CHAPTER 3

124 9 1
                                        

CHAPTER 3: Family Issue

Cepheus Pornue

"Son, asaan ka naman nagsusuot?" tanong ng mommy ni Cepheus

Napakaganda ng bungad ng mommy niya. Kakarating lang niya sa mansyon, tanong kaagad ng mommy ang bumungad sa kanya.

"Kay Sextans" he answered

"Anong balita sa kanya?"

"He's good" aniya

"Oh thanks god" saad ng mommy niya na mukhang na panatag

Bumuntong-hininga siya dahil na alala niya ang kabit nito. The only he knew is his mother had an affair to other man when he was five years old. Tatlo pa silang magkakapatid non at siya ang bunso ng mangabit ang mommy niya. Ang alam niya rin ay may anak ito sa labas pero nong bumalik na ito sa kanila, iniwan nito ang half brother niya sa kalaguyo, which is Sextans. He was ten years old when he found out that he had a half brother at sa kanilang limang magkakapatid, siya at si Kuya Cetheus lang ang nakakaalam non pero secrets can't keep forever kaya nalaman ng iba pa niyang kapatid ang tungkol kay Sextans. Ang mga kapatid niya pala ay sina Cyghnus-ang panganay, Cetheus-pangalawa, siya-pangatlo, Lanxzer-pang-apat at Stephen-ang bunso.

"Mom can I talk to you?" tanong niya

Gusto niyang malaman ang buong kuwento ng mommy niya at kung bakit ito naghanap ng iba at mukhang ngayon ang tamang panahon para malaman ang lahat.

"Sure! About what son?" tanong ng mommy niya habang nakaupo sa sofa

"About your another man" napatingin ang mommy niya sa gawi niya at halatang nagulat ito sa sagot niya

"Son.... I don't have any time for that nonsense topic" anito at binalik sa magazine ang atensyon

"It's not nonsense mom cause its your past. Your big mistake in past" matigas niyang saad

"Don't talk like you know everything Cepheus" anito habang galit na tumingin sa kanya

"Then tell me everything" aniya sabay upo sa pang-isa hang upuan "Palagi mo nalang sinasabi sakin na wala akong alam so ngayon sabihin mo sakin ang lahat na kailangan kong malaman"

Bumuntong-hininga ang mommy niya bago nagsimulang mangumpisal "I was eighteen years old when your grandparents decided to forcely marry your father but that time I have a boyfriend named Beowolf, the father of Sextans. Then pinapili ako ng lola mo, magpapakasal ako sa daddy mo at makakakuha ng malaking mana o makipagtanan kay Beowolf at kalimutang may magulang ako. I was dependent that time and I can't stand or even live on my own kaya napilitan akong mapakasalan ang daddy mo. Your dad is responsible, caring and loving husband to me kaya sinubukan kong mahalin ang daddy mo pero biglang umiksina si Beowolf and I can't deny that I still love him that time" nagsimula ng umiyak ng mommy niya "Nagtaksil ako sa daddy mo at umabot yun ng buwan until Beowolf asked me to go with him. I loved him kaya sumama ako. Iniwan ko yung daddy niyo pati narin kayo na mga anak ko. I was blind that time because of my Beowolf's love. Yes, it was the big mistake I ever made in my life pero pinagsisihan ko yun. And about sa pang-iiwan ko kay Sextans, I did it dahil tinakot ako ni Beowolf na kapag dadalhin ko raw si Sextans, hindi daw ako makakalabas ng buhay sa puder niya kaya I have no choice" humagulhol ng iyak ang mommy and now he know everything

"Kakausapin ko si Sextans baka makinig at payagan ka niyang mag-usap kayo" aniya sabay tayo at naghandang umalis

Nagulat siya ng bigla siyang niyakap ng mommy niya "Son I'm sorry..... I hope you will forgive me" anito habang umiiyak

"I already forgive you mom pero pag nabasag na hindi na kailangan man mababalik sa dati ang lahat" aniya sabay alis at tungo sa kwarto

Akala niya masama ang mommy niya. Akala niya wala itong kwentang ina pero mali siya. Pinilit lang pala ng lola at lolo niya ang mommy niyang magpakasal sa daddy niya. If he was in the place of his mom, sasama siya sa totoong mahal niya. Na realize ni Cepheus na nakaraan na yun at tapos na kaya dapat ng tanggapin at kalimutan. Napagpasyahan niya ring kausapin si Sextans about sa mommy nila.

______

"Bakit ka nandito?" tanong ni Sextans kay Cepheus na kararating lang sa bahay nito

"Can I talk to you?" he asked

"About what?"

Umupo siya sa sofa "About sa mommy natin"

"Bakit? Pinaglalamayan na ba siya?"

"Gago ka talaga! Buhay pa si mom!" asik niya

It's 7 o'clock in the morning at nagtungo kaagad siya dito sa bahay ni Sextans para makiusapin ito. Kailangang malaman nito ang tungkol sa mommy nila at nagbabakasakali si Cepheus na baka mapatawad ni Sextans ang mommy nila.

"Ano bang meron sa mama mo?" tanong ni Sextans

"Mommy natin" pagtatama niya at umirap lang ito "You have to know everything about her"

"Wala akong pakialam sa kanya kaya umalis ka nalang kasi nagsasayang ka ng oras" anito

"Kailangan mong malaman ang lahat kaya makikinig ka sa ayaw o sa gusto mo" aniya

Walang nagawa si Sextans kundi makinig sa kanya. Sinabi niya ang lahat nang walang labis at walang kulang. Mukhang naniwala naman ito sa kanya.

"I hope na makipag-usap ka sa kanya para alam niya ang pangungulilang naranasan mo" aniya

"Sigi. Saan? Kailan?"

"Bukas. Sa parke. Papupuntahin ko siya dito sa bayan"

Tumango lang si Sextans kaya umalis na siya. Tatawagan niya nalang mommy niya dahil pagod na siyang pabalik-balik sa syudad at dito sa bayan.

VOTE AND COMMENT🖤

When I'm GoneWhere stories live. Discover now