Chapter 0: Luke

47 2 0
                                    

Saint Luke

"UMAMIN KANA!" Sigaw sabay tadyak ng lalakeng naka all black sa mamang nakahiga na sa sahig. Nagmamakaawa na ito na itigil na ang ginagawa sa kanyang pananakit.

"H..hindi po ako ang pumatay..."

"Sir Luke!" Pigil ng kasama nitong naka uniporme na pulis pero hindi nagpaawat ang lalake. Walang pigil nyang pinagsusuntok ang mukha nang nakahigang lalake sa sahig hanggang sa magkasugat at dumugo na ang mukha nito.

"Tama na yan Jinro. Walang magagawa yang pagpigil mo. Gagawin nya ang gusto nyang gawin at walang makakapigil sa kanya." Bulong ng isa pang pulis.

"A..aamin na po ako!" Mahinang sigaw ng lalake gamit ng kanyang huling lakas.

"Aamin kadin naman pala, pinahirapan mo pa sarili mo." Tumayo si Luke at pinunasan nito ng panyo ang kamay nyang puro dugo.

Binalik nila ang lalake sa presinto at dun na nito pinaliwanag ang krimeng kanyang ginawa.

Ilang buwan na itong nagtatago sa mga pulis dahil sa salang pag gahasa at pagpatay sa isang dise-nwebe anyos na estudyante.

Nahirapan ang mga pulis sa pag imbestiga sa nangyari pero nagkataong nalaman ni Luke ang kaso kaya nya ito nalutas sa loob lamang ng isang gabi.

"Pero hindi naman kaya sobra ang ginagawa nya? Police brutality na yun eh tignan mo ang mukha ng suspek." Buling ng pulis sa kasama.

"Police brutality? Ako? Hindi naman ako police." Mahinahong sabi ni Luke na nakangiti ng nakakaloko. Nakakatakot ang aura nito na hindi mababasa kung ano ang susunod nyang gagawin.

Tumahimik na lamang ang dalawang police na nagboluntaryong mag escort kay Luke para mag-imbestiga. Pero wala manlang silang nagawa sa imbestigasyon kasi si Luke ang gumawa ng lahat. Sa pag imbestiga hanggang sa pag trap sa suspek.

"Walang makakatakas sa batas..." Nakangiting sabi ni Luke. Mukha itong inosenteng bata lalo na sa height nitong 4'8.
"...ako ang BATAS."

.

Habang nagbibigay ng salaysay ang suspek sa ginawa nitong krimen, tumunog ang cellphone ni Luke at sinagot naman nya ito kaagad.

"Watari..." Bungad nito sa kabilang linya.

Ang dalawang pulis naman na escort, sa pag aakalang hindi maririnig ni Luke ang pag-uusapan nila ay nagbulungan ulit ang mga ito.

"Jinro, alam mo bang bente-dos anyos palang iyang si Luke?" Bulong ni Dante sa kaibigan.

"Talaga? Mas matanda pa pala tayo sa kanya!? Pero kung titignan ang galing nya sa pag-iimbestiga ay talo pa nya ang inspektor natin!" Bilib na bulong ni Jinro.

"Oo. Wala pang kasong hindi nalulutas yan. At karaniwan sa mga kasong nalutas nya ay isang araw nya lang natatapos! Kaya nga syang tinawag na Saint Luke!" Salaysay pa ni Dante.

"Santo huh? Pero astang demonyo." Mas hininaan pa ni Jinro ang bulong pero nang tinignan nya si Luke ay nakatingin ito sa kanila at nakangiti na parang kanina pang nakikinig sa pinag usapan nila kahit ilang metro na ang layo nito.

"Sige Watari, kailangan natin ng iba pang impormasyon para sa kasong iyan. Salamat." Paalam nito sa kausap sa telepono bago binaba ang tawag.
"Tawagan nyo lang ako pag kailangan nyo pa ng statement ko sa mga nangyari. Sa ngayon ma importanteng kaso pa akong aasikasuhin." Paalam din nito sa dalawang nakasarang-bibig na pulis.

Habang nagmamaneho si Luke sa kanyang kulay itim na motor ay nag-iisip na ito paano malutas ang susunod nyang kaso.
"Auction? Death Note? Heart Attack?"

Death Note: Reverse Eclipse(Fan Made)Where stories live. Discover now