Chapter 6: Watari

4 0 0
                                    

"Welcome Mr. Chen."
Bati ni Luke sa apat na taong nasa itaas ng hagdan.

Bubunot na sana ng baril si Melvin nang dinukot ni Luke si Jennifer at ginawang parang hostage.

"Hindi nyo ba nakikita na ginagamit lang kayo ng intsik na yan para sa kapakanan nya?" Sabi ni Luke. Sa totoo lang ay wala naman itong pakialam pero sinasabi nya lang ang mga ito para mabasa ang sunod na gagawin ng mga kalaban.

"Who are you!?" Nanginginig ang boses ni Chen nang tinanong nya ito.

"I am L..." Nanlaki ang mata ni Chen sa sagot ni Lukas.

Alam nyang si L ang humuhuli ng mga gumagamit ng Libro ng kamatayan ilang taon na ang mga nakalipas. Ito din ang kinakatakutang tao ni El Diablo.

Si El Diablo ang binansag sa taong pumapatay sa Espanya. Gamit nito ang libro ng kamatayan o Death Note. Kung sino mang pangalan ang isulat sa librong ito ay mamamatay sa pamamagitan ng sakit sa puso. Marami nang napapatay si El Diablo pero ang akala ng karamihan ay isa lang itong epidemya o pagkakataong maraming namamatay dahil sa sakit sa puso.

Si El Diablo si Antonio. Ang lalakeng nagbenta kay Mr. Chen ng Death Note sa halagang 2 Billion US Dollars.

"L you say?" Dahil sa takot ay inagaw na ni Chen ang baril kay Melvin at sinimulan nitong barilin si Luke.

"No!" Sigaw ni Jennifer.

Sa unang putok ay natamaan sa braso ang babae at tumagos pa ang bala. Si Luke naman ay maingat din sa pag galaw. Ayaw nitong matamaan ang sarili pero ayaw din nitong matamaan sa kritikal na parte ng katawan ang babae. Pwede na pa ito magamit upang maging testigo laban kay Chen.

"I dont care I will kill you all!" Sigaw ni Chen at nagpaputok pa ng tatlong beses pero sa pagkakataong tao ay si Luke na ang sumalo sa dalawang bala.

"Bakit...?" Tanong ni Jennifer bago mawalan ng malay dahil sa dugong nawala sa kanya sa tama nito sa braso.

Hinawakan sya ng maigi ni Luke at kahit na duguan ito ay buong lakas nyang kinuha ang kutsilyong nakatago sa sapatos nito at tinapon kay Chen, natamaan ang baril nito at natapon sa sahig. Agad naman itong hinanap ni Melvin.

Nilapag ni Luke ang sikretarya sa hagdan at tumayo ng tuwid kahit na may tama ito sa paa at likod.

"Sasabihin ko sayo pag mahawakan mo ulit yung baril ay matutulad ka sa mga kasamahan mo." Pagbabanta ni Luke kay Melvin.

Tinignan din ni Melvin ang dalawa nyang kasamahang nakahiga sa gitna ng rooftop at walang malay.

Sina Alvin at Francis. Basag na ang mga mukha nito dahil sa bugbog.

Nang mahalata ni Chen na natakot si Melvin sa kung ano man ang sinabi ng lalake ay binunot nya ang baril na nakatago sa likod ni William. Ang driver nya. Pero nagulat ito nang hinawakan ng matanda nyang driver ang kamay nito.

Pero may kakaiba sa driver nya. Ang dating matamlay at mahinang matanda ngayon ay kaya nang pigilan ang kamay nya.

"Get off me you old rug!" Sigaw nito pero ayaw pading bitawan ni William ang kamay nya.

"So that's what you call to your loyal servant eh?" Sabi ng matanda. Pero iba ang boses nito.

"W..who the f*ck are you!?" Pasigaw nitong tanong.

Binunot ni William ang pekeng begote nito at pekeng buhok gamit ang isang kamay at kinagulat naman ito ni Chen nang ibang matandang lalake ang nakaharap nya.

"Who are you? Where is William?" Galit na tanong ni Chen habang pilit na inaagaw ang kamay pero hindi padin ito binibitawan ng lalakeng nag kunwaring si William

"Codename Watari. Dont worry, William is at a safer place now. He will speak for us soon after some torture session." Sabi ng lalake na nakangiti.

"Salamat Watari. Buti at nakapagpigil ka at hindi gumawa ng kung ano bago ang senyales ko." Pasasalamat ni Luke kay Watari sabay kuha ng posas sa bulsa. Tinapon nya ito kay Melvin. Ang lalakeng malaking katawan na bodyguard ni Chen ay ngayon ay mistulang bata sa takot.

Pinosasan nito ang sarili. Dahil sa takot nito kay Luke at sa sitwasyon ay sumusunod nalang ito sa gustong mangyari ng lalakeng karahap nya. Alam nyang wala na syang laban dito kasi kilala nya si Francis. Ang isa pang bodyguard ni Chen at partner nya bilang bodyguard.

Si Francis ay magaling sa Martial Arts. Black belter na ito sa Karate at Taekwondo. Malakas din ito sa labanan may armas man o wala.

Kaya ibig sabihin, kung nabugbog ito ng maliit na lalakeng tinatawag ang sariling 'L' ay ibang klase ito.

"Watari you say? I know you." Bahagyang humina ang pagkahawak ni Watari sa kamay ni Chen nang sinabi nya ito kaya nakatyempo si Chen upang takbuhin ang baril na nasa dulo ng rooftop.

Dali-daling tumakbo si Watari sa kanya pati si Luke kahit na may tama ito ng baril.

Pero huli na ang lahat nang mahawakan na ni Chen ang baril at nagulat ang lahat nang itinutok nito ang baril...

...kay Melvin.

'Its better for you to die than to spill everything!' sigaw nito na wikang Intsik at pinutok ang baril.

Isa... Natamaan ang walang kalabang laban na si Melvin sa dibdib.

Dalawa... Natamaan naman ito sa tiyan.

Tatlo... Pero ang pangatlong bala ay sa sahig na tumama dahil gamit ng buong lakas ay tinulak nina Watari at Luke si Chen.

Sabay na bumagsak sa lupa sina Chen at Melvin pero hindi pa nakontento si Luke ay pinagsusuntok pa nya sa mukha si Chen.

Galit na galit na ito.

Si Watari naman ay tinignan kung ok lang si Melvin pero.

"Wala na syang pulso..." Sabi nito na nakadagdag pa sa galit ni Luke.

"How can you use us Filipinos like that you f*cker!!!" Sigaw nito sabay suntok sa mukha ni Chen at nagdahilan upang dumugo ang ilong nito.

"Huh? Filipinos? Not just filipinos. Any nationalities that will bow for money, will also bow down for me. And soon the world will bow down to me just like the Mafias bow down to El Diablo!" Pilit nitong tawa kahit na duguan na ang mukha nito.

Hindi na nakapagpigil si Luke sa naramdaman nito kaya walang awa nyang pinagsusuntok sa mukha si Chen nang walang tigil.

"Luke!" Pigil ni Watari pero parang walang naririnig si Luke.

"LUKE!!!"

Death Note: Reverse Eclipse(Fan Made)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon