Chapter 14: Connections

11 1 0
                                    

"Luna aalis ako mamaya huwag kang magsabi kay kuya kung saan ako." Paalam ni Sophia sa shinigami. Tinignan lang sya ng mataray ni Luna gamit ang nag-iisang mata nito.

"Eto para sayo." Inabot ni Sophia ang isang box na galing sa bag nya.

Kinuha naman ito ni Luna. Kahit na tumatagos ito sa mga bagay bagay ay kapag may gusto itong hawakan ay mahahawakan nya ito.

Binuksan ni Luna at nakita nya sa loob ay mga papel na tinupi tupi (origami) na korteng paru-paru. Biglang umiba ang ekspresyon sa mukha ni Luna.

"paano mo ito ginawa? alam mo na gusto ko ang mga paru-paru?" Manghang tanong ng shinigami.

"SIKREEEEET!!!" Pang-aasar ni Sophia at patakbo itong lumabas ng bahay. Sinadya nitong magpa-late para maiwan sya ng kuya nya at para masabihan nya si Luna na tumahimik sa kanyang mga pinaplano.

"Ingat ka anak ha? Nandyan padin yung virus na nagpapatay sa pamamagitan ng heart attack!" Paalam at babala ng mama nya na nagtutubig ng mga halaman malapit sa gate nila.

"Sige po ma salamat po!" May pakaway pa na paalam ni Sophia.

Habang nasa klase ito ay hindi ito mapakali. Iniisip nito ang tungkol sa mapag-uusapan nila ni L. Anong sikreto kaya ang gustong sabihin nito sa kanya? Magsisinungaling ba sya pag tinanong sya tungkol sa libro?

Pangalawa sa huli nyang klase ay lumabas na ito sa kanilang paaralan.

'Hintayin lang kita dito.' Chat ni L sa kanya ilang oras na ang nakalipas.

'Papunta na ako.'

Tumungo si Sophia sa isang coffee shop sa harap ng school nila.

Pagpasok nya ay walang masyadong tao sa loob. Dalawang babae lang sa kanang bahagi at sa kaliwang bahagi naman ay lalakeng nakangisi sa kanya. Si L.

"Hello..." Bati nito.

"Sophia." Pakilala ni Sophia.

"Hello Sophia..." Nakangiting bati ulit ni L.

"Luke..." Pakilala nito. Halata naman kasing hindi tunay na pangalan ang L o Law o kahit na ang Lawliet.

"Uhm. Tungkol dun sa sikretong sasabihin mo?" Panimula ni Sophia.

"Oo sasabihin ko yun umupo ka muna. Ano gusto mong inumin?" Offer ng binata.

"Uhmmm... Wala akong masyadong alam sa kape..."

"Ano po sa inyo sir?" Tanong ng lumapit na waitress.

"Isang black coffee. Four spoons no sugar. At isang hot chocolate. At chocolate cake." Order ni Luke.

"P..panong alam mo na mahilig ako sa tsokolate?" Manghang tanong ni Sophia.

"Huh? Sinong nagsabi? Para sakin yung hot chocolate at chocolate cake!" Pang-aasar ni Luke.
"Dejoke lang. Wild guess..." Sabi nito pero hindi naniniwala si Sophia.

Samantala, pinuntahan ni Ray ang classroom ni Sophia para sunduin sana ito pero sabi ng mga kaklase nito ay hindi sya pumasok sa huling dalawang subject. Nag-alala si Ray kaya sinubukan nyang i contact ito. Sa social media, sa text pero hindi ito sumasagot.

Tinext nya ang mama nya kung nakauwi na si Sophia pero hindi pa daw sabi nito.

'Saan kaya pumunta yung batang yun?' Bulong nya sa sarili. Nag-isip sya ng mga bagay na pwedeng puntahan ni Sophia.

'Siguro lumayo layo yun hindi naman yun magtatago sa malapit.' Sabi nya sa sarili at pumara ng sasakyan para pumunta sa riverpark sa city. Baka nandun yun o baka sa building na pinuntahan nila nung isang araw.

"Nabasa ko ang mga impormasyon nyo sa Death Note." Panimula ni Luke.
"Pero na disappoint ako nang malaman na ang alam nyo sa Death Note ay matagal ko nading alam." Dagdag pa nito.

"Ganun? Eh hindi mo na sasabihin sakin ang sikretong gusto mong sabihin?" Natawa si Luke sa tanong ng bata.

"Alam mo ang tungkol sa mata ng shinigami?" Pabulong na tanong ni Luke na may nakakalokong ngiti.

'Hindi nasabi sakin yun ni Luna ah.' Sabi ni Sophia sa sarili.

Mas lumapad pa ang ngiti ni Luke.

"A..anong problema?" Tanong ni Sophia.

"Wala. Haha. Wag mo akong pansinin. Ang kyut mo lang tignan." Sabi ni Luke pero ang totoo ay nabasa nya sa ekpresyon ni Sophia na may koneksyon ito sa Death Note o maaari ay sya mismo ang may hawak sa Death Note.

'Hindi ka naman mag-iisip nang ganyan kung wala kang koneksyon sa libro. Pero bakit sa Espanya? Tapos ngayon sa Pinas? Nag eeksperemento kaba? O iba ang may-ari noon at ngayon? O hindi lang iisa ang libro? O may nagdidikta sayo ng mga dapat mong gawin?' Tanong ni Luke sa sarili.

"Mata ng shinigami??? Ano yun?" Tanong ni Sophia.

"Pwede mong makuha ang mata ng shinigami. kapalit ang kalahati ng buhay mo."
"Kapag meron kang mata ng Shinigami, malalaman mo ang tunay na pangalan ng taong makita mo at kung ilan nalang ang natitirang araw sa kanilang buhay." Salaysay ni Luke sapay inom ng kape nyang sobrang pait. Pero para sa kanya ay wala lang ito pagkat ito na ang nakasanayan nyang inumin.

"Ay... Yun na ang sikretong gusto mong sabihin?" Nadismayang tanong ni Sophia na ikinagulat ni Luke.

"Alam mo na yun?" Tanong ni Luke.

"Hindi."
'Hindi sya interesado? Ibig sabihin hindi sya pumapatay? Hindi sya ang pumapatay? Baka nga may nag-uutos lang sa kanya? O hindi sya ang may-ari ng libro? O hindi lang sya ang nag-iisang may ari ng libro? Ilang libro ba ang sa mundo?' Nagtatakang tanong ni Luke sa sarili.

"Mukhang nagulat ka ata? Hindi lang pala ako ang madaling basahin ano?" Nakangising tanong ni Sophia.

"Anong sinasabi mo?" Tanong ni Luke.

"Nadismaya ka nang malaman mong hindi ako interesado tungkol sa pagpatay gamit ang Death Note. Ibig sabihin ay akala mo ako ang may hawak ng libro at pumapatay ano?" Nagulat si Luke sa tanong ni Sophia. Natauhan din ito. Masyado itong naging komportable sa bata at hinayaan nyang maging bukas ang sarili sa pagbasa ng iba.

"Splendid Sophia. Splendid!" Pumalakpak si Luke ng mahina na medyo sarcastic.
"So ikaw. Ano ang mga itatanong mo?"

"Seryoso yung sinabi mong detective ka?"

Napaisip naman si Luke.

"Oo. Isa akong detective at hindi ako nag-iisa. May partner akong pangalan si Watari." Napatango lang si Sophia.

"Paano kung may mata pala ako ng shinigami. At kunyari ako ang may-ari ng libro, edi pwedeng pwede na kitang patayin pag-uwi ko." Seryoso ang tono ni Sophia.

"May tiwala akong hindi mo magagawa iyon. Kung magagawa mo man ay edi sana nung una palang nating pagkikita ay dapat ginawa mo na akong patayin." Nakangiting sagot ni Luke. Magtatanong pa sana si Sophia pero inunahan ito ng binata.

"Ang mga shinigami ay gusto ang mga mansanas." Wika ni Luke.

"At paru paru!" Tuwang tuwa si Sophia nang maalala nya ang ekspresyon sa mukha ni Luna nung makita nito ang origami na korteng paru-paru na bigay ni Sophia.

Ngumiti ng nakakaloko si Luke.

Nanlaki naman ang mga mata ni Sophia nang marealize nya kung ano ang sinabi nya.

"Ano pangalan ng shinigami mo?" Tanong ng lalake. Ang mga mata nito ay punong puno ng authority at mistulang nagbabaga na parang apoy. At nagresulta ito ng pagkatakot sa batang babae na sa pagkakataong ngayon ay wala nang magawa. Para syang maliit na langgam na napapalibutan ng apoy na ilang sandali lang ay handa syang sunugin.

"Luna..."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Death Note: Reverse Eclipse(Fan Made)Where stories live. Discover now