7

4.1K 107 22
                                    

PITONG araw ang nakaraan matapos ang gabi at araw na nag ka sama kami.


Binigyan niya ako ng telepono.
Ay erase. Ibinigay niya sa akin ang iPhone niya.
Tenga kulay ginto ang likod na may nakaukit pang
Limited Gold Edition


"Hoy! Tulala ka naman diyan. Ano buntis kana?" Nang aalaska nanaman itong si Ding sa akin.
Naka bayad na ako kay Talapindas kaya naman kahapon naka lipat na ako sa isang desenteng Boarding house. Nakilala ko kahapon si Vee at ang anak nito na matagal tagal nang naninirahan rito. Maganda ganda na ang bagong tinitirahan ko. Hindi na butas butas ang pader ng CR. Hindi ko narin poproblemahin ang pauga ugang kama noon dahil mas matibay ang gawa sa bakal na double deck. Wala na rin ang tagpi-tagping dingding at may tukador na kami para sa aming gamit. Nag mukhang bahay na ng tao ang tinitirhan naming ngayon.

Oo mag Boarding muna tayo. Mahal ang apartment. Room lang ang nakayanan kong rentahan.
Kahit naman binigay na ang paunang bayad sa akin ni Daviz hindi ako pwedeng gasto lang ng gasto sa perang iyon.
Tandaan mo na uubos ang pera!
Mag tipid muna tayo hanggat wala pang trabaho. Pag ako naka trabaho na doon ako mag hahanap ng apartment kung makakayanan ng sahod.

Sumama si Ding sa akin.
Buti tinanggap siya ng land lady naming walang iba kung hindi si Aling Petra.
Hanip pag baba ko kalinderya na niya kaya hindi ako mahihirapang mag hanap ng trabaho.
Ginawa kong week end muna ang pag huhugas.
Busy ako ngayon sa pag hahanap ng trabaho.
Nasa TechHub ako ngayon. Naka pormal na slacks at long sleeves. Dito ako papasok para mas madaling makahanap ng trabaho.
Nag hintay ako sa pila hanggang sa ako na.

May ibinigay silang booklet na babasahin na pusibleng itanong ng interviewer.
Binasa at tinandaan ko lahat ng iyon.
Ganito pala dito. Sila ang hahanap ng trabaho para sa iyo at mag kakakumisyon sila.
Wagi ah!

nang isinalang na nila ako swerteng naka move up ako at sa susunod na araw ang initial and final interview ko.
Aba! Pinalad ako at naka pasa!
Mas maganda rito. Magalang at hindi ako kinutya.
Mas nakaintindi na ako ng mga bagay bagay.
Mantakin mo!
Isang malaking kumpanya ang pag tatrabahuwan ko.
Sa wakas hindi na ako magiging taga hugas ng pinggan sa kalendirya ni aleng Petra!
Noong unang araw ko dito sa Demayor imperials napaluha ang mata ko sa gara ng lugar!
Parang isang bayan ang buong building nila.
Saan ka banaman kase makakakita ng building na may malaking garden sa luob?
Hugis dome kase iyon at sa itaas eh open. Iyon nga lang naka Fiberglass kaya aircon.
Nag tataka parin ako kung gaano ka pusible ang teknolohiya. Nakakamangha.

Teka, ang sasabihin ko pala sa inyo ay kung ano ang pag tatrabahuwan ko.
Sa Advertising nila ako itinalaga.
May cubicle ako doon bilang executive Secretary. Ang susyal ng pangalan diba?
PA lang iyon ng boss. Huwag kayong OA dahil mabago sa pandinig.
PA-Personal Alalay.

"HOY!" Ayan nanaman ang pang gising ni Ding sa isip ko eh.
"Hai naku. Na sabi ko na sa iyo ang pinag tatrabahuwan ko diba? Iniisip ko lang kung bakit biglaang ang ganda ng napasukan ko. Ang sosyal. Swertee ko naman!"
Nakita kong pinaikutan lang ako ni Ding ng Eyeballs niya. Natawa ako. Ingit lang yang!

"Oo na nga ikaw na! Kaloka. Eh teka, ano na nga bundat ka na ba? Naka PT kana? Anong lumabas? Mag papa baby shower na ba tayo?"

Eksahiradang tanong ni Ding.
Napahilamos ako ng mukha.
Isa pa yang problema! Pina alala nanaman niya sa akin!
Putragis! Bumili ako ng PT sa pharmacy noong isang araw.
NEGATIVE.
Kanina habang nag papahinga ako dumating ang buwanang dalaw ko.
Tsked! Anong gagawin ko?

"Negative nga eh. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kanya. Naman kase bakit kase hindi magaling makadali ang isang iyon. Hindi three points shooter." Pag sasaad ko kay Ding. Nangangalumbaba na ako sa inis.
Natawa naman si Beks.

SFAC: CONFUSIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon