Chapter 2: Luna

11 0 0
                                    

Death Note

"The human whose name is written in this note shall die."



"Oh saan na ang libro? Matagal paba yan!?" Naiinip kong tanong kay Luna. Ang may ari ng libro.

Hindi ko akalaing magkakaroon kami ng kapatid ko ng ganitong kaibigan. Isang halimaw. Demonyo. Nilalang mula sa ibang mundo. Hindi ko alam kung ano talaga sya pero sabi nya isa syang SHINIGAMI. God of death, angel of death, hindi ko alam kung ano ang tamang depinisyon sa kanya.

"maghintay ka mortal! kung akala mo ganun lang kadali magsalin ng wikang ingles sa inyong wika!" Galit na boses nito. Nakakatakot sa umpisa kapag pinapakinggan ang boses nyang parang libo libong kaluluwang nagsasalita ng sabay sabay. Pero sa huli ay makakasanayan mo nadin.

Pangalawang araw na sya dito pero hindi padin nya sinasabi kung ano ang tunay na pakay nya samin ni Sophia. Ang sagot nya lagi ay may gusto syang ipapatay samin.

Pero tama ba yun? Kaming magkakapatid na taong simbahan at anak ng pastor, papatay ng tao?

"Sino ba kasing nagsabing isalin mo yan sa wikang tagalog!? Marunong naman kami umintindi ng ingles ah? Ano akala mo samin ng kapatid ko? Bobo?" Naiiritang sigaw ko dito.

"Ray? Sophia? Sino kausap nyo dyan?" Tanong ni mama mula sa labas ng kwarto.

"Wala ma naglalaro lang kami ni kuya!" Pasigaw na sagot ni Sophia sabay kindat sakin.
"Alam kong hindi ka marunong magsinungaling." Bulong nya sakin sabay tawa.

Ang alam namin kay Luna, ang mga nakahawak lang sa librong tinatawag nyang 'Death Note' ang makakakita sa kanya at makakarinig. Para syang isang ispiritu. Poltergese. Mahahawakan nya ang isang bagay pag gustuhin nya. Pero pag hindi nya gusto ay tumatagos lang sya dito.

Pero hindi namin alam ni Sophia kung mabait sya o hindi kasi lagi nyang sinasabing.
'hindi nyo ako kakampi o kaaway. wala akong pakealam sa inyo.'

Pero kahit ganun sya ka misteryoso, marami namang nakakatuwang bagay sa kanya tulad ng; inaral nyang mag tagalog ng isang buong taon para lang maintindihan kami ng kapatid ko. Pero masyado itong pormal at mala-baybayin. Pero ginagawa nya naman daw ang lahat para mag adjust.

Marunong din daw sya mag english.

Gusto nya daw ang pagkain sa pinas pero hindi nya sinabi kung saang bansa pa sya nakapunta.

Mahilig sya sa paru-paru kahit mukha syang buwan.

"Hoy Luna ibigay mo na! Babasahin ko pa ang ibang rules. Ibalik mo sa ingles yan!" Inagaw ko sa kanya ang libro pero hinawakan nya ito ng mas mahigpit. Tinignan nyako ng masamang tingin.

"pashnea!" Galit nitong sigaw sabay tapon ng libro sakin. Umapoy ito ng kulay blue at aksidente itong nabuksan.

Bukod sa araw na napulot namin ito ni Sophia ay ngayon lang ulit ako nabigyan ng pagkakataong mahawakan ito.

Librong kulay itim na mukhang gawa sa isang tunay at lehitimong leather ng hindi ko alam kung anong hayop.

Sa likod ng hard cover nya ay may nakaguhit na bungo. Hmmm. Maganda ang pagka litering dito ah.

"Ganda ng panulat mo ah!?" Puri ko sa kanya. Tumawa lng si Sophia.

"Buti naman at english na. Mas mahirap pa intindihin yung tagalog mo eh." Patawang sabi ni Sophia.

Hmmm. "The human whose name is written in this note shall die." Binasa ko ang unang nakalagay na rule. So ibig sabihin ang ipapapatay samin ni Luna ay isang tao at gusto nyang isulat ang pangalan ng taong yun dito?

Death Note: Reverse Eclipse(Fan Made)Where stories live. Discover now