10

3.7K 115 18
                                    

"Ano po ba ang pinaka murang units ninyo?"

Oh hayan nakikibaka narin ako sa pinag lalaban ng isang ito.

Para naman daw sa anak niya iyon.

Isa pa, siya daw ang mag babayad tapos kadabuwan mag babayad nalang kami ni Ding sa kanya.

Ang renta sa Apartment na napag usapan namin noon ni Ding ay Pitong libong piso kada buwan. Iyan ang pinag iipunan namin ngunit pahamak ang isang ito dahil napasubo ako sa babaeng nakikipag negotiate ngayon sa amin.

Ang ganda niya! Parang model. Tengena!

Nakalimutan ko ang pangalan niya kanina habang nag pakilala siya sa akin dahil mas inuna kong lasapin ang lambot ng kamay niya at bangong bagong ligo ata na manamisnamis. Parang kiwi!

Habang naka pormal na uniporme siya hapit iyon sa katawan niya na parang sadyang ginawa para sa kanya.
May mataas itong sapatos.
Grabe hindi ko mapigilang mapatingin sa mukha niya.
Mas nasarapan pa ako nang ngumiti ito at nangunyapit sa braso ko.
Ang swerte ko sana Walang Ending!!!


"Studio Type. One bedroom, One bathroom and fully furnished. 7 million in cash or Installments maam and sir we will adjust it to your pay choice amortization for only Thirty percent of the price as an initial payment you may move in. Just eighty seven thousand five hundred  per month for two years, you may own this beautiful condominium. Very affordable right? "
Nangunot ang nuo ng laking kasama ko.
Hanip naman kaseng maka tanong parang kukuha ah!

"I'm not in favor of one bedroom unit."
Tahasang saad niya.
Ewan ko nang tignan kami ng babae ngumiti ito.
Leche! Ang ganda ng ngipin!

"Oh I see. Doon po tayo sa family type kung gusto po ninyo ng two to three bedrooms. Meron din po kaming Pension houses, iyon nga lamang Pent Five, Pent six and Pent nine nalang ang available. Under revisions pa po kase ang ibang units."
Tumango naman si Daviz.
Pumasok kami sa elevator para puntahan ang Family type nila.

Maganda. Tatlong bedrooms at kumpleto na ito sa gamit.

Kung iisipin para siyang dalawang pinag sakop na unit.
Maluwag at ma aliwalas tignan sa pintang puti, mint green at silver.
May mga malalaking salamin din sa sala na nag papalaki ng pananaw. Pinasok namin ang bedroom, maganda siya.
Tamang tama lang ang laki. Pang pamilya dahil inter connected ang mga pinto.
Nag salita ulit siya.
Ngayon pailing iling na ito.

"Kulob." Iyan lang ang binitawang salita niya.

Tangena.
Maka reklamong Kulob siya parang ang laki ng bahay ah!

Ay, ni isang beses pala di pa ako na padpad doon. Pa ano kase hotel ang hilig niya.

Sus!
Natural malaki yung hotel.
Hindi kulob.

Saan ka ba naman makakakita ng Condominium na kumpletos rekados na, grabe pa ang security. Kilala ang Bellamore condos sa higpit ng security.
Isa pang pinag aalala ko.
Hindi naman ako bibili ng condo.

Tang naman ang mahal!

Huli na, ginayak na kami ng babae sa Pension house nila.
Tang! Naka special button pa ang Pension house.
P9 ang pinindot ng babae.

Pinag masdan ko lang siya na nakatayo sa harapan namin.

Ang gandang tanawin!
Megahd!
Kakausapin ko na talaga itong lalaking ito mamaya pag naka layo siya.

SFAC: CONFUSIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon