Article XVIII

2.6K 58 0
                                    

Ang maingay na ringtone ng cellphone ko ang gumising sakin mula sa isang mahabang pagkakatulog. Tamad kong inabot iyon mula sa ilalim ng unan ko at pinindot ang answer button.

“Nagising ba kita?” ani ng isang malambing na boses sa kabilang linya. Sukat nuon ay napatuwid ako ng upo sa kama ko at napahawak sa may dibdib ko. Bakit ako kinabahan bigla? Naduduwag na ata ako? Minsan pa kong napailing sa pagiging paranoid ko.

Huminga naman ako ng malalim bago ko sya sagutin.

“Hmm.. ok lang na magising basta boses mo naman ang maririnig ko.” Pilit kong pinalambing ang boses ko. He needs to fall hard with me. Yung hindi sya makakatanggi once na sinabi ko sa kanyang gusto ko syang maging Frat Master.

Narinig ko naman ang pagsinghap nya sa kabilang linya na sinundan pa nya ng marahang pagtawa.

“Can you open your door for me, please?” tanong naman nya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

“Nasa labas ka ng condo ko?”

“Uhh. Yeah.. I want to have our first ever date today.” Masaya nitong sambit sa akin.

“Wait up. Ni hindi pa ko nakakapagbreakfast..” natataranta kong wika sa kanya.

“That’s why I brought you some. Bilis na , nangangawit na ko dito sa labas.”

Dali dali ko namang ipinusod na kung papaano na lang yung buhok ko at nagmumog ng mouthwash sa banyo ng hindi naman masyadong nakakahiya yung itsura ko.

Naka-white fitted spaghetti strap at short shorts lang ako. Packing tape. Ganito talaga ako matulog. At wala na kong oras para magbihis pa. Bahala na nga.

Lakad-takbo naman ang ginawa ko makarating lang ng mabilis sa may pintuan ng condo ko.

Huminga ako ng malalim bago ko buksan ang pinto. This will be a loooooong day for me.

Pagbukas ko ng pinto ay ang gwapong si King ang nabungaran ko. W-Wait. Did I just say gwapo? Naka-navy blue polo shirt sya na naka-button up to his neck, black fitted jeans and a nice pair of vans. Oh, well.

“Good morning!” bati ko sa kanya saka ko sya hinalikan sa pisngi nya.

Nag-iwas naman sya ng tingin saakin at tumuloy na sa loob ng condo ko.

He’s always affected with my presence I must say..

“Wala man lang ba kong Good morning mula sa hari ko?” malambing kong tanong sa kanya habang nakayakap sa may likuran nya.

Naramdaman ko naman kung gaano bumilis ang paghinga nya.

“Uhh.. sorry. Medyo nagulat lang ako sa itsura mo.” Wika nya.

Mabilis naman akong pumunta sa harapan nya at nameywang.

“Bakit? Ang panget ko ba pag bagong gising?” kunot-noong tanong ko sa kanya.

“H-Hindi ah! Y-Yung suot mo kasi.. masyadong maiksi.. hindi ako sanay na makita kang ganyan.”

Napangisi naman ako sa sinabi nya.

“Asuuuuus! Ang boyfriend ko... conservative ka pala?” saka pa ko tumawa naman ng malakas.

“Hindi naman sa ganun... pero.. hay! Magpalit ka nga ng damit. Baka ibang almusal makain ko ngayong umaga.” Saka naman sya ngumisi sa akin.

Turn ko naman ngayon para magkulay kamatis.

“H-ha?” maang na tanong ko sa kanya.

“Biro lang. sige na, magbihis ka na, ihahanda ko lang yung almusal natin.” Sabi nya sakin habang nakangiti.

Tulala naman akong tumango sa kanya at parang wala sa sariling naglakad papunta sa kwarto ko.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon