Chapter 8: Viktor

5 1 0
                                    

Viktor

"Kaninong pangalan sir?" Sabi ng babae sa kausap nya sa telepono.
"Jinro Ortigas at Dante Lacson?" Pag kompirma nito.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya mula sa likod.

Magsusulat na sana sya sa libro nang tinabunan ki ang kanyang bibig at tinutukan sya ng baril sa ulo. Inilayo ko ang brief case sa kanya.

"Hehehe mukhang maganda ang nangyayari ah... Grrr." Rinig kong tuwang tuwa ang shinigaming si Silak pero nagkunwari akong hindi ko sya nakikita.

"Huwag kang gumalaw. Sundin mo ang iutos ko sayo." Banta ko sa kanya. Ramdam ko ang nginig ng katawan nito dahil siguro sa takot.

"Kapag tumawag yung kausap mong lalake sa cellphone mo at tatanungin ka kung naisulat mo na, sabihin mong oo. Nandun ang iba kong kasama sa labas din police station. Nag-aantay na umatake sa mga kasamahan mo kung malaman nilang lulusob na ang mga ito." Paliwanag ko sa kanya.
"Kung susundin mo ang sasabihin ko, hindi ka madadamay."

Tumango tango lang sya. Ramdam ko din ang mainit na likido na dumaloy sa kamay ko na nakatakip sa bibig nya.

Luha?

Pathetic.

Naramdaman ko din na biglang may nag vibrate sa bulsa ng babae.

Cellphone nya.

"Sagutin mo. Gawin mo yung sinabi ko kanina."

Isa ako sa mga mataas na opisyal sa Black Eagle Mafia isang kilalang Mafia sa Spain. Kilala ako bilang si Viktor.

Namatay ang boss naming si Guirera ilang taon na ang nakakalipas. Namatay ito pagkatapos mahawakan ang librong Death Note. Namatay ito dahil sa heart attack.

Ang alam namin ay malusog si boss at kaduda duda ang pagkamatay nya dahil sa heart attack. Ang hinala namin ay pinatay sya ng unang may-ari ng libro. At sa pag-imbestiga ko ay nakumpirma kong ang lalakeng si Antonio nga ang pumatay kay boss. At sya din ang unang may-ari ng librong kung tawagin ay Death Note.

Sobrang ingat ako habang minamanmanan sya ng ilang taon. At nang maka-tyempo ako ay nakanakaw ako ng isang pahina ng kanyang libro. Pati ang halimaw/shinigami ay hindi nahalata ang ginagawa ko. At oo nakikita ko sya.

Ang pangalan ng Shinigami o ang halimaw na may-ari ng libro ay si Taiyo pero mas gusto nyang tinatawag na Silak. Pero Diablo ang tawag sa kanya ni Antonio.

Pagkadating ko sa Pinas sa ilalim ng pamumuno ni Chavez, isa ding mataas na opisyal sa Mafia, inutusan nya akong patayin si Antonio pag makita ko si Silak, ang shinigami sa lugar kung saan sila dapat magkita ni Miki.

Si Miki ay tauhan ng intsik na si Chen. Isa sa mga naka negosasyon ni Antonio na bentahan ng libro sa halagang dalawang bilyong dolyar.

Ang misyon namin ay patayin si Chen at kunin ang libro. Upang maipaghiganti si boss namin, Guirera at para maging pinakamalakas na Mafia sa buong espanya.

"Oo sir naisulat ko na..." Bigay todo si Miki sa pagsagot ng normal para hindi mahalata ng kausap nyang si William ang kanyang sitwasyon.

Kinuha ko sa kanya ang cellphone at ako ang nakinig.

"Salamat." Sabi ng matandang boses na sa kabilang linya ng telepono.
"Naipadala ko na ang pera sayo." Narinig din ito ni Miki.

Wala akong pakealam sa pera kaya hindi ko na iyon kukunin sa kanya. Malinis kami sa aming pangako at sa aming trabaho kaya kapag hindi naging makulit itong si Miki ay papakawalan ko nadin sya.

May suot naman akong itim na maskara.

"Sige lusubin na natin si Sir Chen!" Rinig kong utos ni William sa mga kasama nya.

Ilang sigundo pa ay narinig kong nagka putukan na sa kabilang linya.

"Ambush! May umambush sa amin!" Sigaw ni William at nalamon na ng tunog ng mga baril ang kabilang linya. Pinatay ko na ang tawag.

"Anong nangyari sa kanila? Patay na si Sir William?" Tanong nito sakin. Tumango lang ako.
"Ako? Papatayin mo nadin ako diba kasi tapos mo na akong gamitin?" Dagdag nito.

"Malinis kaming magtrabaho. Sinunod mo naman ang iniutos ko kaya papakawalan na kita." Sabi ko sa kanya.
"Makakatanggap ka padin naman ng pera mula kay William.

Isa pa pala. Maging testigo ka sa kaso ni Luissa Montes. Alam kong may alam ka dito."

"P..pano mo nalaman ang mga tungkol dito?" Hindi ko na sinagot ang tanong nya pero yan ang specialty ko. Ang mag-analisa ng mga sitwasyon st mag imbestiga.

"A..anong pangalan mo?" Tanong ulit nito habang naglalakad nako paalis sa kanya.

"Viktor." Sagot ko dito at tuluyan nang umalis.

"Grrr... Mukhang nakakatuwa ang nangyayari." Sabi ni Silak na kanina pa nagmamasid sa mga nangyayari. Pero hindi ko padin sya pinapansin. Kunyari ay hindi ko sya nakikita.


"Viktor maganda ang iyong ginawa. Sana makatrabaho pa kita sa susunod." Bati sakin ni Chavez habang nakasakay ako sa speedboat papuntang Panay Island sa visayas.

"Sige sir. Hawak ko na ngayon ang libro. Gaya nang napag-usapan ay mananatili ito sa akin." Paalala ko sa kanya. Kahit mas nakakataas sya sakin dahil pamangkin sya ni boss Guirera ay ako padin ang mas mataas sa kanya kung tutuosin.

"Ha? Hindi. Kailangan mapasakamay ko yan sa lalong madaling panahon!" Sigaw nito sa kabilang linya. Napangiti lang ako nang pinatay ko ang tawag.

Pinaandar ko ang ilaw sa speed boat. Tinignan lang ako ni kuyang driver. Kasamahan din namin to sa Mafia.

Babanggain nyo ako ha? Malalaman nyo.

Sinulat ko ang pangalan ng mga Black Eagle Mafia sa misyong ito. Lahat sa kanila. Nasa Espanya man o Pilipinas.

Ricky Chavez
Henry Heria
Prince Castillo

Isa isa kong sinulat ang pangalan nila sa libro.

At ang huli kong sinulat ay ang driver ng speedboat na si Miguel Castro.

Apatnapung sigundo lang ang hihintayin.

"Grrr... Pansinin mo ako bata." Lumilipad lipad sa paligid ko si Silak.

Nung una ko itong nakita ay natakot din ako sa kanyang anyo. Isang mala-demonyong nilalang na may basag na bungo ng parang baka sa kanyang ulo. Ginawa nitong helmet. Pati ang sungay sa kanang parte ng kanyang helmet ay sira nadin.

May scarf ito o telang kulay itim na nakapaligid sa kanyang leeg na may buto ng kamay ng sa tingin ko ay isa ding shinigami - may anim itong daliri. Mahahaba din ang mga kamay nito na nakabenda ang dulo pero kita padin ang anim nyang daliri may matutulis na kuko.
May pakpak din itong may balahibo na parang malaking ibon na kulay itim.
Diko alam bakit Silak ang kanyang pangalan eh puro naman itim ang kulay nito.

"Nakikita mo ba ako? Huy! Grrr!!!" Umikot ikot pa ito sa harap ko habang lumilipad pero nagkukunyari padin akong walang nakikita.

"Grrr... Kung hindi mo ako papansinin ay susulatin ko ang pangalan mo sa libro ko." Banta nito sabay kuha ng libro na nakatago sa loob ng damit nya.

Alam kong hindi mo magagawa yan. Tuwang tuwa ka nga sakin eh.

"Bakit!!!!!!!!" Sigaw nito.

Biglang tumunog ang cellphone ko.

Si Chavez. Tumatawag.

"Oh?" Tanong ko sa kanya. Dko mapigilang hindi ngumiti.

"A..anong nangyayari!? Bakit isa isang natutumba ang mga kasamahan natin? Ikaw ang may gawa nito!? Traydor!" Sigaw nito.

"Haha. Bakit? Ngayon lang kitang narinig na natatakot ah?" Pang-aasar ko pa sa kanya.

"Wala kang kwenta! Papatayin kita--- aghhhhh!!!" Sigaw nya bago naubusan ng hininga. Binaba ko ang tawag kasabay ng pagkatumba din ng driver ko sa speed boat. Sinipa ko lang papuntang dagat ang wala nang buhay nitong katawan at patuloy sa pagmamaneho papuntang Iloilo.

Death Note: Reverse Eclipse(Fan Made)Where stories live. Discover now