relasyong naputol naming dalawa ni Xabrina.

napatigil ako Sandali dahil hindi ko alam kung baket ni Maia nalaman ang tungkol sa paghihiwalay namin ni Xabrina, kaya naman ay napatitig ako sa kanya na may bakas ng pag tataka sa aking mukha.

"Duhh,  pinost ni Sabby ang tungkol sa paghihiwalay nyo" ani Maia na ibinaling ang mata pataas.

Hindi ako makasagot.  bakit Hindi ko Nakita ang post na iyon? 

Naiinis ako sa sarili ko ng maala ko kung bakit hindi ko nakita ang annoying post ni Xabrina

Agghh!!!  Blinock ko nga pala sya sa FB at lahat ng mga social medias na meron kami.

"Amput, bakit nya nilabas sa public ang pag hihiwalay namin." Napabulong ako sa sarili,  ngunit ngumisi si Maia dahil halatang narinig niya ang bulong ko.

"hoy,  ano nga nangyari?" Tanong nya muli.

Hindi ko gustong sagutin ang mga tanong niya,  dahil wala ako sa mood ng mga oras na iyon,  Dahil hindi padin ako makapaniwala na napagod na si Xabrina sa relasyon namin.

"Ewan ko sayo" pikon na saad ni Maia sa akin,  habang ako ay nakatulala lang at malalim ang iniisip.

Hindi ko na namalayang halos isang oras na pala akong nakatitig sa white board naming may mga sulat pa ng mga crush ng mga kaklase ko, sa pag iisip-isip at pag mumuni-muni.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Till Break Up Do Us Part💛Where stories live. Discover now