Bumukas ang elevator at na una naman ang babae sa amin.
Hinila ko siya bahagya.

"King ina mo dude! Ano bang ginagawa mo?! Hindi na ako interisado rito ano. Ke mahal mahal. Kahit maipanganak ko pa ang anak mo aba saan ako kukuha ng ipambabayad ko rito?! Sira ulo ka. Dude!"

Bulong ko sa kanya.
Tinawanan lang niya ako.
Mga Brod, TINAWANAN NIYA AKO NG MAHINA.

Napapamura ako dahil sa kanya eh!!!
Sinuntok ko ng marahan ang bisig niya.

Nakakainis.

Bwisit na ako.
Kung si Ding ito sinabunutan ko na! Aba daig pa ang baklang iyon ah. Paran nag sa-shoping lang siya!
Inakbayan niya ako.

"Come on dude. Can't you see we're enjoying the view? Huwag kang mag malinis. Ginagawa ko ito para mas lalong matagalan tayo. Besides hindi ko talaga gusto ang unit na inu-offer niya. "

"Anong view ang pinag sasabi mo?"
Tumawa ito ng mahina.

Pinilit kong alisin ang pagka akbay niya dahil na aasiwaan na ako.
Aba una beses itong nang yari ah!

Sanay ako noon sa mga ganitong akbay pero pag siya ngayon nakaka Awkward!

Collywoble attack!

Ano ba iyan!
Napa lingon ang babae sa amin at mas hinigpitan pa ni Daviz ang pag akbay hanggang sa napaharap na ako sa kilikili niya!

Juice ko!
Amoy bagong ligo talaga ang isang ito pag umaga!
Napilitan akong napangiti doon sa babae habang nag uumpisa na itong mag salita tungkol sa pent house.
Napa tingin nalang ako sa pwetan nito lalu na nang nagpa indayog ito habang nag lalakad.
Napa kagat ako ng labi.
Tangina nag wawala ang cells ko!
Nagulat nalang ako nang biglang kurutin ng lalaking naka akbay sa akin ang ilong ko!
Urgh! Putragis na leche ah!

"Ano ba!"mahinang angal ko. Ngumiti ulit siya.

Lintek!
Ano bang meron sa ngipin niya at nakakasilaw ang kaputian at ang pantay?!

"Come on dude. I know she's hot and you can't take your eyes off but, I knew somebody with much more edge. You should meet 'the MIRROR ' ."
KINGINA!

Nakikipag landian ba itong lalaking ito sa akin?

Ano na babakla na siya? Putik!
Pinilit ko siyang itulak ngunit sadyang malakas siya!

"Don't worry. You have a perfect breast for OUR baby's milk and perfect hips to cary it inside your womb."
Nanindigan ang balahibo ko doon.
Mukhang babaliktad ata ang sikmura ko sa narinig.
Alam kong may puntong tinutumbok siya pero IBA ang dating sa akin. Lalu pa ngang dagdagan ng boses niyang pantulog!
Hindi na ako maka pag concentrate sa pinag sasabi ng babae.

"Tigilan mo nga ako Dude. Kadiri ka!"

Sawakas natanggal ko rin ang pag akbay niya!!!
Inaliw ko naman ang sarili ko sa pag tingin ng unit naka pasok kami sa masters bedroom. Grabe ang laki.
Ang laki ng banyo.

Ang laki ng silid.
Dagdag mo pang may terasa sa gilid at tanaw na tanaw ko ang ilog at tulay na nag dudugtong sa lugar na ito at sa city proper.

Oo ibang iba ang tanawin rito kung ikukumpara sa kabilang banda ng Kinatatayuan ng Condo na City national road.

Nakakamangha talaga.

Tiyak ang mahal mahal nito!
Susyalin at mukhang milyones talaga ang dating.

Mapapahiya na kami nito!
Ang kumal kase ng kasama ko.
Juice ko ba naman! Sa tingin ko hindi na ito muulit pa!

Lumipat kami sa kabilang silid. Sing laki ng masters bedroom iyon nga lang mukhang pambata ang disenyo. Nakakahumaling kase. May malaking bintana rin ito. Ang isang silid naman ay nakakamangha rin. Lahat may kanya kanyang CR. Isang Chamber room din ang meron at isang extra na room. May sariling Lanai para sa washing ang drying. Parang bahay na nga!

"Maganda ba?" Tanong niya sa akin. Napatango naman ako ng wala sa sarili.
Siyempre ang ganda!
Hindi na ako mag papaka hipokrito. Talaga namang maganda.
Ang masamang balita mukhang sa panaginip lang ito mang yayari. Malabong mag katotoo.

Paasa.
Tulad ng ex mo PAASA.

Hayan na whogoat nanaman!
Nako tatalikod na sana ako para umalis at hindi mapahiya nang magsalita itong kasama ko na ikinatigil ng hakbang ko.
May ibinigay itong Card sa babaeng Agent.

"She likes it. I think I like it too. Im taking this. Paki padala nalang ang bill. I'll cash it out. Thanks."

ANO RAW??!
Ang isa ko pang kinagulat ay ang biglang pag lapit sa akin ng babae sabay yapos sa akin.
Dahil dito tahasang napaakap din ako sa kanya.

SAWAKAS nga Pare nararamdaman ko na si PAPAYA!!!

ngunit narinig ko ang maluluyong na pag mura ni Daviz...

♛♣♜♟♞♝♠♚

Vote
Comment
Share

SFAC: CONFUSIONSWhere stories live. Discover now