Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

22

516K 8.2K 264
                                    

Chapter 22

PINAHARUROT NI Leo ang kanyang kotse. He was so devastated because of what he saw. Nagising siya na wala sa tabi niya si Cynthia, wala na rin ang mga kaibigan nito. He panicked na kulang na lang ay sesantehin niya lahat ng security guards niya sa pag-aakalang nawawala ang dalaga at hinayaan ng mga ito. Sinubukan niya kasi itong tawagan ngunit hindi niya ito ma-contact. He was so worried na baka kung napaano na ito.

Bago niya kontakin ang kanyang detective dahil sa labis nyang pag-aalala, pinuntahan muna niya ang dalaga sa lagi nitong tinatambayan na convenience store sa Cypress. But he failed – wala ito ron.

Then he decided to go to Preston's hospital, nagbaka-sakali siya roon. Ngunit ang di niya inaasahang madatnan at nakita niya roon. He saw his woman with that bastard doctor in the restaurant beside the hospital building having lunch together. Tulad noong una nyang makita itong dalawa doon.

Dammit!

He picked his phone and he dialed it using his wireless headset device. Sumagot naman agad ang tinawagan niya sa kabilang linya.

"H, I need someone to talk to. Are you free?" he asked while he was driving.

"Meet me at my office."

After a half hour, narito na nga siya sa office ng Uncle niya. Maaliwalas ang mukha nito nang sumalubong ito sa kanya.

"Have you ever been jealous?" umayos siya nang upo habang sa kawalan nakabaling.

"You know me, Leo." Tumayo ito at nagsalin ulit sa kopita. "What mine is mine. I will protect my properties with my life."

Yumuko siya. "Kabaliktaran ko noon... kulang na lang ay i-share ko ang mga girlfriends ko sa iba. Pero ang isang ito – iba."

Umupo ulit ito paharap sa kanya. "Are you fucking in love?"

Natigilan siya. He struggled to answer H's question. He frowned and shook his head. Parang biglang may bumayo sa dibdib niya.

"Sinunod mo ba ang payo ko sa'yo? I told you not to change yourself for her, right?"

"Of course I did." Mahinang sagot niya.

"Well, it's just a test."

Nanlaki ang mga mata niya. "What?"

"It's just like a guage to measure if you're falling in love. You are trying to fight yourself not to change but you're still changing."

"I don't understand, Uncle –"

"'Wag mo nga akong tatawaging Uncle! Nagmumukha akong matanda!" bigla itong nagtaas ng boses na kanina'y mahinahon lang.

May pagka-bipolar kasi ito. Pero sanay na siya rito.

"Anyway..." biglang umayos ang mukha nito at naging mahinahon ulit. See? "...it means that – LOVE changes everything. And you are falling in love to this – gorgeous-funny-desirable-worth it nang naikama mo-girl..."

Natameme siya. Tugma kasi ang sinabi ni Hendrick patungkol sa mga nangyayari sa kanya kay Cynthia.

"LOVE could hurt you of same amount how much you feel it. Parang kung gaano karami ang laman ng isang sako, ganun karami ang mabibitbit mo, ngunit ganun din ito kabigat."

"Anong gagawin ko, H?" Hindi niya alam kung bakit dumidepende siya rito. Parang bigla siyang nawalan ng buto sa katawan.

Ngumisi ito. "Angkinin mo siya, ariin mo at 'wag mo nang pakakawalan. Make a move to make her fall for you forever." Lumapit ito. "Listen, you know that I don't believe in destiny, right? For me, everything always depend on what action or decision you will take. So kung meron kang nakikitang butas na maari syang mawala sa'yo, wag kang papayag. Do your way and make some moves. Sometimes, you may see fault in the end of the story – same as regretion."

It Started in the Elevator✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon