Chapter 1: Ray

17 1 0
                                    

Ray

Kakatapos lang ng simba at lumabas na kami ng kapatid kong si Sophia sa simbahan.

"Kuya, parang uulan ata ah. Maya na tayo umuwi." Pangungulit sakin ni Sophia. Kung hindi lang ako nagmamadali ngayon baka samahan pa kita dito hanggang gabi.

"May pupuntahan pa ako eh. Sige na tara na bilisan natin nang makasakay na tayo at hindi maabutan ng ulan." Hinawakan ko ang kamay nya sabay kaming tumakbo.

"Ray"

Narinig kong may tumawag sa pangalan ko kaya tumigil ako sa pagtakbo. Si Sophia din ay tumigil at parang may hinahanap sa paligid.

"Sophia narinig mo ba?" Tanong ko sa 9 years old kong kapatid.

"Oo may tumawag sa pangalan ko." Sagot nito na parang natatakot. Napahawak ito ng mahigpit sa kamay ko. Walang tao sa paligid. At may tumawag sa pangalan namin nang sabay? Pero pangalan ko lang ang narinig ko. Pangalan nya lang din ang narinig nya.

"Tara kuya bilisan na natin uwi na tayo." Patakbo na sana kami nang may biglang bumagsak sa harap namin. Isang libro? Na kulay itim?

"Kuya..."

"Wag!" Pipigilan ko sana si Sophia sa pagpulot sa libro pero dalawa kaming sabay na nakahawak dito. At nagtaka kami na may nabuong parang maitim na usok sa harap namin.

Napa atras kami ni Sophia.

Ang usok ay unti-unting nag compress at nabuo na parang isang solidong bagay. At naging isang human-like figure.

"KUYA!?" Sigaw ni Sophia at nagtago sya sa likod ko. Ramdam ko ang nginig sa kanyang mga kamay at ang boses nito ay parang naiiyak.

Ako naman na natatakot din pero mas ginampanan ko ang pagiging kuya ko kahit hindi na ako makagalaw sa pwesto ko.

"hehehe. at dahil nahawakan nyo ang libro, ayan tuloy nakita nyo ako." Sabi ng nilalang na nasa harap namin. Ang boses nya ay parang boses ng libo libong mga babaeng sabay sabay na nagsasalita.

"Kuya..." Narinig ko ang boses ni Sophia na kahit hindi ko sya tinitignan ay alam kong umiiyak na ito sa takot.

"pero kakaiba. Sa buong kasaysayan ng mga nagmamay-ari ng mga libro ng SHINIGAMI ngayon palang ang unang beses na dalawa ang magmamay-ari." Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi ng nilalang na ito. Pero ang alam ko ay nasa panganib kami ng kapatid ko.

Hindi na ako nagdalawang isip at dali-dali kong kinarga si Sophia at gamit nang aking buong lakas ay kumaripas nang takbo.

"Kuya..." Tawag ni Sophia sakin. Nakatingin sya sa likod.

"Oh.?" Tanong ko kahit hingal na hingal na.

"Nawala na yung nakakatakot na babae."

"Buti naman..." Kahit hingal na hingal padin sa kakatakbo ay nakahinga din ako ng maluwag. Irereport ko kaya to sa pulis. O kaya magpapatulong ako sa papa kong pastor.

"Kuya." Nagtaka ako at kanina pa tawag ng tawag si Sophia sa pangalan ko na ang boses nito ay parang umiiyak.

"Ano?" Nagtatakang tanong ko ulit.

"Ang ganda pala ng libro noh? Akin nalang to?" Napatigil ako sa kakatakbo at ibinaba ko si Sophia.

"Bakit mo dinala yan!?"

"Maganda eh. Hihihi." Ang akala kong boses ni Sophia na umiiyak ay boses pala nya kapag tuwang tuwa sya. At na-realize ko din na ang akala kong nanginginig sya kanina sa takot ay pinulot pala nya ang libro.

"Hindi kaba natatakot dun sa halimaw kanina!?" Nagtataka kong tanong.

"Hindi eh. Mukhang mabait naman sya. Alam mo yun, gaya sa mga nababasa kong libro. Mga halimaw na mababait at tumutulong sa mga bata." Napakamot ako ng ulo sa sagot nya. Yan ang napapala mo kakabasa sa MattPad.
"Atsaka. Kung masama yun dapat una palang hinuli na nya tayo o kaya kinain o kaya pinatay. Diba?" Dagdag pa nya.

Hmmm. Sabagay may punto sya.

"tama ka bata. hehehe. hanga ako sa pinapakita mong katalinuhan at lakas ng loob na hindi pangkaraniwan sa edad mong iyan." Nagulat ako nang tumingala ako ay nandun pala ang halimaw.

Ang hugis ng katawan nya ay parang babae. Mahaba ang suot nito na slim na kulay itim na tela na see-through na parang kulambo. Parang normal na babae lang sya pero ang kanyang kamay ay hindi pangkaraniwan ang haba na hanggang talampakan nya na at sa ulo nito ay may gintong hugis mata na nakahiga.

"A..anong kailangan mo sa amin ng kapatid ko?"

"hehehe. mga ilang taon ko na kayong pinagmamasdan. dalawang mortal na magkakapatid na may inosente at mabuting puso. isang batang babaeng matapang at may purong puso. at isang kuyang pinanganak na mabait at handang mamatay upang ipagtanggol ang kapatid."

Huh? Sya? Matagal na kaming pinagmamasdan? Pero naalala ko marami akong kakaibang bagay na nararanasan simula pa nung mga nakaraang taon.

Kapag umiihi ako sa cr ay biglang bumubukas ang gripo at sumasara. Pati ang mga ilaw ay patay sindi. Minsan pati ang mga pagkain kong nilalagay sa kwarto kapag may gagawin ko ay may bawas na.

"Ano ang kailangan mo ate?" Tanong ng kapatid ko. Bilib ako sa kanya. Hindi sya natatakot kahit sa ganitong sitwasyon na. O kaya... Hindi nya lang alam kung ano ang mga nangyayari?

"hehehe. isa lang. isang tao lang. ang dapat nyong patayin."

Death Note: Reverse Eclipse(Fan Made)Where stories live. Discover now