PROLUEGE💛

21 3 1
                                    

"Luv! Antayin mo ako" hingal na hingal na sambit ng dalaga sa kasama niyang binata na excited na excited na umakyat sa napaka tarik na burol.

"Bilisan mo luv, aalalayan kita, madulas na dito banda" ani ng binatang tila walang kapagoran na kanina pa inaakyat ang maputik na burol.

Napatingin si Franz sa kanyang relo sa kanang kamay nya, •si Franz ay kaliwete o ang kaliwang kamay niya ang kadalasang ginagamit niya, tulad ng pagsusulat, pakikipag apir, pakikipag kamay at maging ang paghawak niya sa kutsara tuwing kakain,  kaya naman ay ang kanang kamay niya ang pinaglalagyan niya ng relo o mga bracelets •

"5:50 P.M.  na luv, Malapit na nating makita ang sadya natin dito sa Palawan." Excited na excited na saad ni Franz sa kanyang kasintahan habang inaalalayan ang kasintahan upang Hindi madulas sa mga putik na ginawa ng malakas na pag ulan nung umaga.

Kahit na lumakas ang pag ulan nung umaga at alam nilang magiging maputik ang daan nila mula sa paanan at tuktok ng burol ay nag pumilit parin si Franz na ituloy ang lakad upang makita ang sadya nila sa Palawan.

"Woww!" tanging nabangit ni Franz na mas nauna ng isang metro sa tuktok ng bundok kesa sa kasintahan.

"Panaginip ba to? " tila manghang-mangha si Xabrina sa nakita matapos na makarating na din sa tuktok ng bundok.

natahimik ang magkasintahan at pilit na umakyat sa sobrang laking bato na may nakadikit na kaperasong flywood sa taas •Puti ang pintora ng kaperasong flywood at may nakasulat na NING NING na kulay pula sa flywood•

Ng maka upo ang dalawa sa malaking bato ay pareho nilang tinitigan ang magarbong Sunset ng Palawan na syang kanilang sadya. tumagal ang katahimikan ng limang minuto ngunit nabasag ito ng biglang...

"FRANZZZZZ!!!" Ani ng kung sinong biglang sumolpot na boses kung saan.

Hindi ito pinansin ng dalawa

"FRANZZZZZ!!!"

Ganon din sa pangalawang pagkakataon pinilit nilang wag itong pakingan at tumutok sa pababa na araw sa "Bato ni Ning ning" kung tawagin ng mga Taga Palawan.

Ngunit ang boses na sumolpot sa kung saan ay biglang lumakas at tila malapit na sa kanilang mga tenga.

"FRANZZZZZ!!!" Muling Tinawag si Franz  at sa pagkakataong ito ay napalingon na sya

"Gumising ka na, alas sais na!!! "

        *********************

Hi guys,  thank you sa mga nababasa nito, tuluyan nating alamin ang story nina Franz at Xabrina.

Wag nyo po akong i-judge o ang story ko po kung Hindi nyo po ito nagustuhan, dahil bago pa lang ako nakagawa ng story😂, pero sana kahit hindi maganda ang pagkakasulat ay tangkilikin nyo parin ang story ko😊.

Till Break Up Do Us Part💛Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon