Under The Meteor Shower

75 9 3
                                    

A Tagalog Story...

"Under The Meteor Shower"



Ngayun makikita sa lugar namin ang pag daan ng Meteor Shower. Taengyan kailangan ko pang magpuyat para subaybayan yun. Bakit ba ayaw nila akong patulugin ng maaga?!

Tinignan ko ng masama ang mga kaibigan ko na ngayun ay kumakain.
"Anong tingin yan Elise?" Tanong ni Steff. I let out a deep breath then looked away.

"Bakit ka galit?" Tanong naman ni Jes. Hindi ko sinagot ang mga tanong nila at umupo nalang doon ng tahimik.

"Ahh!" Mahinang sigaw ni Ann na nagnakaw ng aming atensyon. "Pinilit kasi natin siyang panoorin yung Meteor Shower eh!" Finally, someone got me.

"Ayaw mo ba? Wala ka naman gagawin mamaya eh." Komento ni Jes. Tama rin naman siya. Tinignan ko lang sila bago magsalita.

"Scam naman ata yang Meteor Shower eh!" Bigla akong kinurot ni Steff. "Aray!"

"Hindi yun scam! Wag kanang magreklamo dahil wala kang magagawa." I rolled my eyes in defeat. "Fine"



•••

At ito na nga. Nasa labas kami more specifically, nasa Park kami. Marami naring tao dito dahil gusto nilang manood. Umupo kami sa damuhan at naghintay.

Daldal sila ng daldal habang ako naman dito ay iniisip kung gaano ka-komportable ang higaan ko. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na maglalakad-lakad muna at umalis na.

The cold breeze hits my face as I walk around the grassy park. The sky is so dark making the stars stand out. It looks beautiful. Suddenly someone crossed my mind. My first love. Kamusta na kaya siya? Limang taon narin ang lumipas noong huli kaming nagkita.

Nangako siyang babalik pero hindi naman talaga siya bumalik kahit man lang paramdam wala rin. Hanggang ngayun naghihintay parin ako sa pagbabalik niya. Umaasang makikita ko pa siya.

"Kalimutan mo na nga siya. Hindi na siya babalik." Pabulong kong sabi sa sarili ko. I exhaled and stopped on my tracks.

"Asan ka na ba?" Tanong ko nang pabulong habang nakatitig sa mga bituin.

"Babalik ka pa ba? Bakit umalis ka nalang bigla?" Ang mga luha ko ay unti-unti nang namumuo sa mga mata ko.

"Nandito naman ako ah." Isang pamilyar na boses ang gumulat sakin.

Dahan-dahan akong tumingin at lumingon sa likod ko upang harapin ang pinagmulan ng boses na yun. Laking gulat ko nang makilala ko siya. Nandito siya sa harap ko. Nandito talaga siya!

"Missed me?" Tanong niya ng pabiro. Tuluyan nang tumulo ang aking mga luha at hinila siya para mayakap ko siya ng mahigpit.

"B-bakit ngayun ka lang? Alam mo bang limang taon na akong naghihintay?! Paunti-unti rin akong nawawalan ng pag-asang babalik ka pa! Tae ka!"

Tumawa na lamang siya at niyakap ako ng mas mahigpit. I just sobbed in his arms. This is what I want. To be with him again.

"Sorry na. Sorry naghintay ka pa ng napakatagal para sakin." Hindi na ako nagsalita at niyakap nalang siya. His presence is enough.



SUGARY'S SHORT STORIESWhere stories live. Discover now