Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

24

588K 10.3K 2.2K
                                    


Chapter 24

NARITO NGAYON SI Cynthia sa convenience store sa Cypress. Malapit din ang lugar na ito sa tirahan ng kanyang best friend na si Camilla. Plano niya kasi sanang ipaalam dito na ikakasal na siya ngayon ding araw na ito at kukunin niya sana itong witness sa kasal niya. Ang kaso, hindi naman niya ito nadatnan sa inuupahan nito.

Nasaan kaya ang bruhabels na iyon? Heto siya ngayon, hinihintay niya ang kanyang fiancé na sunduin siya.

Paglabas niya ng sliding door, saktong dating ni Leo sakay ng Lambhorgini Aventador Roadster nito.

Naka-white polo ito at handa na sa kanilang kasal. Samantalang siya naman ay nakasuot ng puting dress. Plano muna nilang magpakasal sa civil although nakapag-book na sila ng wedding sa France. Ang siste nga lang ay aabutin pa ng dalawang buwan bago sila maikasal doon. Ayaw naman ng binata ng ganoon katagal kaya magpapakasal muna sila pansamantala as civil wedding.

Basta maikasal lang sila agad, iyon ang importante.

Pumasok na siya sa loob ng kotse nito. Nakangiti siya dito habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan nito.

"Dahan-dahan. Baka makalog ang baby natin..." may pag-aalala sa tinig nito.

"Ano tingin mo sa'kin, betlog? Kumakalog?"

Natawa naman sa kanya ang lalaki. Pagkatapos ay humawak ito sa kamay niya.

Hinagkan siya nito at pinisil ang kanyang ilong. "Ikaw talaga, CT... ang sarap mong mahalin..."

Pinamulahan naman siya sa sinabi nito. Hindi pa rin maubos-ubos ang kilig niya rito!

Pagkuwan ay inabutan niya ito ng picture. "Oh... sa'yo na lang ito."

"Ano ito?"

"Picture ko. Sa likod nyan, may sulat ako sa'yo. 'Di ba mahilig ka ring magsulat sa likod ng mga litrato?"

Akma na nitong babasahin ang nakasulat don nang awatin niya ito.

"Saka mo na basahin before ng honeymoon natin. Shy me, eh..."

"Okay." Itinago na nito sa coat pocket nito. "Ready?" tanong nito sa kanya pagkatapos kumambyo.

"Yes FM!"

Napapailing na lang na pinaandar na nito ang sasakyan. Mayamaya'y tumunog ang cellphone nyang twinkle-twinkle little star. May message si Preston. Nang basahin niya ang message nito, natutop niya ang sarili nyang bibig.

"Why?" napansin agad naman ni Leo ang reaksyon niya.

Binasa niya ulit ang text nito.

Editha just passed away this morning.

***

INIHINTO NI LEO ang minamaneho nyang sasakyan. Napansin kasi niya ang biglaang pagluha ni Cynthia matapos tumingin sa cellphone nito.

"Is everything okay, CT?"

Hindi ito tumugon bagkus ay yumakap lang ito sa kanya.

"Patay na si Editha my friend..."

"Who's Editha?"

"Iyong pasyente ni Preston na kalokalike ko..."

Bigla nyang naalala noong pinuntahan niya si Pretson sa hospital. Mayroon itong pinuntahan sa ICU at dinala nito sa operating room upang doon operahan. Naalala niya rin ang pangalan nitong Editha Robles na binanggit ng nurse kay Preston nang kasalukuyang nagtatalo sila nito.

It Started in the Elevator✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon