9

3.7K 99 8
                                    

Nag Ring ang telepono ko.

Inaantok pa nga ako.
Day off ko ngayon. Swerte mag pa day off ang boss ko!
Friday pa talaga!

Walang pasok pag sabado at linggo.

Bakit? Hindi ko alam.
So technically dapat ngayon tulog pa ako!

Sige parin sa pag pupulahaw itong telephone ko.

Wala akong choice kundi damputin.
Pasalamat nalang ako at wala na si Beks kung hindi sinabunutan nanaman ako noon sa ingay ng ringtone ko!

Teka nga paanong naging The One You love ang ring tone ko eh sa pag kakatanda ko simpleng ring lang ito noon eh.

Pinakealaman nanaman siguro ng Hayok na lalaking iyon.
Naka hating pikit ang mata kong nilagay ang telepono sa tenga ko. Hindi ko nabasa kung sino ang tumatawag.

"Chap chap! Good Morning Dude. Wake up."sabi sa kabilang linya.

Napamura ako.

"Oh?"utag ko sa kanya mula sa kabilang linya.

"Gising ka. Sabay tayong mag almusal. Its Seven thirty am."
At kelan pa naging Early bird ang isang ito?

Diba ang mayayaman alas diyes ang umaga sa kanila??

Naligaw ng landas ata ang isang ito. Inaantok pa ako.

Gabi na ako nakauwi kagabi dahil nag overtime si Sir Speed at may balak atang mag camping sa opisina hindi ako naka alis dahil sa mga pinag uutos niyang gawin ko.

"Masarap ba ang Longsilog dito sa kalenderya ni Aling Petra? Bakit ganoon parang nagsi tinginan ang mga tao sa paligid ko?"

Putragis na puto at balot!
Anong ginagawa niya sa baba?!

Napa balikwas ako sa higaan ko at na untog pa ang ulo ko sa double deck kung saan si Ding sa taas natutulog.

Nako ang Baklang iyon hindi naman naka uwi!

Dali dali akong nang hilamos sa kumon na CR buti may bakante.

Bumalik ako sa silid upang mag suot ng panloob at dalidaling bumaba.

Nang maka baba ako tenga!
Naka ngalong baba ang ibang mamimili sa katititig sa kanya at parami ng parami ang nag sidatingang usisera.

Naka upo ito sa gilid at may dalawang platong Longsilog sa harap.
Aba swerte niya tinutok ni Aleng Petra ang bintilador sa kanya lang.
Hindi naman iyan ginagawa ni Aleng Petrya eh. Laging kumon ang pag gamit ng bintilador!

Tuwang tuwa sa kanya ang mga tao.
Nag sasalita daw ito ng Tagalog kahit dayuhan ang anyo niya.
Narinig ko ring ang mga tanong ukol sa mata nito kung talaga bang natural iyon o contact lens.

Marami pang iba.

Gustong gusto naman ni Aleng Petra ang pag paparoon ni Daviz.
Mukhang marami ang dayong bumibili sa kalinderya ni Aleng Petra.

"Dude!"utas nito sabay kaway nang makita akong pababa ng hagdan.
Umupo ako sa tabi niya at nag tanong kung anong ginagawa niya dito.

"Nothing. Just hanging out. Isa pa gusto ko lang makasiguradong kakain ka ng almusal. Hali ka na kain na tayo. "

Wala akong magawa kung hindi kumain.

Aba naman naka tatlong order siya ng sinigang at dalawang extra ulam!

Siya lang ang umubos. Ako hindi pa nakaubos ng kinakain ko.
Kailan pa naging matakaw ang isang ito at ang bilis ng subo??

Nang matapos kami hindi kami pinayagan ni Aleng Petra na maghintay siya sa kwarto kaya naman iniwan ko siya sa ibaba.
May pupuntahan daw. Kami.
Isa pa mag hahanap nalang din kami ng pusibleng apartment.
Inabisuhan ko na si Ding pero ang isang iton hindi nag reply.

"Saan mo naman pinarada ang sasakyan mo?"

Utag ko rito nang bumaba ako. Basa na siya ng pawis.
Aba itong si Aling Petra sinabihan pa siyang bumalik lagi doon.
Paano palapit nang maubos ang hain.

Lakas makahugot ng kustomer ang isang ito!

Tinulungan pa sase niya si Aleng Petra sa pag Serve.
karamihan ng costumers bakla at babae.

"Dyan lang. May mga nag sabing babantayan nila ang sasakyan ko basta't bigyan ko daw sila ng pang tongga. " nakangising saad nito.

Parang nag igting ang tenga ko.
Ibig sabihin pinaubaya niya ang sasakyan niya sa grupo ng mga tunggero doon sa Kanto.

Hindi nga ako nag kamali.

Buhay ang kaluluwa ng mga iyon nang makita ko ang sampong Kaha ng malalaking beer sa gilid nila!
Ang dating isang mesa ngayon lima na!

Nag happy hour na ng alasotso ng umaga ah!

Inagahan talaga para sa ordinansa ni Duterte! Hanip!

"Yoh! Pares, salamat sa pag babantay."bungad ni Daviz sa mga ito at nag sipag taasan ang mga ito ng plastic cups na tinagayan nila.

Aba malaking pick-up pala ang sasakyan niya.

Nag pasalamat pa ang mga Tang-geros kanya. Ang sabi, Balik daw siya any Time!

Tengena lang!

Siya nga pala habang nag mamaneho ang isang ito patungo sa

HINDI-KO-ALAM-KUNG-SAAN, ang tamang pag bigkas ng Pangalan ni Daviz ay /Day-Veez/.

"Anong ginagawa natin rito?"

Halos hindi ako maka paniwala sa pinuntahan namin. Isang Condominium malapit sa pinag tatrabahuwan ko.
Sa katunayan Ilang kanto lang ang layo nito sa pinag ta trabahuwan ko. Iyong tipong pwede kang maglakad!

"Diba sabi mo pag may trabaho ka na lilipat ka ng tirahan? Oh heto na."
Binatukan ko siya ng wala sa oras habang nag lalakad kami patungong elevator.
Bobo eh!

Sabi ko APARTMENT hindi Condominium!

Anong ipambabayad ko rito? Eh kulang pa ata ang pinaunang bayad niya. Exclusive Condominium ito na pag mamayari ng mga Bellamore.
Kung baga, tinitirahan ito ng mga elitista, kabataang winawaldas ang pera, Sosyal, Kilalang personalidad at artista!

Anong laban ko rito?

Pinigilan ko siya at hinila pa alis ng elevator.

Naku buti nalang at walang tao.
Nag hihilahan kami rito.
Tangina!

SINONG NAKAPULOT NG MUSCLES KO?
Paki sauli naman.
Sahuli nahila niya ako papasok at wala akong nagawa.

"Wala akong pambayad dito. Kusising lang ang sweldo ko kung ikukumpara sa renta dito. Sira ulo ka talaga! "

Parang hindi naman siya makapaniwala sa narinig niya.
Aba ikinagitla pa niya ang kita ko. Alam ba niyang mahirap lang ako? Bobo rin to eh.
Kala ko pa naman matalino siya. Nasobrahan lang pala sa yaman. Sus!

"Then, ako ang mag babayad ng renta."

Walang kagatolgatol na saad nito sa akin.

"Hindi pwede. Likas kang Bobo eh ano? Pwede ba umalis na tayo rito? Kaming dalawa nalang ni Ding ang bahala sa titirahan namin. Salamat sa pag malasakit."

Bumukas ang pinto ng Condo at naipit ako sa isang pag kakataong hindi ko hiningi...
Mapapasubo ako!!!


♞♝♟♠♚♜♛♣

SFAC: CONFUSIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon