Wattpad Original
Mayroong 17 pang mga libreng parte

Chapter 8

596K 11.2K 1.2K
                                    

Chapter 8


TINATAPIK-TAPIK NI Cynthia ang kanyang sarili habang nakaharap sa salamin. Pilit ginigising ang sarili. Ano bang nangyayari sa kanya? Paano nya nasabi kay Leo ang mga salitang yun?


Seryoso na ba sya?


Ibibigay nya na ba talaga ang sarili nya sa lalaking ito? Pagkatapos ay nilingon nya ang pintuan kung saan lumabas nang patakbo si Leo para bumili ng condom. Naubusan daw kasi ito ng stocks.


Siguro nga ay seryoso na sya. Hindi sya magyayaya kung hindi. Ang daming boylet na dumaan sa kanya, mga guwapo rin naman karamihan ng naging flings nya at mapera pa nga ang iba, pero never, as in never syang bumigay maliban sa hawak kamay lang. 


Nakapagtataka lang talaga na bakit kay Leo? Bakit kay Leo ay ayos lang?!


Ano ba si Leo? Sino ba ito? Hindi naman ito ang lalaking pinapangarap nya. Malayo ito sa lalaking gusto nyang makatuluyan sa hinaharap. Guwapo si Leo pero hindi ito mayaman. Ni wala nga itong sariling bahay. Ayaw niyang sumugal sa ganoon. Ayaw nya nang maging mahirap. Sawa na syang kumayod. Hindi iyon ang plano nya sa buhay.

Siguro ibibigay nya ang sarili kay Leo hindi dahil sa may feelings siya rito... kundi dahil tumatanaw lang sya ng utang na loob. Si Leo lang kasi ang bukod tanging lalaki na rumespeto sa kanya. Tinulungan sya nito at pinatira sa tinutuluyan nito nang walang inaasahang kapalit. 


Sa dami nang nagtangkang mag take advantage sa kanya mula pa noong bata sya, ngayon pa lang sya nakakita ng katulad ni Leo. Nararamdaman naman nya na gusto sya nito pero nagpipigil ito. Kinokontrol nito ang sarili dahil ayaw sya nitong pilitin. Humahanga sya rito. 


Siguro nga lasing sya. Pero ang kalasingang ito ang nagpapalakas ng loob nya ngayon. Ibibigay nya na ang sarili nya kay Leo. Hindi rin naman sya talo dahil inaamin nya na attractive sya rito. Hindi malalim na feelings ang nararamdaman nya sa lalaki kundi attraction lang. Kapag may nangyari na sa kanila ay siguro naman ay mawawala na ang attraction na iyon. Maliliwanagan na rin ulit ang isip nya.


Biglang bumukas ang pinto. Napalunok sya.


Iniluwa niyon si Leo, hinihingal pa. Saan pa kayang mini-store ito nakabili? Pagkatapos ay dumeretso na sila sa kwarto.


Kailangan ipakita nya rito na worth it syang tikman. Sa klase pa lang kasi ng tindig nito, mukhang eksperto na ito sa kama.


Sinikap nyang magpakatatag. Kailangan ay magmukha syang hindi aanga-anga. Ayaw nyang magdalawang isip pa si Leo.


Nginitian nya ito. "Patingin nga ako ng katawan mo..."


"Huh?" Napatigagal ito.


"Mr. Liwayway, sabi ko – hubad na..."


"Pwedeng Leo na lang?" kumunot ang noo ni Leo pero sa huli'y naghubad na ito ng suot na t-shirt.


Tumambad sa kanyang harapan ang maganda nitong katawan.


Natigagal sya.

It Started in the Elevator✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon